Clinic

2158 Words
CHAPTER 1 HARTLEY’S POV Firstday of Class pero tinatamad ako. Wala naman sigurong makakahalata kung hindi ako papasok. Basta gusto kong matulog! Boring akong naglalakad sa green field ng school dahil nagcutting ako sa klase, mas gugustuhin ko nalang na tumambay malayo sa mga nagkaklase sa loob ng campus habang hawak-hawak ang backpack ko na basta ko nalang isinukbit. Napagpasyahan ko na gamitin ang backdoor ng Campus kung saan walang nagbabantay na makakahuli sa pagpuslit ko sa Campus doon ko natagpuan ang lugar kung saan madalas may mga naglalarong mga players ng soccer. Presko ang hangin sa lugar na ito hindi gaya sa ibang field. Dito ay napapalibutan ng matatayog na mga puno para maprotektahan ang mga taong nais magpunta sa lugar na ito nangiti nalang ako ng makitang walang tao sa field at tanging ako lang ang nagiisa. Naupo ako sa tabi ng puno kung saan tago at walang makakaistorbo. Ginawa kong unan ang bag ko saka nahiga. Napahikab nalang ako at agad na dinalaw ng antok. “Please come back to me”boses ng Lalaki Dito pa talaga nila naisipan na gumawa ng eksena. “Were already done”kalmadong sabi ng isang boses ng babae “I’m begging please I love you very much” pagsusumamo ng boses ng lalaki Takte ano nanamang kadramahan tong naririnig ko hindi ba nila alam na may tao dito at nakakaistorbo sila ng natutulog. “Tumayo ka dyan” “Hindi, hindi ako tatayo hanggang hindi mo ako kinakausap”  “Wala na tayong paguusapan pa tapos na tayo diba?Ayoko ng nasasaktan ka ng ganyan ayusin mo ang sarili mo”  “Hindi mo na ba ako mahal” “Ano pabang gusto mong malaman” “Sabihin mo sa akin na hindi mo na ako mahal at titigil na ako” “Let go of me”mahinahong sabi ng babae “Sabihin mo nga sa akin minahal mo ba ako?” “Ano bang klaseng tanong yan” “Sagutin mo ako” “Oo minahal kita”mahinang sabi ng babae “Pero bakit nagkaganito tayo” “Sorry” Katahimikan ang narinig yun na ang naging hudyat ko para tumayo at laking gulat kong nang makakita ako ng babae at lalaking naghahalikan! Tumalikod nalang ako hiyang hiya naman ako sa privacy nila at baka makaistorbo pa ako sa kanila. Agad akong naglakad patungo sa loob ng Campus dahil ramdam ko na ang gutom ko ganun nalang ang panlalaki ng mata ko ng mahagip ng mata ko ang hindi ko inaasahang tao. Paano nya ako natunton dito kakaiba din ang babaeng ito. Lumapit ako sa kanya and look at her wearing my poker-faced. “Hi! Hartley do you miss me?” masigla niyang bati. Hindi kita namiss yung mga luto mo namiss ko.  Agad ko siyang tinalikuran papuntang Cafeteria. Dahil nagugutom na ako!  Tuwang tuwa siyang naglalakad takbo para lang masabayan ako. Ano panga bang magagawa ko sa babaeng ito.  Hanggang sa makahanap ako ng pwesto sumandal ako sa upuan at tiningnan ko lang siya dahil naiirita na ako.  Ano ba kasing sadya niya dito? “Grabe ka naman sa akin Hartley hindi mo ba ako namiss grabe alam mo bang hirap akong hanapin ka. Buti nalang talaga maganda at matalino akong kaibigan. Oo nga pala maganda ang bago mong school hindi ko inaasahan na dito ka papasok grabe ilang buwan din kitang hinanap at hinagilap”pagkukwento niya. Hindi naman ako nagtago  “Sino may sabi sayong nagtatago ako”seryoso kong sabi sa kanya na ikinagulat niya. “Kung ganon nasaan ka ng ilang buwan hindi ka namin makita” Hinanap talaga nila ako. Pero hindi ako mabubusog ng ganito. “Nagbakasyon”maikli kong paliwanag. “Bakit di mo sinabi”mahina niyang sabi Ayaw ko kayong maistorbo. “Basta” “Pwede ba Hartley wag mo akong paandaran ng kaartehan mo dinalaw lang kita dito mukhang enjoy na enjoy ka lang naman sa pagcucutting mo my god Hartley first day na first day nagcucutting ka!  ”pagwawala niya ang. Ang ingay “Oppppsss sorry gutom ka naba? Wait” Tumawag siya ng crew na agad naman siyang nilapitan.  Napahawak nalang ako sa noo ko hindi ba niya alam na self-service dito.  Agad akong tumayo at pumila mukhang hindi pa naman naglalabasan ang mga studyante kaya madali lang akong nakaorder bumalik ako sa upuan namin dala-dala ang pagkain namin ng babaeng to sa harapan ko. Pero may naisip ako. “Hindi ko alam na nakakasweet pala ang pagbabakasyon saan kaba nagbakasyon, I can’t believe na binili mo ako ng foods ko”  Nang hahawakan na niya ang plato para ilagay sa harap niya agad kong tinapik ang mga  kamay niya kaya napadaing siya. “Ouch! Ano ba Hartley don’t tell me sayo lang yan”inis na sabi niya “Kulang pa sa akin to Avianna kaya bumili ka ng sayo” Agad siyang tumawag ng server at nagpaserve ng katulad ng order ko. “Naging masiba kana din pala, buti di ka tumataba” Sinamaan ko siya ng tingin.  “What!”irap niya sa akin “Umayos kanga Avianna ipapadampot kita sa Guard”tumahimik siya.”Ano ba kasing ginagawa mo dito hindi to Shopping mall Avianna”tinaasan lang niya ako ng kilay at nagsimula nang kumain. Tamang tama ang order ko dahil  gutom na gutom na ako tinitigan ko nalang si Avianna na maya’t maya ang irap sa akin. ‘Ano nanamang problema nya’ “Wag mo akong titigan ng ganyan Avianna”padabog niyang nilapag ang kutsara at tinidor niya at inis na humarap sa akin tumingin lang siya sa akin akala ko naman magsasalita napabuntong hininga nalang ako sa ugali ng babaeng to. “Ano bang problema mo Avianna?”iritado kong sabi sa kanya. “Ikaw!” hayan nanaman po siya nakailang buntong hininga ako bago ko siya sagutin. “Anong problema mo sa akin”tamad kong sabi habang nilalaro ang kutsa at tinidor ko abang tamad na nakasandal. “Ikaw na ngalang tong dinadalaw galit kapa!”sumbat niya sa akin “Hindi ko sinabing puntahan mo ako Avianna” “Grabe ka Hartley akala ko sweet kana wala kapa ding ipinagbago nakakainis ka padin tusukin kita ng tinidor gusto mo?”iritado niyang sabi habang kumikibot kibot ang kilay niya. Pikon. “So anong ngang sinasadya mo dito, Avianna” “Just visiting my friend ayaw mo ba? Wag mo akong yabangan Monreal ni hindi ka nagpaalam daig mo pa ang nagtatagong preso talagang sinadya mong wala kang maiiwang ebidensya hindi kita natrack” “Eh anong ginagawa mo dito kung hindi mo ako natrace” “Instinct”napangiwi nalang ako sa sinasabi niya “Pwes bulok ang Instinct mo ngayon mo lang ako nahanap”ngisi ko sa kanya. Tinawanan ko siya. “Sorry to tell you may ‘MAHALAGA’ lang akong inaasikaso” “So ganito ka nalang?”hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin. “Hindi kita maintindihan”kunot noo kong sabi sa kanya. “Hindi mo man lang kami dinalaw ”makahulugan niyang sabi. “May malubha kabang sakit at dadalawin kita” “Kahit kailan wala kang kwentang kaibigan, pasalubong ko?”nilahad pa niya ang kamay niya na talagang humihingi ng kung ano. “Anong pasalubong”salubong ang kilay kong sabi sa kanya. “Diba nagbakasyon ka? Kinang ina ka Hartley wala kang kwentang kaibigan kung wala kang dalang pasalubong. Kakadating mo lang kahapon diba?” inirapan ko lang siya. “Maghintay ka!”singhal ko sa kanya. Padabog niyang kinuha ang kutsara at tinidor Inis na siya. Bwahahaha “So ganyanan nalang tayo Hart?” sa tono ng pananalita niya mukhang alam na niya. Hindi ako nakapagsalita. At alam kong seryoso siya. “What” “Alam mo kung anong sinasabi ko Hart”seryoso niyang sabi. “Tss” “Your forgiven”nakangiti niyang sabi Maswerte ako dahil may mga katulad nila akong mga kaibigan. “Hindi na ako magugulat kung may bigla nalang susulpot na isa sa inyong tatlo” Natawa siya. “Ofcourse”mayabang niyang sabi. Mabilis din kaming natapos pagkatapos naming mag usap. Nagvolunteer akong ihatid siya pero sabi niya pumasok nalang daw ako sa klase. Nang makalayo na siya at mawala na siya sa paningin ko naglakad nadin ako palabas ng Cafeteria at pabalik ng Classroom na ngayon ko lang napagtantong tapos na pala ang klase at isang oras nalang para mag uwian at kasalukuyang lunch. Tamad akong umupo sa armchair at hinilig ang mga ulo ko parang inaantok ako gusto ko ulit matulog. Hindi paman ako mahimbing na nakakatulog na may lumipad na lamukos na papel na tumama sa mukha ko. Arrrrrrrrgggggggggggggggggg Kahit gusto ko mang matulog at ipagpatuloy ang pagpapahinga ko naginit nalang ang dugo ko. Sa lahat ng ayaw ko ay ang ginigising at iniistorbo ako sa oras ng siyesta ko. Galit kong pinulot ang nilamukos na papel at kunot noong hinarap kung sino namang kisihoda na nagbato niyon hindi matatapos ang araw na makakatikim siya sa akin. “Kinang ina! Sinong walang hiya ang nambato!” gigil kong sabi sa mga kaklase ko.  Kinang ina talaga! Kita ko ang mga reaksyon nila ang gulat ng makitang galit ako. Walang nag abalang kumausap sa akin at ibinalik ang mga atensyon sa kani-kanilang mga ginagawa. Mukha akong tangang naghihintay ng sasagot pero wala talagang umamin. “Kinang ina wala bang magsasalita!”gigil kong sabi wala talagang pumapansin sa akin. Padabog akong lumabas ng Classroom at kamalas malasang masasalubong ko ang Lecturer  na alam kong magsisismula nang magklase wala na akong nagawa kundi ang bumalik sa klase.  Napatingin naman ako sa mga kaklase kong mga nagbubulungan at naghahagikgikan. Dahil sa busit ko unti-unti ko silang mga pinapatay sa isipan ko dahil alam kong kilala nila kung sinong bumato. “Sir yung transferee po na ngayon lang pumasok natutulog!” sigaw ng isa kong kaklase. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako gulat pa akong napatingin sa harap sa Lecturer na nagkaklase at ang sunod na nangyari ay pinapapunta ako sa Disciplinary Office.  Tamad akong sinukbit ang bag bago ako umalis ay sinamaan ko muna ng tingin ang kung sino mang sumigaw. Bago pa ako makalabas ay may sumigaw na ikinapantig ng tainga ko. “Nice one guys” at huli na ng maramdaman ko na basang basa na ako ng kulay berdeng pintura. Ano nga bang aasahan ko! Kahit saan nalang ako magpunta may magmamaldita at magmamaldita sa akin. Gusto ko silang mga sabunutan! Ngayon na nga lang ako pumasok puro katarantaduhan na ang nangyari! Kinang ina! Wala na akong nagawa kung hindi padabog na lumayo sa mga inggitera kong mga kaklase paanong mga nakapasok sa Academia ang mga katulad nila?  Napaka bababaw ng mga kaligayahan punong puno ng insecurities sa katawan.  Kinang ina nanlalagkit ako masakit nadin ang ilong ko sa amoy ng pintura. Kinuha ko ang spare uniform ko sa locker at nagdirediretsong pumunta sa Clinic dahil dun ako maliligo. Gulat na napatingin sa akin ang Doctor na incharged sa Clinic walang sabi sabi na tumuloy ako sa banyo at doon ako maliligo.  Naghubad ako ng damit pangitaas at tanging bra nalang ang suot ko ng may biglang nagsalita sa likuran ko. “Anong ginagawa mo dito”bigla na lamang akong kinilabutan sa narinig ko agad kong tinakpan ang dibdib ko nanlaki ang mata ko ng makakita ako ng lalaki.  At nasa iisa kaming banyo pa kami! Wala manlang nagsabi sa akin na may tao at nakatapis lamang, anong ginagawa nya dito!                                          Laglag ang panga niya na mukhang nabigla at hindi alam kung anong gagawin at mukhang walang balak na tumalikod.”Oh s**t!” napatalikod nalang din ako. Nagkakitaan na! ‘KINANG INA!’ Biglang napunta ang atensyon ko sa nurse na kumakatok. Kinang ina ngayon lang nila sinabi kung kailan nagkakitaan na! “Miss! Miss! Nandyan kapo ba sa loob pasensya napo hindi agad namin nasabi na may tao dyan sa loob”oo at hindi ninyo manlang sinabi mga kinang ina! “Ayos lang wala naman akong nakita” Abat! Siraulo ba siya! nakapagbihis na pala siya muli niya akong pinasadahan ng tingin at nakangising binuksan ang pintuan  “Wala naman akong makikita mashadong maliit ang dibdib niya and I’m not interested” napanganga nalang ako sa sinabi ng lalaking yun. Hangga na ako sa kakapalan ng mukha niya hiyang hiya naman ako sa itsura niya hindi ko din siya Type. Aisssshhhhhhhhhh! Napasabunot nalang ako sa sarili ko. Agad akong naligo at nagpalit ng reserba kong damit.   Malulutong na Kinang ina!   Kinang ina!   Kinang ina!   Kinang ina!   Kinang ina!   Kinang ina!   Kinang ina kang Lalaki ka! Ang kapal kapal ng mukha mong UNGAS KA!   LANCE’ POV “Oh s**t!”nabigla ako ng makakita ako ng babae sa loob ng Cr kasama ko. Hindi lang naman ito ang unang beses na makakita ako ng dibdib ng babae. Ano bang iniinarte ko!  Kamanyakan man ang iniisip ko talaga namang *LUNOK*   Pumasok ulit ako sa para mag bihis ng mabilis pag labas ko ganun padin siya mukhang napaliguan ng berdeng pintura. At hanggang ngayon nakatalikod padin sa gawi ko. “Miss! Miss! Nandyan kapo ba sa loob pasensya napo hindi agad namin nasabi na may tao dyan sa loob” katok ng nurse na mukhang nagpapanic. Wala ba sila sa labas bakit nakapasok to dito. Tiningnan ko ang babae mukhang napaliguan siya ng pintura pero ang mukha niya walang pintura mula balikat pa - ba - ba lang. Nakita ko na ba siya ? Pero parang nakita ko na siya. Hindi ko lang alam kung saan. “Ayos lang wala naman akong nakita”mayabang kong sabi. Maganda siya kung titingnan mo.   Maganda ang katawan  Napangisi nalang ako sa naiisip ko binuksan ko ang pintuan at hinarap ang nurse na kanina pa nagpapanic at kumakatok.  “Wala naman akong makikita mashadong maliit ang dibdib niya and I’m not interested”   Lumabas na ako ng Clinic may klase na at late na ako kung papasok pa ako. Nakasalubong ako ng magandang babae na agad lumingkis sa braso ko. “Babe wanna join me?”malanding sabi niya.  Gusto kong humanga sa kagwapuhan ko babae na ang lumalapit sa akin.  Inaya ko siya sa Parking Lot papasok palang kami sa kotse ko ng sunggaban ako ng babae ,sa lahat ng gusto ko sa babae yung aggressive yung hindi na ako pahihirapan pa. Habang naghahalikan kami ay biglang tumunog ang kabilang kotse senyales na bumukas ang kotse. Hindi ko alam kung anong humatak sa akin para tumingin ganun nalang ang gulat ko ng makita ko siya Yung babae sa Clinic.  Nginisihan ko siya habang hinahalikan ako ng babae sa leeg ipinapakita ko sa kanya kung gaano siya kaswerte na makita ang katawan ko kanina. “Babe, Lets go”malanding sabi sa akin ng babae at isang napakalutong na middle finger ang natanggap ko sa kanya saka niya pinaharurot ang sasakyan. Ibang klase.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD