Chapter 2: Maghubad Ka

1823 Words
“Ughh!” sambit ng lalaking kalaban, kasabay ng pagbagsak nito sa semento. “s**t! Akala ko’y katapusan ko na talaga,” kausap ko sa aking sarili. “Are you alright, Ms. Alvarez?” narinig kong tanong ni Sir Niko. “Yes, Sir. How About you, Sir?” tanong ko. “Okay lang kami rito at pababa na kami riyan,” imporma nito sa akin at hindi na ito nagsalita. Wala pang ilang minuto ay nakita ko na sila at nakaposas na ang nahuli nilang mga kalaban. “May sugat kayo, Sir,” nag–aalalang sambit ko. “Okay lang ‘yan. Kahit ikaw ay mayro’n din naman. Lumabas na tayo at parating na ang ambulancia,” pahayag nito sa akin. We went out. At dumating na ang mga ambulancia na magdadala sa mga namatay at nasugatang kalaban at sa mga kasamahan namin. At dahil minor lang naman ang sugat ko’y diretso na ako sa head quarters namin. “Ba’t hindi ka man lang tumawag ng tulong, Ms. Alvarez? ‘Kala mo naman kung kayang–kaya mo ang sarili mo,” gagad sa akin ni Mortil. Nilalagyan ko ng band aide ang sugat ko, para iwas mikrobyo. “Kahit hindi ako nagtawag ng tulong, kung talagang bumaba ka para makipagsagupaan, sana ginawa mo, ‘di ba? Saka, huwag ka nang manisi dahil okay na ‘ko at nakaligtas ako,” gagad ko rin dito. “O, tama na ‘yan at baka kung saan na naman mapunta ang usapang ‘yan,” ani Sir Niko sa amin. “I received a call from Sir Istrael that Don Trivorcio Delaser was accidentally killed last week. The police could not identify who was the mastermind. Maybe, it's because of the business. And We know that there is a lot of envy in that family. Isa pa sa mga ipinahayag sa akin ni Sir Istrael na may natanggap na death threats ang nag–iisang anak ng don na si Mr. Krypton Delaser. Ayon pa kay Sir Istrael ay isa sa mga suspek si Krypton dahil bago raw namatay ang matandang don ay nag–away pa silang mag–ama,” pahayag pa ni Sir Niko sa amin. “Anong gagawin namin, Sir? Mamanmanan ba namin ang Krypton Delaser na ‘yan?” I asked. “Not only that, Ms. Alvarez, but I will give you the mission to watch over Mr. Delaser. You will apply as his bodyguard. And since that young man is a playboy, you will pretend to be a boyish because he doesn't like women who are not beautiful,” imporma sa akin ni Sir Niko dahilan upang tumaas ang kilay ko at bumulanghawit naman ng tawa si Mortil. “Natawa ang guwapo. Pero, grabe naman kayo sa akin, Sir. Oo na at hindi ako kagandahan, pero hindi naman ako kapanget–panget,” segunda ko. “Wala akong sinabing panget ka. So, let’s back to our topic. Bukas na bukas din ay mag–a–apply ka na, kaya ngayon pa lang ay paghandaan mo na ang misyon mo. Magpagupit ka ng panlalaki kung kinakailangan dahil hindi puwedeng hindi ka matanggap. At hindi rin puwedeng malaman ni Mr. Delaser na isa kang agent. Dahil, kung hindi, masisira ang plano natin na matukoy kung sino talaga ang pumatay kay Don Trivorcio,” pahayag pa ni sir sa akin. Napaisip ako. “Kung isa sa mga suspek si Krypton, ba’t kailangan pa niya ng body guard? Maybe, pakana niya ang death threats?” “Exactly. Kaya, kailangan mo siyang bantayang mabuti, Ms. Alvarez. At alam ko namang makatutulong sa ‘yo ito, dahil bukod sa su–suwelduhin mo rito sa agency ay may sahod ka pang matatanggap mula kay Krypton,” sambit sa akin ni Sir Niko. Tama si Sir Niko dahil alam niyang kailangan na kailangan ko ng pera lalo na at breadwinner ako sa aming magkapatid. “Ito ang address ni Mr. Delaser. And it’s up to you kung anong moves ang gagawin mo. At karangalan ng agency natin kung magawa mo ang misyon na ‘yan,” saad pa ni sir sa akin. “Masusunod ho, Sir,” sagot ko. Kinuha ko ang papel na may sulat at alam ko ang lugar na ito. “I have a lot of trust in you, Ms. Alvarez and I know you can do it,” wika ni Sir Niko. Nakipagkamay ito sa akin at nagpaalam na ito. “Galingan mo sa assignments mo, Ms. Alvarez. Dahil tiba–tiba ka riyan. Pero, sana nga at matanggap kang bodyguard, lalo na at mataas ang standard ng mga Delaser,” ngisi sa akin ni Mortil. “Minamaliit mo ba ako, Mortil?” untag ko. “Hindi, dahil totoo naman ang sinasabi ko,” mariin na sambit nito at iniwan na ako. Sumandal naman ako sa dingding at nag–isip na ako ng unang hakbang na gagawin ko. KINABUKASAN, maaga akong pumunta sa beauty parlor upang magpagupit ng hindi naman lalaking–lalaki. Kundi ay hanggang sa leeg lang at ipakukulot ko ang dulo. “Okay na ba ito, Miss?” tanong sa akin ng beautician. “Okay na ho at salamat dahil bagay na bagay ho sa maliit na mukha ko,” ngiti na sambit ko. “Hindi ka ba magpapa–manicure at pedicure?” tanong pa nito. “Hindi na, Ate dahil hindi rin naman papansinin ‘yan,” saad ko. Pinatitigas ko na ang boses ko dahil para magmukha talaga akong tomboy. Nagbayad na ako at umalis na ako dahil bibili pa ako ng mga kakailanganin kong damit. Hindi nman kalakihan ang mga s**o ko, kaya okay na siguro ang maluluwang na shirt at jogger. Namili ako sa palengke, hanggang sa sombrero. Nagbihis na ako at bumalik na ako sa head quarters naming ng alas diyes. “Mukhang handang–handa ka na sa pagiging bodyguard mo, ah,” sambit ni Mortil sa akin. “Natural! Nandiyan ba si Sir Niko at magrereport ako sa kanya,” tanong ko. “Nasa opisina siya at puntahan mo na lang,” sambit nito. Pinuntahan ko na si Sir Niko at naabutan kong may kausap ito sa phone. “Okay, I’ll call you later,” saad nito sa kausap at hinarap ako. “Akala ko, hindi ka na dadaan dito. Here’s the envelope at nandiyan sa loob ang larawan ni Mr. Krypton Delaser,” sambit nito sa akin. I took the brown envelope and opened it. I took the photo, causing me to swallow. “Shít, yummylicious!” bulong ng isipan ko. Dahil bakat na bakat ang hinaharap ng Krypton na ito. “Napogihan ka ba agad, Ms. Alvarez?” nakangisi na tanong ni Sir Niko sa akin. “Hindi naman po, Sir. 14 lang po pogi nito sa akin, dahil mas pogi pa nga ako, eh,” taas kilay na saad ko. “Ang laki ng boses mo na, ha. Gan’yan nga ang gusto ko, Ms. Alvarez. Iyong productive at palaban kahit saan. Kung handa ka na, puntahan mo na ang address niya at handa na dapat ang mga requirements mo. Heto rin ang mga kakailanganin mo. Spy sunglass, pen camera, at tie camera. Maging mabusisi ka sa pagbabantay kay Mr. Delaser. At every week kang magreport sa akin,” ani Sir Niko. “Yes, Sir,” sagot ko. At kinuha ko pouch na naglalaman ng mga gagamitin ko. “Break a leg, Ms. Alvarez! Lakad na!” sambit nito. Umalis na ako sa harapan nito at sumakay na ako sa taxi dahil hindi ako puwedeng magmotor. Sa Grand Ville Subdivision, Batangas ang bahay ni Mr. Krypton Delaser at dalawang oras at kalahati ang inabot ko dahil sa traffic. “Iyan ang bahay ni Mr. Delaser, Boy,” sambit sa akin ng taxi driver nang tumapat kami sa puting mala–mansyon na bahay. “Salamat ho, Manong,” sambit ko sa malaking boses. Pinagkamalan talaga akong lalaki dahil sa suot ko. Bumaba na ako at pasilip–silip pa ako dahil may dalawang guard sa labas. Pero, parang wala namang nag–a–apply rito. Nakita ko ang nakapaskil na apply inside, kaya naman lumapit ako sa mga ito. “Magandang umaga, Boss. Mag–a–apply ho sana ako,” saad ko. Pinasadahan ako ng mga ito nang tingin, at nagkatinginan din ang mga ito. “Anong a–apply–an mo? Hip Hop dancer ba?” natatawang tanong ng isang guard na malaki ang tiyan. “Bodyguard ho dahil nakita ko itong nakapaskil. At ganito ho talaga akong magsuot,” sambit ko. “Kuh! Aywan lang namin kung makapapasa ka kay Sir Krypton dahil mabusisi ‘yon, lalo na at tomboy ka. Marami nang nagtangka rito, kahit lalaki, pero walang pumasa sa kanya,” sambit naman ng isa pang guard sa akin. “Okay lang, Manong guard. Malay mo naman, makapasa ako, ‘di ba?” kindat ko rito. “O, pasok ka na at dumiretso ka na sa loob dahil isa lang katulong diyan,” pahayag ng mga ito. “Paki–check ho mga gamit ko,” saad ko at binuksan ko ang bagpack ko. “Hindi na dahil brep makikita namin diyan, pasok ka na,” sambit nito. “Salamat mga, Manong,” sambit ko at pumasok na ako sa loob. Patingin–tingin pa ako sa paligid dahil baka may mga cctv camera dito, kaya kailangang ayusin ko ang kilos ko. Kumatok ako. Bumukas naman agad ang pinto at bumungad sa akin ang matandang babae. “Dumiretso ka na sa taas, Ineng. Sa kanang kuwarto niya dahil naghihintay na sa ‘yo si Sir Krypton,” pahayag nito sa akin, dahilan upang mapalunok ako. Paano nalaman ng Krypton na ‘yon ang pagdating ko. Hindi nga ako nagkamali na may cctv sa paligid. Umakyat na ako. Nakita ko agad ang kuwarto sa kanan. Huminga muna ako nang malalim, bago ako kumatok. “Come in,” narinig kong sambit ng lalaking–lalaking boses sa loob. I was immediately nervous. Binuksan ko ang pinto at lumantad sa akin ang hubad na Krypton Delaser dahilan upang kabahan ako. Mabuti na lang at nakatalikod siya sa akin. “s**t! Naka–bríef lang siya, Pepper!” sigaw ng isipan ko. Pero, diretsong tingin lamang ako dahil nga nagpapanggap akong tomboy. “Good Morning, Boss,” bati ko. He faced me, causing me to see his budding manh00d. “Tomboy ka?” agad na tanong niya sa akin. “Oho, Boss at hindi tayo talo,” ngisi ko sa kanya. He raised his eyebrows. Naglakad siya palapit sa akin at pinaikutan niya ako habang taas–baba kung pasadahan niya ako nang tingin. “If so, undress now in front of me, lahat ng saplot mo’y hubarin mo para malaman ko kung tomboy ka nga at hindi tayo talo,” maawtoridad na utos niya, dahilan upang manlaki ang mga mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD