Chapter 5
"Magsisurvey tayo, pero tingin ko kaya na rin natin ‘to sagutan, ikaw nahihirapan ka ba sa Algebra?" tanong ni Darren habang magkaharapan ang upuan namin sa classroom.
Wala ang teacher namin sa English pero binilinan niya kami na asikasuhin ang research project namin with our partners bago siya pumunta sa meeting nila ng kapwa niya teachers sa faculty.
"Sabrina?" untag ni Darren nang hindi ako sumagot.
"Ano nga ulit ‘yon?"
"Wala ka sa sarili, may problema ka ba?"
He sounds sympathetic. Pero ang totoo medyo natutulala ako sa kanya dahil parang walang nangyaring hawakan kahapon kung kausapin niya ko, very casual. Brrr! Tumindig ang balahibo ko nang maalala ko kung gaano siya kahard…oh my…minus points na ko nito sa langit!
"Wala, ah, gawin na natin ‘to, saan ba tayo magsisimula?" pang-iiba ko. Since parang balewala sa kanya, ganoon na rin ang gagawin ko. Ayokong maawkward kami pareho.
"Sabi ko magsurvey kaya tayo? Pero tingin ko masasagot na rin natin."
"Tingin ko nga, kasi ako ang dami kong reason kung bakit di ko magets algebra. Method of teaching at saka bobo rin ako."
"Bobo?" parang nagulat pa siya pagkasabi ko niyon.
"Oo, bobo naman talaga ko. Sabi rin ng Mommy ko, palagi lang akong pasang-awa. Di ko nga alam kung bakit nakakapasa ko, eh. Naawa lang siguro si teacher. Malaki lang talaga donation namin dito sa school kaya nasa star section ako, eh."
Nakita kong napailing siya.
"Walang taong bobo, slow siguro."
"Ganoon na rin ‘yon, pinaganda lang, eh. B-O-B-O. Bob-" iniharang niya ang hintuturo sa labi ko kaya napatigil ako.
"Sshhh. Ang sakit sa tenga," saway niya at tinanggal na ang daliri sa kamay ko.
"Eh, ‘yon naman talaga ko."
"Maraming dahilan kung bakit slow ang isang tao, una baka kulang sa focus. Maraming iniisip. O ayaw niya lang talaga intindihin kasi tinatamad siya. Alin ka doon?"
"All of the above!" honest na sagot ko.
"Pero kung matutukan ka, malabong wala kang matutunan. Marami pa tayong project, gusto sana kitang yayain kaso baka nadala ka na sa aso ko at sa gagamba ni Kiko."
"Natakot talaga ko. Sana pag bumalik ako wala ng gagamba o kaya nakatali na si whitey, well okay lang naman na alpas siya basta ‘wag siyang manunugod."
"Babalik ka sa bahay namin?" maang na tanong niya.
"Eh, di ba partners tayo kaya need din talaga natin magsama minsan."
"Sige, sabihan mo ko kung kailan para maitali ko si Whitey."
"Oh, lunch na pala, tara?" yakag ko at itinago na ang mga notebook at ballpen sa bag ko nang marinig ang ring ng bell.
"Ah, hindi na, may baon naman ako."
"Eh, di dalhin mo sa canteen para sabay na tayo."
"Hindi ka ba sasabay sa mga kaibigan mo?"
"Nah. Don’t mind them, may kanya-kanya na silang lunch body," nguso ko pa sa mga friends ko na mga nakaabrisiyete pa sa mga boyfriend nila. Parang wala sa school mga lokang ‘to porke walang teacher.
"Sab, tara!" yakag ni Bettina.
"Kayo na lang, marami pa kaming gagawin ni Darren, di ba?" baling ko sa kanya.
"Ha?"
"Lika na," yakag ko at hinagip na ang back pack niya.
Napatayo tuloy si Darren at napasunod sa akin palabas.
"Sabrina, akin na ‘yang bag ko."
"Bakit? Ayaw mo talaga akong kasabay ‘no?"
"Hindi, ako na ang magbibitbit. Sasabay na ko sa’yo."
"Great! Let’s go!" napangiting bulalas ko.
Humanap kaagad ako ng upuan pagdating namin sa canteen. Pandalawahan lang at magkaharapan kami.
"Hintayin mo ko please? Oorder lang ako,"
Tumango naman siya at parang nahihiya pang inilapag ang back pack sa silya.
"Grilled chicken with butter corn on the side ate," sabi ko sa tindera saka ako lumingon kay Darren.
Nakatingin siya sa akin kaya ngumiti ako at bumaling ulit sa tindera.
"Paadd pala ako ng dalawang ice cream cup, Vanilla and chocolate flavour po."
Nang makumpleto ang order ko kinuha ko na ang tray at lumakad pabalik kay Darren.
"Let’s eat?" yakag ko nang mailapag ko iyon.
Kinuha niya ang bag at inilabas ang lunch box niya. Dalawa iyon. Nang buksan niya nagtaka ako sa ulam niyang nasa ibabaw ng kanin, di ko kasi alam. Mapwera doon sa isang lunch box na may lamang gulay na kalabasa.
"Ano’ng tawag diyan?"
"Tortang dulong saka ginisang kalabasa."
"Dulong? Isda ‘yon?"
"Oo, maliit nga lang. Gusto mo? Dalawa naman ‘to."
"Sige ba, mukhang masarap kasi ang ganda ng pagkaluto, golden brown-"
"Sab, grabe seryoso ka talaga sa kanya na sasabay?"
Napatingala ako nang marinig ang boses ni Bettina na may dala ring lunch sa tray. Kasama mga bf nila, parang napalibutan tuloy kami ng grupo.
"Oo nga, di ba sinabi ko naman na?"
"Yuck, ano’ng klaseng ulam ‘yan? Look’s like disgusting!" nakangiwing turo ni Chloe sa baon ni Darren.
"Oo nga pare, mukha pang mabaho, kinakain ba talaga ‘yan?" tanong pa ni Jake na boyfriend ni Chloe. Bagay. Parehas matapobre.
Nainis ako. Binabastos nila ang pagkain, lalo na si Darren.
"Pwede ba? Leave us alone? Saka tinatanong niyo kung ano’ng ulam niya? Tortang dulong."
"Dulong? What’s that?" curious na usisa ni Elle, hindi naman tunog nangungutya.
"A small kind of fish and I tell you masarap, di ba?" tanong ko kay Darren na nakayuko na.
Naawa ako.
"Makayuck kayo ha, ang sarap kaya," sabi ko at kinuha ang tinidor at kutsara ko, pumiraso ako ng dulong gamit iyon.
"Ewww! Don’t tell me you’re going to eat that? No, Sabrina!" pigil ni Bettina.
"Arte mo," irap ko at tinitigan ang ulam. Hindi ko alam ang lasa nito pero bahala na.
Isinubo ko iyon at nginuya. Napansin kong nakatingin na sa akin si Darren na parang hinihintay ang reaction ko. Pati sila hinihintay reaction ko. Mga muntanga.
Nang maubos ko, walang imik na tinusok ko ang isang dulong ni Daniel at inilagay sa plato ko.
"Ang sarap! Tara kain tayo." yakag ko sa kanila at sumubo ulit.
Masarap naman talaga, eh. Tama lang ang alat. Napansin kong napangiti si Darren kaya malokong kininditan ko siya.
"Let’s go na nga girls," aya ni Chloe kaya nagsisunudan sa kanya ang lima. sa isang pahabang table.
"Okay na hindi na sila nakatingin, hindi mo na kailangang tiisin ang lasa," ani Darren at akmang kukunin ang dulong pero pinigilan ko.
"No! Akin na lang ‘to, masarap talaga promise. Palit na lang tayo ng ulam?"
"Ha?"
"Oo nga, here. Nakakasawa na rin ‘to, eh," kinuha ko ang grilled chicken at isinalin sa lunch box niya.
"Sabrina,’wag na nakakahiya, mas mahal ‘yang ulam mo."
"So? Eh, gusto ko ‘tong ulam mo, wala kang ulam kasi uubusin ko na ‘yan," nakangiting sabi ko at tinusok pa ang isang dulong niya.
"S-Salamat."
"Ang sarap din nitong gulay mo, iba talaga ang lutong bahay ‘no?" komento ko nang mtikman ang gulay na isinabaw ko sa kanin.
"Oo naman, mas special kasi pamilya mo ang nagluluto."
"Nawa’y lahat!" napabuntong hininga sabi ko.
"Bakit? Hindi ka ba pinagluluto ng Mama mo?"
"Hindi, eh, mas gusto niyang mag dine out with her friends. I don’t even remember kung naipagluto na ba niya ko? Laging iyong cook namin, buti pa si Daddy, kahit na adobo lang alam niyang lutuin, pinagluluto niya ko minsan. Anyway ‘wag na natin silang pag-usapan, kumain ka na rin. Ito pala tig-isa tayo. Di ko alam kung ano’ng gusto mong flavour kaya chocolate na lang. Lahat naman love ang chocolate," pang-iiba ko ng usapan at iniabot ang isang ice cream cup na binili ko.
"Sabrina, ‘wag na."
"Sige na, matutunaw ‘to, eh."
"Hindi ‘to kasama sa budget ko."
"Sino bang may sabing bayaran mo?"
"Ayokong pag-isipan ako ng masama ng ibang tao."
"Ha? Binigyan lang kitang ice cream pag-iisipan ka na ng masama?"
"Di mo ba nakikita? Itong simpleng pagsasabay nga lang natin parang malaking issue nasa mga kaibigan mo, iyon pa kayang bibigyan mo ako niyan?"
"Care nila? Saka friend din naman kita,"
"Magkaibigan na tayo?"
"Oo naman, ayaw mo? Gusto mo pa talaga ng word of confirmation, ah?"
"Hindi, nakakagulat lang."
"Ano’ng kagulat-gulat do’n? Kaya kapag hindi mo ‘to tinanggap, means ayaw mo kong maging kaibigan," dare ko at inilapag na ang icecream sa harap niya.
Napakamot siya sa ulo.
"Ang hirap mong tanggihan..." pagsuko niya at kinuha na iyon.
"Of course malakas charms ko!" biro ko kaya napangiti siya.
"Di bale babawi na lang ako sa’yo,"
"Ano ka ba wala naman akong hinihintay na kapalit."
"Ganito na lang, kapag meron kang hindi maintindihan sa mga subjects natin, sabihin mo sa’kin, tuturuan kita."
"Eh, paano ‘yan? Lahat sila hindi ko naiitindihan."
"Seryoso?"
"Oo, shunga nga kasi ako," tawa ko.
Napakamot siya sa ulo pagkukwa’y napatawa na rin, nakakahawa raw kasi tawa ko.
~*~*~*~*~*~*~*~
"Aray!" reklamo ko dahil pagliko ko sa pasilyo papuntang CR may nakabangga ako. Tumama ilong ko sa dibdib ng kung sino mang lalaki ‘to.
Naiwanan ko na nga sina Chloe dahil ihing-ihi na talaga ko.
"Be careful next time," ani Jared at humalukipkip pa.
Napairap ako.
"Nye. Nye. Nye. Tabi!" halihaw ko sa kanya at akmang lalagpasan na siya nang hagipin niya ang braso ko. Kinilig ako. Chinachansingan ako ng crush ko.
"Tell me, ano’ng meron sa inyo ni Darren? You are smiling from ear to ear while having a sweet lunch with him."
Sinupil ko ang ngiti ko, parang nasa himig niya kasi ang pagsiselos.
"Wala ka na dun. Stalker!" irap ko saka pumiksi at tumungo nasa banyo.
Baka maabutan pa ako ng bell.
Pagkatapos kong magbanyo naghugas ako ng kamay sa sinc. Nandoon sina Chloe nagriretouch.
"Sab, nakita ko ‘yon, nag-usap kayo ni Jared. Ano’ng sabi niya?" kulit ni Bettina.
"Tell me, ano’ng meron sa inyo ni Darren? You are smiling from ear to ear while having a sweet lunch with him." sagot ko at ginaya pa ang boses ni Jared.
Nagtilian sila except for Chloe na napairap sa kaingayan nila.
"He’s jealous na!" ani Elle.
"You think so?"
"Bakit naman ngayon ka lang niya kinausap kung kailan nainvolved ka kay poor Darren? Kung hindi nagsiselos ‘yon, eh, ano pang dahilan niya?" si Chloe ang sumagot habang busy sa paglalagay ng face powder sa ilong niya.
"Yes naman! Ang brilliant ko talaga sa naisip kong makipaglapit ka kay nerdy Darren to make him jealous. And I think its working na. Kaya lang girl hindi kita mapaniwalaan kanina! You just ate that disgusting food! Ano nga ulit tawag dun?" ani Bettina.
"Dulong," sagot ko at nagsuklay-suklay na.
"Ewww!" sabay-sabay na react ng tatlong bruha.
"Masarap kaya. One of the best dish na nagustuhan ko."
"Eh, teka baka naman masiyado kang maging close diyan kay Darren, ha? Remind lang kita, hindi siya bagay sa circle natin," pag-iinarte na naman ni Bettina.
"Actually okay naman si Darren, at mas lalong okay kasi mukhang naaapektuhan na si Jared."
"So hanggang kailan ka sasama-sama kay Darren?" tanong ni Elle.
"I don’t know, as I’ve said earlier, okay naman siya. So hayaan niyo na ko kasi may kanya-kanya rin naman kayong pinagkakabusy-han diyan. Parang hindi niyo rin ako kasama kapag kasama natin mga boyfriend niyo. Kaya ‘wag niyo na ulit kayo mangtrip kapag kasama ko si Darren kagaya ng ginawa niyo kanina, okie?"
"Fine!" pagsuko ni Bettina.
"Good." nangingiting sabi ko.