“Mommy please, kain na po tayo sa labas, kaka graduate ko lang po eh.” pilit ng batang si Viserra sa kanyang ina na lumabas sila, at doon na lamang kumain dahil hindi pa sila nakakapag celebrate ng kanyang graduation.
“Young lady, we're kind of busy today, maybe tomorrow?” suyo ng kanyang ina pero masama na ang loob ng bata.
“But mommy, gusto ko po ngayon eh, hindi po ba pwedeng bukas na work niyo? lagi nalang po kayo nag ta-trabaho ni daddy.” sambit ni Viserra, nakasimangot na ang mukha nito at tumalikod na.
“Okay okay, let's eat outside okay? tatawagin ko lang ang daddy mo, mag prepare kana.” sambit ng ina ni Viserra.
“Thank you mommy!” nakangiting sambit ni Viserra at tumakbo papunta sa kanyang ina at niyakap ito.
“Anything for my princess.” sambit ng ina, nakangiting nagpaalam si Viserra at nag punta na ito sa kanyang kwarto para maligo at mag ayos.
Nadatnan niya ang dalawa niyang yaya na nag hihintay sa kanyang kwarto. Spoiled brat si Viserra, pero kailanman hindi ito naging malupit sa mga taong nasa paligid niya.
“Yaya, just wait for me here po, maliligo lang ako, pwede niyo na po i handa ang susuotin ko.” sambit ni Viserra gamit sa boses niyang pagka lambing lambing.
Tumango ang dalawang babae at nag simula na silang kumuha ng damit n Viserra, habang si Viserra naman at pumasok na siya sa bathroom niya para makaligo na.
Mabilis siyang natapos sa pag ligo dahil naligo naman na si Viserra pagka gising niya kanina. Lumabas siyang naka roba at kinuha ang mga damit niya, lumabas sandali ang dalawang babae para makapag bihis si Viserra.
Mabilis nag bihis ang batang Viserra, pagkatapos ay binuksan niya ang pintuan para maka pasok ang dalawang yaya niya.
“Anong gusto mong maging ayos, senyorita?” tanong ni Nancy, isa sa mga yaya ni Viserra.
“Maybe ano po, paki braid ko ang hair ko ate.” sambit ni Viserra, tumango si Nancy at sinimulang ayusin ang buhok ng bata.
Habang si Berry ay inayusan ang mukha ni Viserra, gusto ng bata na maganda siya sa lakad nilang magka pamilya.
Pagkatapos siyang ayusan, pina suot na sakanya ang sandalyas na napili ni Viserra. Isang kulay dilaw na bestida ang suot niya, at isang puting sandalyas na may katamtamang taas ng takong.
Nag spray ng pabango si Viserra at nakangiting lumabas ng kwarto niya, nasa pababa na siya sa hagdan nang maka rinig siya ng putok ng baril. Gulat man ay nag tago siya sa balustre ng kanilang hagdan, sinilip niya ang nangyayari sa baba gamit ang maliit na butas.
Nakita niya ang mga katulong nilang naka handusay sa sahig habang naliligo sa sarili nilang dugo, susunod na nakita niya ay ang katawan ng mga magulang niya, naka handusay din ang dalawa habang naliligo sa sarili nilang mga dugo.
Natakpan ni Viserra ang bibig niya para hindi siya maka gawa ng ingay, lumipat ang paningin niya sa lalaking naka tayo at naka titig sa katawan ng kanyang magulang, may dala itong baril.
Hinintay muna ni Viserra maka alis ang mga hindi kilalang tao na nasa mansyon nila bago siya bumaba para puntahan ang kanyang mga magulang.
“Mommy, Daddy ko.” tangis ng batang babae habang tinitignan ang walang buhay na katawan ng kanyang magulang.
Hindi alam ni Viserra ang gagawin niya, pero tinawagan niya si Sapphire ang sekretarya ng kanyang ina.
“Hi madame, ano pong ipag uutos niyo?” bungad ni Sapphire sa tawag.
“Sapphire” umiiyak na sambit ni Viserra.
“Viserra? why are you crying? where's your mom?” natatarantang sambit ni Sapphire sa kabilang linya.
“Someone killed them, Sapphire! my parents were killed!” hysterical na sambit ni Viserra at nabitawan ang telepono.
Hindi alam ni Viserra ang gagawin, kung lalapit ba siya sa katawan ng magulang niya o ano, takot na takot ito habang nakikita ang mga katawang naka handusay sa sahig, hindi nag tagal ay dumating na si Sapphire kasama ang mga pulis.
“Viserra, hey! Nasaktan ka ba?" tanong ni Sapphire kay Viserra, pero hindi sumasagot ang bata, nakatulala lang itong naka titig sa katawan ng magulang niya na inilalagaynsa stretcher.
“Ma’am we need to ask questions to the daughter.” sambit ng isang pulis.
Tumango si Sapphire.
“Wait, can you give her a sec?" pakiusap ni Sapphire sa pulis na lumapit sakanila.
“Sure, ma'am.” sambit nito at tumalikod. Hinarap ni Sapphire si Viserra na naka tulala.
“Viserra, may pulis na pupunta rito para tanungin ka, mag sabi ka ng totoo at sagutin ang tanong nila para malaman natin ang pumatay sa mga magulang mo, kaya mo ba?” masuyong tanong ni Sapphire.
Tumango si Viserra, tinawag ni Sapphire ang pulis na lumapit sakanila kanina.
“Hi miss, I’ll just ask you some questions, if it's okay with you?” masuyong tanong ng pulis, tumango lamang ang bata.
“Okay, where were you when the shooting incident happened?”
“I was on my room sir, and then I decided to go out and when I am walking down the stairs, I heard a couple of gunshots so I decided to hide on the stairs.” mahinang bulong ni Viserra at humigpit ang hawak nito kay Sapphire.
“Okay, tell me. Did you see anyone here, on your mansion?” tanong ng pulis kay Viserra.
“Yes, he's a boy. Probably older than me, he's holding a gun and he was staring at my parent's body.” bulong ni Viserra, tumango naman ang pulis.
“That's all, thank you for your cooperation missy. Do you know any enemy that the victims have, ma'am?” tanong ng pulis kay Sapphire pagkatapos magpa salamat kay Viserra.
“None sir, I am the lady's secretary, but I don't know who their enemy is, I'm sorry." bigong sagot ni Sapphire.
“It’s okay, thank you for the cooperation.” sambit ng pulis at nag paalam na umalis, sinama ni Sapphire si Viserra sa kusina para maka inom ito ng tubig.
“Uminom ka muna ng tubig Viserra, tapos mag uusap tayo mama, okay lang ba sa'yo ’yon?” nakangiting sambit ni Sapphire.
“Yes, please don't leave me, Sapphire.” pakiusap ni Viserra pagkatapos uminom ng tubig.
“I won't, I promise you, sasamahan kita hanggang sa pag laki mo.” sagot ni Sapphire, napanatag naman ang loob ni Viserra, inakay ni Sapphire ang bata papunta sa taas, kung nasaan ang kwarto ni Viserra.
Pagka pasok nila sa kwarto ni Viserra, umupo sila sa kama.
“Ikaw nalang ang naiwang mag isa Viserra, ibig sabihin ikaw ang mag mamana ng mga ari arian ng mga magulang mo, at siguradong alam na ng mga kamag anak mo ang nangyari, at may posibilidad na alukin ka nila na tulungan ka nila sa kumpanya ng mga magulang mo, papayagan mo ba sila?” tanong ni Sapphire kay Viserra.
“No, they never helped my parents, the things they just did is to spit and say bad things about my parents.” sambit ni Viserra na walang ka buhay buhay sa boses niya.
Tumango si Sapphire at hinarap ang bata.
“Do you trust me, Vis?” tanong ni Sapphire sa bata.
“You’re the only person I trust, Sapphire.” malamig ang boses ni Viserra, na halos kilabutan si Sapphire nang marinig ito.
“You’re a genius Vis, so probably by now, alam mo na ang mga responsibilidad na hahawakan mo. Huwag na huwag kang papa uto at papa dala sa mga sasabihin ng mga kamag anak mo, kukunin lang nila ang pinag hirapan ng mga magulang mo, ikaw lang ang may karapatan humawak ng mga ito, hindi sila. Naiintindihan mo ba?” seryosong sambit ni Sapphire sa bata.
“Yes, Sapphire." sagot Ni Viserra, tumango su Sapphire at niyakap ang bata.