Simula

1328 Words
“Any update?” tanong ng babaeng naka upo sa swivel chair habang naka tanaw sa glass wall. Kitang kita nito ang mga ilaw galing sa iba’t ibang gusali. “Still none ma'am, but we will do our best to locate the killer.” sambit ng lalaking nakatayo at yumuko. “Faster, you don't want to see me angry.” bulong ng babae at humithit sa sigarilyong hawak niya, hindi ordinaryong sigarilyo dahil libo libo ang presyo nito sa bawat isang kaha palang. “Yes madame, my apologies.” lalong yumuko ang lalaki. Binuga ng babae ang usok galing sa sigarilyo niya at binuga ito. “You can leave now.” sambit ng babae, tumango ang lalaki at dali dali itong umalis at lumabas sa opisina ng babae. Pagka alis ng lalaki ay humarap na ang babae at nilabas ang baril na nasa drawer ng lamesa niya. Tinutok niya ito sa taas ng kisame at ngumisi. Binaba niya ang baril niya at itinago ito sa drawer nang may marinig siyang kumatok. “Come in, Sapphire.” malamig na sambit niya. Binuksan ng sekretarya niya ang pinto, at niluwa nito ang sekretarya niya kasama ang batang lalaki. “Oh hi” nakangiting sambit ng babae sa batang babae. “Gusto ko lang po sana ipaalam kung pwedeng kasama ko minsan ang anak ko? Wala po kasing nag babantay sakanya.” ngumiti ng alanganin ang sekretarya. “It’s fine, pwede siyang mag laro rito sa office ko, while you're doing your work, I won't do anything on her, don't worry.” sumilay ang tunay na ngiti sa labi nang babae habang naka tingin sa batang babae. “Not really worried madame, thank you po.” sambit ni Sapphire at kinausap sandali ang anak niya. Pagkatapos kausapin ni Sapphire ang anak, tumayo na ito at akmang lalabas na ito ng mag salita ang babae. “Get me the cookies on the fridge Sapphire and some drinks and chocolates for us.” malumanay na sambit nito sa sekretarya, tumango ang sekretarya at lumabas na ng opisina niya. “Hi” nakangiting sambit ng dalaga sa batang naka tayo malapit sa pintuan. “Hello” nahihiyang bati ng bata, hindi pa rin ito gumagalaw sa kinatatayuan niya. “Do you speak tagalog?” anang babae sa bata. “Opo” magalang na sambit ng bata, napangiti ang babae. “Come here, don't worry. Hindi kita sasaktan, your mother is a good friend of mine.” nakangiting sambit nito, dahan dahang lumapit sakanya ang bata. “What’s your name?" tanong ng bata sa babae. “Viserra, Viserra Marlowe. Ikaw?” tanong niya sa batang umupo sa sofa na nasa harapan ng lamesa niya. “Zafirra po” sagot ng bata. “You look cute.” sambit ni Viserra habang pinag mamasdan ang bata. “And you look beautiful.” sagot ng bata, natawa naman si Viserra sa naging sagot ng bata. “Talaga? sabi nila pangit ako.” sagot pabalik ni Viserra sa bata, aliw na aliw siya. “Hindi po, promise!” sambit ng bata at itinaas pa nito ang kaliwang kamay niya kaya mas lalong natawa si Viserra. Nasa gitna ng pag tawa si Viserra nang pumasok si Sapphire dala ang mga pinakuha ni Viserra. “Paki lagay nalang dito, Sapphire. Take your break na rin, eat something.” sambit ni Viserra. “Okay madame, magpaka bait ka Zaffi.” sambit ni Sapphire at nakangiting iniwan silang dalawa. “Gusto mo ng chocolates?” tanong ni Viserra sa bata. “Yes po” sagot ni Zafirra. Kumuha ng tsokolate si Viserra at binuksan muna ito bago binigay sa bata. “Here, Zaf.” sambit ni Viserra at inabot ang tsokolate sa bata. “Salamat po!” masiglang sambit nito at kinuha ang tsokolate. Kumuha rin ng tsokolate si Viserra at binuksan, at kinain ito. “Nasaan daddy mo?" tanong ni Viserra sa bata. “Umalis po eh, hindi ko po alam saan siya nag punta.” sagot ni Zafirra habang kumakain ng chocolate. “Nasaan daw pumunta?” tanong ni Viserra at kinagatan ang bloke ng tsokolate. “Sabi po ni mommy, nasa ibang bansa po, nag ta-trabaho” nakangiting sambit ng bata, nahawa naman si Viserra sa ngiti ng bata. “Hindi mo siya hinahanap?" tanong ni Viserra habang naka titig sa bata. “Hindi po, nandyan naman po si mommy, ang sabi po niya sa'kin na, baka ayaw na sa'min ng tatay ko kaya po siya umalis, ayaw ko rin po sakanya hehe.” bungisngis ng bata, natawa si Viserra. “That Sapphire anong tinuturo sa anak.” bulong ni Viserra. Inabutan ng chocolate milk si Zafirra dahil tapos na itong kainin ang chocolate niya. “Hindi mo ba na mimiss ang tatay mo kahit minsan?” sambit ni Viserra, sa edad ng batang nasa harapan niya dapat nangungulila pa ito sa presensya ng kanyang ama. “Hindi po, siya naman po ang umalis.” sagot ni Zafirra, tumango tango si Viserra. “What a matured thinking, I envy her." sambit ni Viserra sa sarili niya at sumandal sa swivel chair niya. narinig niya ang mga kilos ng bata pero hindi niya ito pinansin. Naramdaman nalang ni Viserra ang bata na nasa tabi niya at nais magpa karga sakanya, kinarga niya ang bata at nilagay niya ito sa kandungan niya. “Ikaw po ba? nasaan po ang parents mo?” inosenteng tanong ng bata. “Nasa heaven na sila at ginagabayan nila ako ngayon.” nakangising sagot ni Viserra, binuksan ni Viserra ang isang kahon ng cookies at binigyan niya si Zafirra. “Nag bebenta po ba kayo ng mga matatamis na pagkain?” tanong ng bata kay Viserra. “Hindi naman, bakit?” nagtatakhang tanong nito sa bata. “Andami niyo po kasing pagkain, kaya akala ko po, nag bebenta po kayo.” sagot ni Zafirra, natawa naman si Viserra. “Why? gusto mo ba ng coffee shop?” tanong ni Viserra sa bata. “Opo, kapag lumaki po ako gusto ko po magka coffee shop na maraming libro po!” masiglang sambit nito habang inuubos ang matcha cookies na kinakain niya. “Mag aral kang mabuti, mahalin mo ang mama mo, sa hinahanarap makukuha mo ang mga gusto mo.” sambit ni Viserra, at binuhay nito ang ipad niya para may pag laruan si Zafirra. Nag lalaro si Zafirra habang kumakain ng kung ano anong nasa tray na nasa lamesa ni Viserra, minsan at nakiki pindot din ito sa nilalaro ng bata. Lumipas ang oras, may kumatok sa pinto at nabuksan ito, pumasok si Sapphire na dala ang bag nito. “Mauuna na akong umuwi, Vis. Salamat sa pag aalaga sa anak ko.” nakangiting sambit ni Sapphire. “Thank you for bringing her here, Sapphire. I had fun talking to her." nakangiting sambit ni Viserra at ibinaba ang bata. “Dadalhin ko siya palagi rito, kung gusto mo.” nakangiting sagot ni Sapphire, tinignan naman ni Viserra ang bata na may kinakain pang cookies. “Kung hindi nakaka abala sa'yo, Sapp. Wait, Zafi. Come here.” sambit ni Viserra at kinuha ang isang box pa ng mga cookies at ibinigay ito sa bata. “Wow! thank you po tita Viserra!” natutuwang sambit ng bata na ikina ngiti ni Viserra. “Dadalhin ko siya palagi, Vis. It's good to see your smile again.” sambit ni Sapphire at nag paalam na ang mag ina kay Viserra. Nakangiting bumalik sa lamesa si Viserra at kinuha ang cellphone nito at may tinawagan. “Madame, there's someone who's blocking us by finding who's the killer.” sambit ng lalaki na nasa kabilang linya. “Don’t let them, Victor. Kill them if they won't let you get the information I need.” malamig na sambit ni Viserra sa kausa sa cellphone nito. “Copy madame" sagot ni Victor, binaba ni Viserra ang tawag at humarap sa mga nag lalakihang gusali. “Run.” bulong niya habang mariin ang tingin sa kalangitan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD