Tumatawa ako habang pinapanood ko ang mga kasama ko sa mesa na nagsasayawan. Sinasabayan nila ang malakas na tugtog galing sa dalawang malaking speaker na nilabas ni Shan kanina.
Umalis na din 'yung mga ibang bisita nila na may mga edad na at halos kaming mga bata nalang 'yung mga natira, pati 'yung mga magulang namin na nag-iinuman din. Nandito pa din si Jarred at mukhang mamaya pa 'yung alis niya. Abala din siya sa panonood sa mga pariwarang galaw ng mga kasama namin.
Napatingin ako sa mga pinsan kong lalaki na papalapit sa pwesto namin. Halos may pagkakahawig silang lahat. Hindi talaga maitatanggi ang dugong Fontanilla na dumadaloy sa mga ugat nila.
Si Shan na panganay na kapatid ni Amara at Rianne ay matangkad, malaki ang pangangatawan at mahaba ang dark brown na buhok. Mas kamukha niya si Diana kaysa sa mga kapatid niya. Si Amara at Rianne naman ay parehong maputi ngunit may malaking difference sa height nila; mas matangkad si Rianne kaysa sa Ate niya.
Yosef, OJ and Ivette are siblings. Baby face si OJ at may magandang ngiti dahil sa mga dimples niya. Akala mo ay walang kamuwang-muwang sa mundo. But looks can be decieving. Lahat ng babae, pinapatulan ni OJ. Kahit yata infant, basta natipuhan niya ay handa siyang maghintay hanggang sa lumaki ito. Si Yosef naman ay may pagka-suplado and he always had this cocky look on his face. While si Ivette naman ay may pagka chinita at tan ang balat na namana niya sa Mommy niya.
Rion, Gregg and Diana are siblings too. Gregg had this sundial compass, clock and rose tattoo on his top shoulder na nagpadagdag sa bad boy look niya. Meron din sa likod ng tenga at sa leeg. Si Rion naman ang madalas na kasama ni Qino kaya halos magkamukha na silang dalawa. Ang ipinagkaiba lang nila ay maangas ang dating ni Rion at mas malaki ang katawan niya kaysa kay Qino na sakto lang. Saktong makikita mo ang muscled chest niya kapag fit talaga ang suot niya. At seryoso ang kapatid ko kapag pumasok na talaga sa isang relasyon kumpara kay Rion na hindi makuntento sa isa at laging may reserba.
Kami naman nina Qino at Dominic ay may malaking pagkakaiba pagdating sa hitsura. Nakuha ni Qino at Dom ang perfect angle na panga ni dad pati ang makapal at mahaba niyang pilik mata, habang marami ang nagsasabi na mas kamukha ko si Mommy. Tahimik, mukhang mahiyain at maamo ang mukha ni Qino na mas lalong kinahuhumalingan ng mga babae sakanya. Para bang wala siyang nalalaman na kagaguhan sa katawan. And just like Shan, dark brown din ang kulay ng buhok nito at medyo mahaba 'yung top part kaya natatakpan 'yung noo niya. Not sure with the style pero full block haircut yata. Medyo messy din itong tignan. At kahit na hindi mo ibilad sa araw ay halata ang natural na kulay. Namana din niya iyon kay Dad, habang kami naman ni Dom ay namana naman ang buhok ni Mommy na sa kapag natapat lang sa araw ay doon mo makikita ang pagiging brown. Kulay lang talaga ng aming mga balat 'yung pagkaka-pareho naming tatlo.
Biglang nagtahip ang t***k ng puso ko nang maramdaman ko sa buong mukha ko ang mga titig ni Jarred. Pilit akong ngumiti sakanya para itago ang kaba. Medyo mapungay na ang mga mata nito at para akong matutunaw dahil nakangiti siya.
"Dito kayo matutulog?" Tanong niya.
"Uh, oo." Ngumiti ako. "Ikaw? Uuwi ka ba ngayon? Oras na."
"Yup. 'Yung sasakyan kasi ni Dad ang gamit ko ngayon," tugon niya. Sayang! Pwede din naman siyang matulog dito, eh. Sigurado ako do'n. Malaki naman ang bahay nina Rianne at apat ang guestrooms.
"Makakapag-drive ka pa ba? Baka kung mapano ka sa daan, eh," nag-aalalang sabi ko. Ayokong mag-imagine nang kung ano pero baka nga ma-aksidente pa siya.
"Uyyy!" Tili ng isa sa mga kaibigan ko. Pareho kaming napalingon ni Jarred sa gawi niya at nakatingin din ito sa amin habang may pang-aasar na ngiti. Nag-init ang buong mukha ko nang halos silang lahat ay asarin kaming dalawa.
Tumawa si Jarred saka umiling at muling ibinaling ang tingin sa akin.
"Oo naman. Alam ko pa naman 'yung ginagawa ko," sagot niya sa tanongg ko. Tumango ako at nag-isip pa nang pwede naming mapag-usapan kahit na inaasar kami ng iba, ngunit parang nagwawala ang utak ko ngayon at wala akong maisip na topic na pwede naming pag-usapan.
Madalang ko lang maka-usap ng ganito kalapit si Jarred at 'yung kaming dalawa lang. Medyo may pagka-madaldal din ako at hindi ko alam kung bakit ngayon ay natatameme ako. Dahil ba sobrang lapit niya sa akin?
"Aisla..." tawag sa akin ng isang tinig. Lumingon ako at nakita si Mommy na naglalakad palapit sa pwesto namin. Mabilis akong tumayo at nag-excuse kay Jarred para lapitan si Mommy. Naramdaman ko ang pagsunod ng tingin sa akin ni Jarred mula sa likod.
"Mom, uwi na po kayo?" Tanong ko.
"Yes. Nakatulog na si Dom. Where's your Kuya?" Tanong niya saka dinungaw ang mesa kung saan kami naka-upo. Ngumiti sa akin si Mommy saka tinaas ang dalawang kilay. Ngumuso ako.
Luminga ako sa paligid para hanapin ang kapatid ko ngunit wala siya. Napansin ko na wala din 'yung kasama niyang babae kanina. Napangisi ako. Mukhang may milagrong nagaganap sakanilang dalawa ngayon.
"Nandiyan lang po siguro 'yun. Ingat po!" Sabi ko.
"Go home early tomorrow, so we can go to church together. Sabihin mo sa kapatid mo." Bilin ni mommy saka hinalikan ako sa pisngi. Tumango ako at ngumiti. "Nasa kwarto na nga pala ni Rianne 'yung gamit mo."
Bumalik agad ako sa table nang umalis na ang Nanay ko. Hindi na din siya nag-abalang maghanap sa kapatid ko. Mukha namang naghihintay sa akin si Jarred kaya napangiti ako sakanya.
"You go to church every Sunday?" Biglang tanong niya pagka-upo ko. Marahil ay narinig niya kami ni Mommy kanina. At hindi ko na kailangang mag-initiate ng topic dahil meron na siya.
"Yup, every Sunday. Kayo?" Tumango ito at ngumiti.
"Actually, si Mommy lang talaga 'yung palasimba sa amin. Hanggang sa maging habit ko na na magsimba din." Ngumiti ako nang malapad sa sinabi niya. Parang mas lalo ko siyang nagustuhan ngayon. Mas gusto ko 'yung lalaking madalas magsimba kaysa sa lalaking puro yabang lang ang alam.
Sigurado din akong gusto din siya ni Mommy para sa akin. 'Yung ngiti pa lamang niya kanina, eh.
Habang nagku-kwentuhan kami ni Jarred tungkol sa iba't ibang bagay ay para akong lumulutang. Lalo na kapag tumatawa ito at nawawala 'yung mga mata niya. Napaka-gwapo niyang tignan at napaka-tangos ng ilong niya.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay nagkaroon ako ng pag-asa sakanya ngayon. Kung pwede lang sana na bukas nalang siya umuwi, eh. Para madami pa kaming mapag-usapang dalawa.
"Balita ko, may nililigawan ka na daw?" Lakas loob kong tanong. Nanigas ako sa pwesto ko nang ipatong niya ang braso niya sa sandalan ng upuan ko. Para tuloy siyang naka-akbay sa mga balikat ko.
"Ako?" Tumawa ito. "Nagpa-plano palang akong umamin sakanya. Ang bilis talagang kumalat ng tsismis." Napa-iling ito.
May kung anong tumusok sa dibdib ko. So meron nga? Tama ang sinasabi nila. Swerte naman nung babae kung sino man 'yun. Napaka-swerte niya!
Peke akong tumawa at agad na nilagok ang beer na nasa harapan ko. Ayoko ng magtanong kung sino, anong hitsura at kung sa school din ba namin siya nag-aaral. Natatakot ako na baka kainisan ko lang kung sino 'yun.
Mabuti nalang din at nagsi-upuan na ang mga kaibigan namin. Ngumiwi ako nang inasar nila kaming dalawa pero saglit lang dahil napansin nilang hindi ako komportable. Siyempre, papaano ako magiging komportable na asarin sakanya kung may iba siyang gusto, 'di ba? Tsk.
Nang malalim na ang gabi ay nagpaalam na si Jarred na uuwi na. Hindi na nila siya pinigilan dahil alam nilang malayo pa ang uuwian nito at baka sumobra pa siya sa alak.
"Sa Saint Paul Church ba kayo magsisimba bukas?" Tanong sa akin ni Jarred bago siya tuluyang umalis. Tumango nalang ako. "Doon din kami. See you!" Ngumiti ito.
Dapat sana ay magdiwang ako dahil magkikita kami sa simbahan bukas ngunit hindi ko magawang magsaya dahil may iba ng nagma may ari nang puso niya.
Hinatid siya ni Yosef at Rianne sa labas ng bahay. Pinapak naman ako ng mga tanong ng mga kaibigan namin tungkol sa mga pinsan ko na nasa kabilang table malapit sa amin.
"Bakit ang gwapo ng mga pinsan mo?" Tanong ni Cherry habang kinikilig na nakatingin sa mga pinsan ko na topless na ngayon.
"Magsasawa ka din sa mga hitsura nila. Maniwala ka." Matabang kong sabi na hindi niya pinansin.
"Babalik pa ba sa states si Shan?" Tanong pa nung isa.
"Ewan ko," tipid na sagot ko. Hindi ko alam kung bakit ako 'yung tinatanong nila, eh kasama nila dito sina Rianne, Amara at Ivette kanina.
"Bakit hindi pumunta dito sa table natin 'yung kapatid mo?"
"May girlfriend na ba si Qino?" Halos sabay tanong nung dalawa na nasa harapan ko.
"Si Amara 'yung tanungin niyo ng mga tungkol kay Qino. Mas madami 'yung alam tungkol sakanya kesa sa akin." Ngumisi ako at tinuro si Amara na nasa kabilang table. Kausap na niya ang kapatid ko na nawawala kanina.
Mas close silang dalawa kaysa sa akin. Mas madami pa nga akong alam tungkol kay Gregg at Yosef kesa sa sarili kong kapatid. Mas madalas kaming mag-away ni Qino kaysa sa magkasundo. Siguro dahil noong high school ko nalang talaga siya nakasama sa bahay. Pinag-aral kasi siya sa isang all boys school noong Elementary hanggang grade 8 kasama si Rion at doon sila tumira sa isang bahay nila Rion malapit sa school nila. Weekends lang namin siyang nakakasama noon. Lumipat nalang silang dalawa sa school ko noong grade 7 ako.
Natawa ako nang tawagin nga nila si Amara. Damn girls! Hindi ko magugustuhan si Qino if I were them. Oo nga't nagiging seryoso siya pagdating sa pakikipag-relasyon but it will take a right girl for him to be serious. At hindi siya basta-basta pumapasok sa isang relasyon. Ma-swerte sila kung type talaga sila ni Qino at legal niyang ipapakilala sa mga magulang namin. 'Yung iba kasing mga babae na type ni Qino ay sa kama lang ata niya ipinapakilala. Hindi sa mga magulang namin.
"Ang sweet niyo ni Jarred, ah!" Asar ni Ivette habang umuupo sa tabi ko. Ngumiwi ako at naalala ko 'yung plano niyang pag-amin sa gusto niya.
"Sweet ba 'yung inamin niya na may gusto siyang iba?" Taas kilay kong tanong. Napanganga ito.
"Seriously? Sino daw?" Curious niyang tanong. Nagkibit-balikat ako saka kinuha ang bote ng beer at uminom dito.
Nang lumapit sa table namin si Amara ay kaagad siyang pinaulanan ng mga tanong tungkol kay Qino at sa mga pinsan namin. Natatawa ako sakanya dahil hindi niya alam kung kaninong tanong ang uunahin niyang sagutin.
Pero kahit gano'n, hindi ko pa din maiwaksi sa isip ko kung sino 'yung nagugustuhan ni Jarred. Dapat ba ay nagtanong ako? Tsk.
Napatingin ako sa kaibigan ko na panay ang sulyap sa kabilang table. Tumaas ang isang kilay ko at sinundan ng tingin ang tinitignan niya. Napa-iling ako nang makumpirma ko kung sino.
"Huy, Cess!" Bulyaw ko. Nagulat ito at mabilis na inalis ang tingin sa kapatid ko.
"Aisla! Nakakagulat ka!" Reklamo nito. "Sino kaya ang ka-text ni Qino? Hindi naman siya mahilig mag-text, 'di ba?" Tanong niya saka muli itong sumulyap ng tingin.
Naka-kunot ang noo ni Qino habang mabilis na pumipindot sa screen ng phone niya.
"Baka babae. Alam mo, Princess, maganda ka. Huwag mong sayangin 'yung ganda mo sa kapatid ko!" Natatawa kong sabi. Matagal na kasi niyang gusto ang kapatid ko. Kinuha pa nga niya sa akin ang phone number nito kaya nag-away kami ni Qino dahil doon.
At mali siya nang akala. Mahilig mag-text si Qino. Pero depende iyon kung interesado siya sa'yo. Ang dami nga niyang ka-text, eh.
"Ih! Sinong babae?" Tanong pa niya na parang bata. "Bakit sa'kin? Hindi siya nagre-reply?" Kinuha niya ang phone niya at may pinindot.
Napanganga ako nang ipakita niya ang convo thread ng message niya. Halos siya lang 'yung madalas mag-text kay Qino at ni isa, wala siyang natanggap na reply. At isa lang ang ibig sabihin no'n: hindi interesado ang kapatid ko sakanya. Pero hindi ko sasabihin iyon.
"Alam mo, Cess..." singit ni Rianne na nasa tabi niya. "Hindi ka ba nakikinig kay Amara? Qino is a mystery unsolved! Sa aming magpipinsan, siya ang pinaka-secretive. Huwag mong sayangin ang ganda mo. We still have Yosef, OJ, Gregg and Rion single here. Huwag si Qino. Mababaliw ka lang." Ngumisi si Rianne saka umiling.
Ngumuso si Princess, pero sa nakikita ko sa hitsura niya ay hindi niya susukuan ang kapatid ko.
"Malay ba natin kung ako 'yung makatuklas sa misteryo niya, 'di ba?" I knew it! Natawa ako.
"Huwag mo kaming sisisihin, ha? Binalaan ka na namin." Sabi ko habang umiiling.
"Ano ba kasi ang mga type ni Qino?" Tanong pa niya. Determinadong-determinado talaga.
"Amara!" Tawag ko sa pinsan ko na tumutungga ng shot sa kabilang table. "Sabihin mo nga kay Princess kung ano ang mga tipo ni Qino sa isang babae." Natatawang sabi ko nang lumapit ito.
"Seriously, girl? Pati ikaw?" Turo niya kay Princess. "Kilala mo 'yung ex niya? Si Sanya Miranda? Mala-glass hour 'yung katawan niya, 'di ba? Gano'n na gano'n ang mga type niya!"
Tumingin si Princess sa katawan niya. Maganda naman ang katawan niya, eh. Hindi nga lang mala-glass hour, pero sexy pa din ang dating niya.
"May pag-asa pa naman. Pwede naman akong mag-gym!" Puno ng pag asa niyang sabi. I grimaced.
"Ay bahala ka nga!" Panunuya ni Rianne.
"Bakit sila nagbreak ni Sanya? 'Di ba, legal na sila both sides?" Tanong ni Layla.
"Hanggang ngayon ay hindi din namin alam kung bakit. Maybe naging masyadong clingy si Sanya... ewan. Magulo si Qino... o baka si Sanya!" Tugon ni Amara. Tumango-tango ako.
Nagpatuloy sila sa pag-uusap nang tungkol kay Qino at kay Sanya. Kinausap naman ako ni Rianne nang tungkol kay Jarred, at sakanya napukaw ang atensyon ko.
"Ano, Aisla? Kumusta ang pag-uusap niyo ni Jarred? Sweet daw kayo kanina, eh." Kumindat siya sa akin.
"May iba na siyang gusto, Rianne," bitter kong sabi.
"Oh? Hulaan ko... hindi mo tinanong kung sino?" Aniya. Ngumuso ako saka tumango. "Tanga talaga! Malay mo, ikaw, 'di ba? Tanga tanga!" Iritadong sabi nito.
Parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko dahil sa sinabi niya. Para bang nabuhayan ako ng dugo. Pero papaano kung hindi naman pala ako?
Kinuha ko ang isang bote ng beer na hindi pa nababawasan ang laman. Tuloy-tuloy ko iyong ininom hanggang sa makalahati ko. Medyo nakaramdam ako ng hilo sa ginawa ko pero hindi ko iyon ipinahalata. Pare-pareho naman silang napanganga.
"I will text him then. Itatanong ko," pahayag ko. Para at least, kung hindi man ako, mamamanhid ako dahil sa alak.
Nag-cheer ang mga pinsan ko at mga kaibigan namin. Para bang pinapalakas nila ang loob ko. Mabilis kong kinuha ang phone ko sa bag at agad na nag-type ng message.
Sino 'yung liligawan mo dapat, Jarred?
Agad kong sinend sa number niya. Ilang minuto akong naghintay sa reply niya pero wala akong natanggap. Well, baka nga hindi ako.