Chapter 1

2578 Words
Abala ako sa paglalaro sa phone ko habang nagba-byahe kami kasama ng mga magulang at bunsong kapatid ko tungo sa bahay ng Tito ko na panganay na kapatid ni Daddy. Birthday kasi niya ngayon at sarado na ang edad niya kaya medyo enggrande ang handaan. Sigurado din akong madaming bisita ang dadalo dahil Mayor siya dito sa lugar namin. Siya 'yung sumunod sa yapak nang yumao kong lolo na naging Governor naman. Sa bahay nalang din nila ginawa ang selebrasyon since malawak naman ang lupain nila. Nandoon na din halos ang mga kamag-anak namin at mga kaibigan ng aming pamilya. Malaki ang pamilya namin at madami kaming magpipinsan. Kilala din kami halos ng mga tao sa syudad namin dahil sa apelyidong dinadala namin dahil kabilang ang pamilya namin sa mga sinasabi nilang marangya ang buhay. "My, where's Kuya?" Tanong ng anim na taong gulang kong kapatid na si Dominic na nasa tabi ko. Pinaglalaruan niya ang dalawang robot at pinagba-bangga na para bang pinag-aaway niya ang mga ito. "I'm sure, he's already there. Kasama niya ang Kuya Rion mo," tugon ni Mommy na nasa front seat. May isa pa akong kapatid — si Qino. Panganay siya at hindi naman masyadong malayo ang agwat ng edad ko sakanya. Dalawang taon lang ang gap namin. Hindi na muli pang nagsalita si Dominic at inabala na ang sarili sa paglalaro ng mga dala niyang laruan. Itinabi ko ang phone ko sa bag nang magsawa na ako. Humilig ako sa sandalan saka pumikit. Ini-imagine ko ang mga bisita na madadatnan namin sa bahay nina Tito. "Aisla, mago-overnight daw kayo kina Rianne?" Biglang tanong ni Daddy. Iminulat ko ang mga mata ko saka tumingin sakanya. Lumingon din sa gawi ko si Mommy. "Yes, Dad. Nasabi niya na po ba sa inyo?" Tugon ko. Nakita ko ang pag-tango ni Daddy habang nagma-maneho. "Sa bahay lang ba kayo?" Si Mommy. "Hindi ko po alam, My. Wala naman po siyang nabanggit na may night out kami ngayon." Hindi naman mahigpit ang mga magulang ko. Pinapayagan naman nila akong lumabas kahit gabi -- as long as 'yung kapatid at pinsan lang 'yung mga kasama ko. "Sabay nalang kayong umuwi ng kuya mo bukas kung doon din siya matutulog. Pero kung uuwi siya ngayon, tumawag ka nalang bukas para masundo kita." Ani daddy na nakatingin sa akin sa pamamagitan nang rearview mirror ng sasakyan. Tumango ako at ngumiti. "Can I sleep over at ate Rianne's house too?" Inosenteng tanong ng kapatid ko. Napaka-hopeful pa nang tinig niya kaya bahagya akong natawa. "Sure. But when you're old enough, okay? Sleepovers are for adults, not for babies yet." Ngumiti si Mommy sakanya. Tumango si Dominic na para bang naiintindihan na niya. Nang makarating kami sa subdivision kung nasaan ang bahay ng Tito ko ay marami nang iba't ibang klase ng sasakyan ang nakaparada sa tapat ng bahay nila. Nasa labas din ang iilang mga guards nila. Bigla akong ginapangan ng anxiety dahil paniguradong madami nang tao sa loob kagaya ng inaasahan. Naunang bumaba ng sasakyan si daddy para pagbuksan niya ng pintuan si Mommy. Sumunod na din ako at binuhat ang kapatid ko para makababa siya. Agad itong tumakbo palapit kay daddy saka nagpakarga. Pumulupot ako sa braso ni mommy kahit pa na mas matangkad ako sakanya. "Hindi ba magtatampo si Kuya? Nahuli tayo nang dating." Usal ni mommy habang naglalakad kami papasok. "Alam naman niya na may tinapos pa ako sa opisina kaya ngayon lang tayo," tugon ni Dad. Lihim akong humugot ng isang malalim na hininga nang makarating kami sa may malaking swimming pool. Dito nagaganap ang selebrasyon at madami ng mga tao ang naka-upo sa harapan kani-kanilang mga mesa. Lumapit kami sa mga malayo naming kamag-anak na ngayon ko pa lamang nakita. Parang naging reunion namin itong birthday party ni Tito ngayon. "Hindi maitatangging Fontanilla ang mga batang 'to! Magaganda at gwapo!" Wika ng isang matandang babae habang nakangiting nakatingin sa amin ng kapatid ko. "Kanino pa ba sila magmamana kung hindi sa akin, Tita?" Mayabang na sagot ni Daddy saka tumawa. Ngumiti ako sa matandang babae. Lumipat pa kami sa iba't ibang table para lang bumati sa mga iba pa naming kamag-anak na nandito ngayon at sa mga ibang bisita na kilala kami. Excited na kinuha ni mommy ang apo niya kay Diana -- pangalawang panganay na anak ni Tito Juancho na pangatlo sa kapatid ni Daddy. Maaga kasi siyang nabuntis. Pinanagutan naman siya ng boyfriend niya dahil kung hindi, yari siya sa amin. Hindi pa nga lang sila kasal dahil gusto munang makatapos nang pinsan ko sa pag-aaral at makapag-ipon para sa anak niya; pero nagsasama na silang dalawa. "Hello baby, LJ! Ganda-ganda naman." Usal ko habang nilalaro ang isang kamay nito at hinahalik-halikan. Ang cute lang ng mga kamay niya dahil maliliit pa ang mga ito. Five months old pa lang siya. "Mana sa akin, siyempre!" Ani Diana saka kumindat. Parang hindi siya nanganak dahil napanatili niya 'yung magandang katawan niya. Medyo lumaki nga lang 'yung dibdib niya. "Mana kaya sa Ninang!" Angal ko. Ninang at Ninong kaming lahat na magpipinsan sa anak niya. Tumawa si Liam na boyfriend niya. "Mauna na kayong bumati sa Tito niyo, Aisla. Para malaman na din niyang nandito na tayo. Mamay na kami pupunta sakanya." Ani Mommy habang pinanggigilan si LJ. Ibinaba ni Dad si Dominic na mabilis na humawak sa kamay ko. Agad kaming lumapit sa table ng Tito namin kung saan kausap niya ang ilang business man at politiko niyang mga bisita. "Hi, Tito! Happy birthday!" Masayang bati ko nang makalapit kami sakanya. Tumayo ito para masalubong kami nang yakap ni Dom. Humalik ako sa pisngi niya at ganoon din ang ginawa ni Dom. Nag-excuse siya sa mga kausap niya para kami naman ang kausapin nito. "Nasaan ang Mommy at Daddy niyo?" Tanong nito saka iginala ang tingin sa lugar. "Kausap po nila ang mga ibang kamag-anak, Tito," tugon ko. Tumango-tango ito. "Nagkita na kayo ni Rianne? Kanina ka pa niya hinahanap," sabi pa niya na pinatutungkulan ang bunso niyang anak. "Nope. Kadarating lang po namin, eh. May tinapos pa daw kasi si Dad sa office kaya medyo late kami." Tipid akong ngumiti. "I see. Dito daw kayo mag-o-overnight sabi nung pinsan mo." Hindi iyon tanong pero tumango ako. Hinayaan na namin si Tito na makipag-usap sa iba pa nilang bisita. Naglakad kami ni Dominic tungo sa table kung nasaan ang mga pagkain. Hindi ko pa namamataan ang mga pinsan ko dito dahil halos puro may mga edad na ang mga nandito. Baka nasa kabilang bahagi sila ng lugar at nag-iinuman na. "Ate... where's Kuya?" Tanong ni Dominic sa naiinip na tinig. "I don't know, Dom. Nandiyan lang 'yun. Makikita mo din siya mamaya." Wika ko habang naglalagay ng pagkain sa plato ko. "Anong gusto mo?" Tanong ko sakanya saka tinuro ang mga pagkain sa mesa. Mabilis niyang itinuro ang chocolote fountain na nasa kabilang table. May nakapalibot na sliced fruits. Mayroon ding cookies, stick-o, pretzels, marshmallows at iba pa. Agad akong lumapit dito at ikinuha siya ng gusto niya. "Aisla!" Isang matinis na tinig ng isang babae ang narinig ko mula sa likuran. Agad akong napalingon at nakita ang pinsan ko na naniningkit ang mga mata habang naglalakad palapit sa amin. "Hi, Rianne!" Sabi ko sabay kaway sakanya. "Hala! Chocolates..." aniya nang makita si Dominic na pinapapak na ang chocolate dip. Hindi siya pinansin nito. "Ba't ngayon ka lang?" Mataray nitong tanong sa akin. "May tinapos si Dad sa office." Tugon ko saka isinubo ang sliced ng strawberry. "Bakit kasi hindi ka pa sumama kay Qino kanina?" Tanong pa niya saka kinuha ang sliced ng kiwi sa plato ko. "Okay, whatever! Guess what?" Biglang nag-iba ang tono ng boses nito. Naging excited na. "What?" Kumunot ang noo ko. "Jarred Castillo is here!" Masayang sabi nito. Nanlaki ang mga mata ko at kumabog ang puso ko. "'D-di nga?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Ngumiti ito nang may pang aasar saka tumango. "Hatid mo muna si Dom kina Tita, tapos punta tayo sa table namin." Kumindat siya. Tinignan ko ang kapatid ko na dini-dip ang isang pretzel sa mismong chocolate fountain. Nilapitan ko siya at ngumiwi nang makita ko na kumalat na ang chocolate sa bibig niya. Kumuha ako ng tissue sa mesa at pinunasan ang bibig niya. "Hatid muna kita kina Mommy, Dom. May pupuntahan kami ni Rianne." Pahayag ko habang naglalakad tungo sa mga magulang ko. Tumango ito. Nakasunod naman sa amin si Rianne. Nakita ko si Daddy na kausap si Qino at ang iilang mga kamag-anak. Agad namang kumawala sa pagkakahawak ko si Dominic saka tumakbo palapit sakanila. "Kuya!" Masiglang tawag nito habang nakabuka ang mga kamay. Tumigil sa pag-uusap ang dalawa at nilingon si Dominic na tumatakbo tungo sakanila. Umaalog pa sa likod niya ang back pack niyang Cars. "Hey!" Ngiti ni Qino saka binuhat si Dominic. "Bakit ang iksi ng shorts mo?" Puna niya sa akin habang naka-kunot ang noo. Inirapan ko nalang siya. Sweet na kapatid si Qino pagdating kay Dom. Mararamdaman mo talaga 'yung pagiging Kuya niya. Kahit sa akin din. Well, minsan. Medyo masungit lang siya, pero maaasahan naman. "My, punta lang ako sa table ng mga friends namin," paalam ko. Nakita ko ang pagsulyap sa akin ng kapatid ko at ang pag-irap niya. Hindi ko nalang siya pinansin pa. "Alright. Your Kuya will also sleep here. Sabay kayong umuwi bukas." Tumango ako sa sinabi ni Mommy. "Qino, watch your speed while driving. You're not always in the racing track, Son. Be a responsible driver and follow all the traffic rules." Rinig kong pangaral ni Dad kay Qino. Ngumisi ako sa isip ko saka na nagpaalam sakanila at umalis. Balasubas kasi siya kung mag-maneho. Lagi niyang dinadala sa labas ng field 'yung pagiging racer niya. Tsk. Habang naglalakad kami ni Rianne tungo sa table kung nasaan si Jarred ay ninenerbyos na ako. Pakiramdam ko ay pinagpapawisan ako kahit na malamig naman ngayon. Bigla din akong na concious sa suot ko. Naka-blue shorts maong ako at plain white spaghetti strap na pinatungan ko ng plaid checkered longsleeve na blue at skater shoes. Dapat yata ay nag-dress ako. Dumaan kami sa table ng mga pinsan kong lalaki. Nag-iinuman sila kasama ng iba nilang kaibigang lalaki. May kasama din silang apat na babae na hindi masyadong pamilyar sa akin. "Aisla! Dito ka nga!" Tawag sa akin ni OJ na pinsan ko. Tumayo pa ito at iminwestra ang kamay na lumapit ako sakanila. "Babalik ako!" Natatawa kong sabi. "Bathroom lang." Ngumiwi ako nang makita ko ang dalawa ko pang pinsan na sina Yosef at Rion na parehong humahaplos sa hita nung mga katabi nilang babae. Parang gustong-gusto naman nila. Tsk. "Magpapa-ganda daw muna siya saglit 'cause Jarred's here!" Natatawang sabi ni Rianne sa mapang-asar na tinig habang nasa tabi ko. Siniko ko siya dahil ang ingay niya. Though, alam naman nilang gusto ko si Jarred noon pa, pero nakakahiya pa din. Mag-isa akong tumungo sa CR sa loob ng bahay nila Rianne. Sinuri ko ang hitsura ko. Inilugay ko ang mid back lenght kong buhok na medyo wavy ngayon dahil naka bun ito kanina. Kinuha ko ang powder at lip tint ko sa sling bag saka nag-apply sa mukha at labi. Hindi naman ako pangit, pero hindi ko din nakikita ko 'yung sarili ko na maganda. Siguro ay masyado na akong immune sa mga features ko kaya hindi ako nagagandahan sa sarili ko. Gusto kong magpa-impress kay Jarred ngayon. Gusto kong makuha ang atensyon niya kahit ngayon lang. Pero sa tingin ko ay malabo iyon dahil alam kong hindi niya ako type. Balita kasi sa buong Univeristy na may gusto siyang ibang babae. Wala lang akong ideya kung sino. At hindi ko na gustong alamin pa. Pero sigurado ako na hindi ako 'yun. Bumuntong hininga ako saka ibinalik sa loob ng bag ang mga gamit ko. Inayos ko ang buhok ko saka ngumiti sa salamin. Paglabas ko sa C.R ay dumiretso agad ako nang lakad palabas ng bahay. Nang dumaan ako sa table ng mga pinsan ko ay napa-irap ako sa kawalan dahil nakita ko ang kapatid ko na nakikipag-harutan na sa isang babaeng kasama nila sa mesa. Ang landi! Maganda naman siya kumpara sa mga ibang kasama nila. Maputi at bob cut ang style ng buhok. "Tangina! Nagpaganda nga!" Hiyaw ni Kuya Shan nang makita ako. Siya ang pinaka matanda sa aming magpipinsan. Galing pa 'tong amerika at umuwi para sa birthday ng Daddy niya. Ngumisi ako sakanya. "Aisla, need a hand? Ako ang bahala kay Jarred!" Sabi naman ni Yosef. Humithit pa ito sa sigarilyong hawak niya. Kasama kasi si Jarred sa circle of friends nila. Hindi ko lang alam kung bakit hindi nila siya kasama sa table nila ngayon. Huminto ako sa paglakad saka lumapit sa mesa nila. Ibinaling ng kapatid ko ang tingin niya sa akin saka ako inirapan. Inismiran ko lang siya sa isip ko. "No need, Yos. I can get him without your help." Ngumisi ako sakanya. I know, I can get him. My instincts are telling me so. Maybe not tonight. But soon. "Ako nalang, Aisla. Hindi mo ako paghihirapang makuha." Kindat ng isa sa mga kaibigan nilang lalaki. "Kung gusto mo, tayo na!" Dagdag pa nito. Humagalpak nang tawa si OJ at Rion. Binatukan naman ni Yosef ang kaibigan nila. "Lagot ka kay Qino, Kiel!" Asar ni Kuya Shan. Iginuhit pa niya ang thumb niya sa leeg nito na parang sinasabing gigilitan siya ng leeg ng kapatid ko habang nakangisi. Ngumisi naman si Qino at muling ibinaling ang tingin sa babaeng katabi niya. Umirap ako sa kawalan dahil talagang todo kung dumikit ang babae sakanya. Hindi na siya nahiya sa akin kahit na alam niyang kapatid ko ang nilalandi niya. Nagpaalam ako sa mga pinsan ko na pupunta muna sa table nila Rianne. Bumalik ang nerbyos sa katawan ko lalo na noong makita ko si Jarred na tumatawa habang kausap ang mga kaibigan namin at kaklase namin. "Aisla! Halika dito! Bilis!" Pagmamadali sa akin ni Amara saka tinapik ang bakanteng upuan sa tabi niya na katabi din ni Jarred. Kumabog ang puso ko nang ibaling ni Jarred sa direksyon ko ang mga titig niya. Kahit na naka-plain white v-neck shirt lang siya ay ang lakas pa din ng dating niya kaya ang daming nagkakagusto sakanya, eh. Kasama na ako doon. Para akong lumutang nang makalapit ako sakanila. Umupo ako sa bakanteng upuan kung saan ako gustong umupo ni Amara. "Hi, Jarred." Bati ko habang nakangiti nang matamis. "Kamusta, Aisla?" Tanong niya. Bigla akong ginapangan ng kilig. Isa din 'to sa nagustuhan ko sakanya. Hindi siya snob. Napaka approachable niya. Pero may mga oras na gusto kong maging snob siya sa iba dahil lahat nalang ay binibigyan niya ng atensyon niya. "O-okay lang. Ikaw?" I asked. Tumawa si Ivette na nasa harapan ko kaya napatingin ako sakanya. Umiling ito saka tinakpan ang bibig. Pinandilatan ko siya dahil alam ko na ako ang tinatawanan niya. Pagkatapos naming magka-mustahan ay ibinaling na niya ang atensyon niya sa iba. Lihim akong bumuntong hininga saka ngumuso. Gusto kong kunin ang atensyon niya ngunit nakakahiya iyon. Baka isipin pa nila ay napaka-despereda ko sa atensyon ng isang lalaki. Nakipag-usap nalang din ako sa mga kaibigan namin at natuwa ako dahil paminsan-minsan niya din akong kinakausap. Mas mabuti na ito kaysa sa hindi na niya ako pansinin ngayon. I'm a sucker for his attention. I want his full attention on me. Pero hindi ko hihingin sakanya iyon. Ang gusto ay kusa niyang ibigay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD