Nakatulala si Beatrice sa kawalan. Nasa higaan pa rin siya kahit mabuti na ang kalagayan niya. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari sa kaniya sa loob ng limang araw. First, she was drugged and second, she lost her virginity.
Just like that? She slapped her face slightly.
She corrected herself that she was not drugged because she mistook the drug for medicine. So, it was her fault after all. Goodness! How could she?!
Flashbacks keep rushing into her mind one by one as she remembers what happened to her five days ago…
No’ng araw na ‘yon ay nakauwi na siya sa cabin, masama na ang pakiramdam niya pagkatapos makausap ang Kapitan ng Mt.Lagpas na isa palang lider ng mga terorista. At sinadya nitong magpanggap na Kapitan dahil sa masamang motibo nito. Hindi niya matanggap ang nangyari at kahit kailan hindi niya ito mapapatawad sa ginawa nito sa kanila.
Paano niya naman ito mapapatawad kung hindi naman ito nanghingi ng tawad, ni hindi niya nga ito nakitaan ng pagsisisi.
Masama na nga ang pakiramdam niya ay mas lalo pang sumama nang magkaroon sila ng argument ni Big Boss pagdating niya sa cabin. Pakiramdam niya ay sasabog na siya sa sobrang galit na nararamdaman.
Nagising siya dahil sobrang sakit ng ulo niya, at bukod doon ay nilalagnat pa siya. Napilitan siyang lumabas sa kwarto dahil nauuhaw siya. Kaagad siyang nagtungo sa kusina.
“Gabi na pala,” aniya sa sarili. Hindi niya matandaan kung nag-dinner ba siya o hindi. Basta ang naalala niya lang pagpasok siya sa kuwarto ay nakatulog na siya kaagad.
Bumuntonghininga siya saka kumuha ng isang basong tubig. Napakunot ang noo niya nang mapansin na may mga gamot sa lamesa. Naisip niya na baka masama rin ang pakiramdamni Big Boss kaya may mga gamot ito. Wala naman sigurong masama kung kukuha siya ng dalawang capsule.
Shit! Sobrang sakit na talaga ng ulo niya.
Mabilis na niyang ininom ang dalawang capsule na palagay niya ay Bioflu. She was supposed to take only one capsule but she was desperate. Kailangan niyang gumaling kaagad dahil ayaw niyang magkasakit. Paano na lang ang plano niyang tumakas kung may sakit siya?
Bumalik na siya sa kwarto at muling natulog. Ngunit ilang minuto lang yata ang nakalipas ay nakaramdam na siya ng kakaibang init sa katawan niya. Bumalikwas siya nang bangon sabay haplos sa dibdib. Nahihirapan siyang huminga. Sumisikip ang dibdib niya at para bang nagliliyab sa init ang buong kalamnan niya. She unbuttons the few buttons of her pajama top because she was panting and breathing heavily.
Tubig… daing niya.
Bumagsak siya sa gilid ng kama dahil sinubukan niyang tumayo kahit nanginginig ang mga tuhod niya.
God! Na overdose ba siya sa gamot na ininom niya? This is not good.
Nakaramdam na siya ng panginginig sa buong katawan, at pinagpapawisan na rin siya ng malamig.
“Ah…” daing niya. She wanted to scream for help but her throat was dry. She was screaming at the back of her head but only her moans and cries she heard.
And then suddenly the door opened.
_____0____
Napukaw ang pagmumuni-muni niya tungkol sa nangyari nang marinig niya ang boses ni Big Boss sa labas ng pinto. Kaagad siyang nagtalukbong ng kumot. Wala pa siyang mukhang ihaharap dito pagkatapos ng nangyari.
“Doktora,” sambit ni Big Boss kasabay ng mahinang katok.
Don’t answer. Don’t answer.
“Doktora,” ulit nito.
Mariin siyang napapikit sa ilalim ng kumot lalo na ng marinig niya ang pagbukas ng pinto. Ayon kina Ben at Alex halos wala raw tulog si Big Boss dahil sa pag-aalaga sa kaniya sa loob ng limang araw.
Bakit? Naitanong niya sa sarili. Bakit masyado itong attentive sa kaniya ngayon pagkatapos ng nangyari? Siguro na kukonsensya ito o kaya naman takot itong mamamatay siya dahil mahalaga ang doctor sa mga ito.
May iilang scenario pa siyang naaalala tungkol sa nangyari sa kanilang dalawa kaya naiilang na siyang harapin ito. Kapag nakikita niya ito ay naaalala niya lang ang nangyari.
Muli niyang narinig ang pagsara ng pinto, ibig sabihin ay lumabas na ito. Bumangon siya at Nakita niya ang isang tray ng pagkain na nakapatong sa maliit na mesa.
How could she face the man who was her first of everything?
_0_
“Okay ka lang ba, dok?” untag sa kaniya ni Ben. “Masakit ba ulo mo? Gusto mo ng gamot?”
Parang babaliktad ang sikmura niya pagkarinig sa salitang gamot. Dahil sa nangyari sa knaiya ay pakiramdam niya ay may trauma na siya sa mga gamot na tablet or capsule.
“Okay lang ako,” aniya sa nanghihinang boses, saka siya nagtungo sa sariling lamesa.
Buti na lang nalaman niya na lumabas si Big Boss sa campo dahil may inaasikaso itong trabaho, kaya ngayon ay nasa clinic siya. Hindi niya alam kung kailan ang balik ni Big Boss dahil tatlong araw na ay wala pa rin ito. Sana nga hindi na ito bumalik pa para hindi na magtagpo ang landas nilang dalawa.
Seryoso siya sa ginagawa nang may marinig silang komosyon sa labas. Mabilis na lumabas sina Ben at Alex para tingnan kung ano ang nangyayari, pero siya ay nanatili lang sa kinauupuan dahil sanay na siya na sa tuwing nagkakagulo sa labas ng clinic ay may emergency na nangyayari. It’s either someone was stabbed or shot, or worst someone died.
Napailing siya. Gustuhin man niya na hindi tumulong ay responsibilidad niya pa rin na gamutin kung sino ang nangangailangan dahil isa siyang doctor.
“Dok, may emergency,” wika ni Ben nang bumalik sa loob.
Hindi niya ito tiningnan. Patuloy lang siya sa pagbibilang ng mga medical equipment kahit paulit-ulit na niyang ginagawa para lang ma-divert ang atensyon niya.
God! Naiisip niya si Big Boss. Kanina pa ito ang laman ng isipan niya, hindi niya alam kung bakit.
“Dok,” sambit ulit ni Ben.
Tumayo siya at tinatamad na napabuntinghininga. “Ano ba ang bago? Halos naman yata araw-araw ay may emergency na nangyayari.” Sumimangot siya.
“It’s critical!” bulalas naman ni Alex na kapapasok lang.
She sighed. “Okay, I get it. Ayusin na natin ang higaan kung kritikal ang konsdisyon ng taong ‘yan.” Halata sa boses niya na wala siyang gana. “Na saan na ba?”
“Nasa sasakyan pa si Big Boss at-”
“Wait!” Putol niya sa sinasabi ni Ben. “Si Gel-I mean si Big Boss ba kamo?”
“Oo, dok.”
Kusa na siyang nagtatakbo palabas at kasunod niya naman sina Ben at Alex. Naabutan niyang inilalabas sa van si Big Boss na nakahiga sa stretcher, ang iba nitong kasamahan ay sugatan din ngunit hindi naman malala.
“Ano’ng nangyari?” tanong niya kay Francis habang busy siya sa pag-check sa pulso ni Big Boss, dinala niya rin ang stethoscope sa dibdib nito.
Duguan ito at hindi niya alam kung alin ba ang sugat nito. Nakapikit ito at tingin niya ay namumutla na ito gawa ng maraming dugo ang nawala.
“Na engkwentro namin ang mga sundalo habang pabalik dito sa kampo. Buti na lang nakatakas kami at ang ibang kasamahan namin,” paliwanag ni Francis.
“Ipasok na siya kaagad sa loob ng clinic,” aniya sa natatarantang boses. Hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya ng ganito. Naririnig niya ang lakas ng t***k ng puso niya.
Pagdating nila sa loob ng clinic ay kaagad itong inilipat sa hospital bed.
“Ben, Alex, look for the other injured men, I got this,” aniya sa dalawa na kaagad namang sumunod sa kaniya.
Kinuha niya ang medical scissor at ginupit ang suot na T-shirt ni Big Boss na halos naging kulay pula na dahil sa dugo. May tama ito ng baril sa tagiliran at bukod doon ay wala na siyang ibang nakita pang sugat nito. It is not critical, but if not treated immediately, it might cause severe bleeding. Maybe, they were just overreacting when they saw him lying unconscious.
Nakakunot ang noo niya nang mapatingin kay Francis na ngayon ay iniiwas ang tingin sa kaniya. Bumuntonghininga siya at Hinayana niya na lang ito kung ayaw nitong magpaliwanag kung bakit wala itong malay ngayon. Sinimulan na niya ang surgery nito para kunin ang bala sa katawan nito.
Pasalamat ito at hindi ito napuruhan dahil kung nagkataon ay p’weding ma damage ang isa sa mga organs nito sa katawan.
She felt better to find out that his gunshot wound was not as fatal as she had expected.
____0____
“What?!” Hindi makapaniwalang bulalas niya dahil sa sinabi ni Francis.
Akala niya pa naman ay nawalan ito ng malay dahil sa tama ng baril nito, iyon pala ay hinimatay ito dahil nakakita ng ahas habang nagtatago ang mga ito sa masukal na gubat.
“Oo, may trauma kasi siya sa ahas.”
Napatango siya. Kung may trauma ito sa ahas ay naiinitindihan niya. Pero curious siya kung bakit ganoon na lang ka-grabe ang trauma nito sa ahas to the point na himatayin ito.
Siguro nakagat ito ng ahas noon at muntikan na itong mamatay kaya ganoon na lang siguro ang pagka-trauma nito.
“Ikaw na munang bahala sa kaniya, doktora, pupuntahan ko muna ang nahuli naming sundalo,” ani ni Francis na parang wala lang, samantalang siya ay kinabahan.
“A-ano ang gagawin ninyo sa nahuli ninyong sundalo?”
Ngumis si Francis. “Syempre, doktora, itu-torture namin, ano pa ba?”
She gasped. “W-why?” Halos mamaos ang boses niya. Hindi niya kayang imagine-nin ang torture na gagawin ng mga ito sa sundalo.
“Doktora, baka nakakalimutan mo na mga terorista kami.”
Napayuko siya. Nakaramdam siya ng awa sa sundalo, pero wala siyang magagawa dahil nasa teritoryo sila ng kaaway. Naisip niya na mas Mabuti pa sigurong mamatay na lang kaysa makaranas ng torture.
Kanina pa nakaalis si Francis. At nakaupo pa rin siya sa gilid ng kama binabantayan si Big Boss. Hindi niya alam kung bakit inaabangan niya ang paggising nito, hindi niya nga alam kung bakit kanina pa siya sa tabi nito, tinititigan ang gwapo nitong mukha.
“Tubig…” daing ni Big Boss sa mahinang boses.
Kaagad siyang kumuha ng isang basong tubig at inalalayan ang ulo nito para makainom ngunit nasamid ito, parang hindi pa nito kayang igalaw ang mga labi o kaya ay nahihirapan itong lumunok. Ni hind inga nito magawang imulat ang mga mata dahil halatang nanghihina pa ito.
Then, he left her no choice but to do the exact thing that he did to her when she was sick. So, she drank the water and poured it right into his mouth. But she was shocked when his mouth moved. And she felt his hand lift to her head, drawing her closer to her mouth.
He’s kissing her!
“Uhm…” she moaned in protest, but she couldn’t deny the fact that her body responded to his kisses.
She tried to push him away but he only deepened the kiss. And in the blink of an eye, he was on top of her. She was now lying down on the bed.
When he stopped kissing her, she gasped, struggling to catch her breath. She could only see his burning desire to have her when their eyes met. Her heart was beating so rapidly that she couldn’t even look away from his intense gaze.
“A-ang sugat mo…” aniya dahil wala siyang ibang maisip na sabihin. Lalo na’t nakatitig ito sa kaniya.
“I’m okay, doctora.” Says the man who asked for water a while ago, she pointed out cynically in her mind.
Or was he pretending all along?
“Okay, j-just let me go.” Because he was firmly holding her hands and she couldn’t move either.
He grinned broadly. “Not too fast, doctora. Ilang araw mor in akong iniiwasan, dapat lubusin ko na ang araw na ito na kasama ka.”
Pilit siyang ngumiti. “W-what are you talking about? Hindi kita iniiwasan. Hindi ba’t hindi naman tayo madalas na nagkikita maski magkasama tayo sa iisang bubong?”
“But our situation right now is different after what happened…”
“Okay, I get it! Don’t say it!” pigil niya rito sa naiinis na boses.
She does not want to hear it anymore because she finds it embarrassing that she became a wanton woman as an outcome of those damn drugs!
“So, let me go now.”
“You’re blushing, doctora,” he said, teasing her.
“B-because you’re too close…” Her voice was shaking, not because she was afraid of him, but because she wasn't sure of herself.
She wasn’t under the spell of drugs right now but it felt like she was losing herself again with his lips so close to hers.
He chuckled. “I am losing my mind given that I am your first. Is your boyfriend a saint? How could he resist you?”
How could his voice sound so sexy yet sarcastic?
She gulped nervously. “W-we’re waiting for the right moment… I-if we get married.”
Napakagat-labi siya. Kung bakit pa kasi pinaninindigan niya pa ang kasinungalingang sinabi hanggang ngayon.
He looked at her amused. Did he know that she lied?
“So sad, you will marry me instead of your saint boyfriend, doktora.”
She looked at him confused. “What?”
“I am your first, so you will marry me, right?” Seryoso ang mukha nito pero naglalaro ang kapilyuhan sa mga mata nito.
Pagak siyang tumawa. “Funny,” aniya saka inirapan ito. She knows that he was teasing her.
“Well, I was curious what kind of expression you make when you are not on drugs, doctora.”
Alam niyang malaki na ang mga mata niya pero nang mapagtanto kung ano ang gusto nitong iparating ay mas lalo pang nanlaki ang mga mata niya. Sinubukan niyang kumawala sa hawak nito ngunit mas lalo lamang nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa mga kamay niya.
Dumako ang bibig nito sa tainga niya kaya ganoon na lang ang naramdaman niyang sensasyon sa buong katawan kahit wala naman itong ginagawa. But his warm breath causes her to shudder with excitement. s**t! Her body is a traitor.
“Tell me to stop if you don’t want it, then I won’t force myself on you.”
Before she could react, his mouth crashed against her. He pushed his tongue inside of her to delve deeper within. She was supposed to hate it but she liked it. How could her body reacted like this?
And how could she tell him to stop if he was kissing her non-stop? This man is crazy!
***