Cassie hurriedly ran towards the door. Hope and excitement ran pulsed though her veins when the door knob turned! Nagmamadali siyang lumabas ng silid. She was welcomed by an unfamiliar sight.
She calmly studied the place she’s at. From the way it looks, she's in some kind of an old building she'd usually see in old Pinoy movies. The only difference is that, maingay at magulo ang lugar. She's sure that she was in some public housing in some place in the metro. Maingat siyang dumungaw mula sa balustre. She’s on the fourth floor of the onld building. Mabilis niyang hinanap ang hagdan at tinakbo iyon. She must not waste time. She needs to get out of there fast!
Kung saan siya pupunta, hindi niya alam. Basta ang gusto niya makaalis siya sa lugar na 'yon. She can't stay with Will. Baka abo na ang pride at pagkatao niya pagkatapos ng tatlong buwan na pananatili niya sa poder nito. And she will not just sit around to let it happen.
Pagdating sa first floor ay agad na luminaw sa kanya ang lugar na kinaroroonan niya. May mga batang naglalaro ng hopscotch at patintero habang nasa tabi ng mga ito ang kumpol ng mga tambay na umiinom ng alak. All were sporting their done and undone inks on different parts of their skin.
Sa hagdan naman ay may nakaupo na tatlong kababaihan na may kani-kaniyang bitbit na mga bata at walang pakialam sa mundo na nagtsi-tsismisan. May isang marungis na bata na lumapit sa isa sa mga babae, probably the mom, at pinabuksan nito ang hawak nitong lollipop. Mabilis namang binuksan ng nanay ang lollipop at ibinalik sa bata. Ang kaso nalaglag ang kendi at dahil ‘di nakatingin ang nanay, pinulot na lang iyon ng bata at isinubo.
Napangiwi siya. That child seriously needs deworming! Who knows, kung ilang beses na iyong nangyayari? Gusto niyang pagalitan ang nanay nito dahil hindi tinitignan ang anak nito. But that's the least of her concerns.
She needs to get out of the hellhole because she's sure she is in the heart of the ghettos!
She picked up her pace and went straight to that narrow street that seemed like the way out of the compound. Sinalubong siya ng ingay ng jeep at tricycle. Nabugahan pa nga siya ng maitim na usok ng isang lumang jeep na dumaan.
Napaatras siya at agad na napaubo. She would’ve braved the smokes and chas but she realized something, hindi naman niya alam kung saan siya pupunta. Besides she doesn't have any money with her!
Lizzie.
Right. Si Lizzie lang ang puwedeng tumulong sa kanya.
Muli siyang bumalik sa pinanggalingan niya at tumigil sa tapat ng isang tindahan.
"Excuse me po," pukaw nya sa atensyon ng isang matabang babae na siyang tumatao sa tindahan. "Puwede po ba ‘kong makitawag?" aniya sabay turo sa telepono na may nakatatak na 5 pesos/minute.
"Ilang minuto ba?" anito, may halong pagtataray.
"Probably three?" alanganin niyang sagot.
"Kinse," anang babae na inilahad pa ang kamay para sa bayad niya.
Ngumiwi siya. "I... I don't have cash with me po. Can I just call and pay you later?"
Tumunganga ang babae, tumikwas ang nguso.
"Josko! Uminglish-inglish ka pa, wala ka namang pera!"
"B-but I swear I can pay more than what you ask, kung... kung papatawagin niyo lang po ako ngayon," pamimilit niya.
Lalong nalukot ang mukha ng babae bago iwinasiwas ang kamay nito sa ere.
"Ku-u! Bumenta na yan Neng. Sige na tsupi! Malas ang utang ngayon!" mataray na pagtataboy nito sa kanya, nakapameywang pa.
"P-pero po--"
"Anong problema, Miss Byutipol?" anang lalaki na hindi niya napansin ang paglapit sa kanya. Wala itong damit pang-itaas at may tattoo na hindi tapos sa kaliwang braso nito. Amoy-alak ito at namumungay na ang mga mata.
She had dealt with different kinds of drunken men for the past five years of her clubbing life but never with thugs or men from the ghettos.
Kumabog na ang dibdib niya. Alam niya, hindi uubra ang katarayan niya sa mga ito. Men from these areas don't have anything to lose. Committing crimes is as normal as breathing for these people. And she knew, one wrong move and these men could easily beat the daylights out of her.
"W-wala," mahinang sagot niya.
Ngumisi ang lalaki. "H’wag ka nang mahiya Miss Byutipol, alam ko kailangan mo ng tulong ko," pagpupumilit nito bago sumandal sa dingding ng tindahan, paharap sa kanya. Maya-maya pa, lumapit na ang iba pang kasama ng lalaki na umiinom malapit sa tindahan.
Lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya. Nagpalinga-linga siya. She wanted to ask for help. Kaya lang, tuloy ang buhay ng mga tao sa paligid niya. Na parang wala ni isa mang nababahala na pinapalibutan na siya ng mga lalaking lasing at mukhang siga.
"Ang sexy mo naman?" anang isa pa na payat, hubad baro din at nagkalat ang tattoo sa katawan. "Ikaw ba ang bagong alaga ni Chelsea?"
She crossed her arms and embraced herself. As if it would save her from whatever these thugs are thinking to do to her.
"Tang*na 'tol! Kung ganyan kaganda at kasexy, gagalingan ko pangi-snatch araw-araw maikama lang yan gabi-gabi," anang isa pa na puno ng malisyang pinasadahan ang kabuuan niya.
"Gago! Nilaspag mo naman agad!" tutol pa ng isa bago ngumisi.
Nahindik siya sa sinabi nito. Lalo niyang niyakap ang sarili at pinilit magsalita.
"I-I'm not a w***e!" she said in a shaky voice.
"Shuta! Inglisera!" malakas na sabi ng isa pa, pagkatapos ay tumawa at nakipag-apir sa mga kasama.
"Come in me, beybi. Let me s*x you with my big birdie!" anang isa pa na medyo may katandaan na. He’s missing one of his frontal tooth.
The man gave her goosebumps. And at that moment, she knew the safest place she can be at is on that little cramped up room in the 4th floor.
Humakbang siya upang sana ay muling umakyat sa pinanggalingan niya, pero mabilis na humarang ang mga lalaki sa daraanan niya. Lalo pa siyang kinabahan nang hawakan siya ng isa sa mga ito at pilit na hinihila sa ibang direksyon.
“N-no… N-no, please.” Naiiyak niyang ipiniksi ang braso niya sa lalaki pero mas lalong humigpit ang hawak nito. Sigurado siya, mamantal iyon mamaya.
"Bakit Boyet, anong problema?" anang pamilyar na boses sa kanyang likuran.
Agad siyang napalingon. It was Will. She had never felt so relieved to see him.