Chapter 10: The Apartment 2

1087 Words
Agad siyang napalingon nang umingit pabukas ang pinto ng kuwarto. Nakabihis na ang kapre. Simpleng cargo shorts at black t-shirt. She rolled her eyes. The creature of the night looked so handsome. She bet he could wear rag-cloths and would probably still look so damn hot! Damn his blessed genes! "I told you, quit staring," anito bago dumiretso sa maliit na kusina at naglabas ng tasa sa cupboard bago nagtimpla ng kape. Napairap siya, hindi dito kundi sa sarili niya. Humalukipkip na siya. "For your information, I'm not staring at you! I was just wondering kung ikaw ba nag naglagay sa akin dito sa matigas na upuan na ‘to?"   He quickly sipped from his cup of coffee before flashing his annoying smile. "Nagbayad ako ng mga tambay diyan sa kanto para buhatin ka. Believe me baby, they enjoyed the view." Napasinghap siya. He let the tambays do what?  Maisip pa lang niya ang mga mga ‘di-kilalang lalaki na humawak sa kanya habang buhat-buhat siya, nahihindik na siya. Agad siyang napayuko. She’s still wearing her skimpy dress! Oh God! She was so horrified! "Iiyak ka na ba?" tanong nito maya-maya. Hindi siya sumagot. She blinked her tears away. "I was kidding, okay?” umpisa nito, patamad. “Siyempre sino pa bang magbubuhat sa'yo kundi ako lang," kaswal na pahayag nito bago muling humigop sa tasa ng kape nito. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa binalita nito o tuluyan nang magagalit sa paglalaro nito sa kanya. Pinili niya nag huli. "Hindi mo na lang sana ako binuhat. Nakakahiya naman sa 'yo nag-abala ka pa," patuyang sagot niya bago muling umirap. He tsked. “You sleep like a log princess. And I'm not a prince charming who can patiently wait for a princess to wake up. That only happens in shitty fairy tales," diretsong paliwanag nito. "H’wag kang mag-alala, hindi ko rin alam na nakasuot ka ng red lacy underwear beneath that skimpy dress of yours." Napamaang siya. Uminit bigla ang tenga niya. "You took advantage of me? You're such a perv!" asik niya rito, pulang-pula ang pisngi. Ngumiti ito nang nakakaloko bago ibinaba sa mesa ang hawak nitong mug. "Correction, I looked but I didn't touch. Besides you were the ones who took your clothes off. I was just being a gentleman and put your dress back on. Maginoo na nga ako nun e. Dapat nga mag-thank you ka pa e," may halong yabang na paliwanag nito. Lihim siyang napangiwi. Naghubad na naman siya sa harap ng kapre! Hindi naman siya masyadong lasing kaso lang it was a habit of her to take her clothes off before hitting the bed. Kahit sa bahay nila Lizzie, kung saan siya madalas magpalipas ng gabi tuwing lumalabs siya ay ganoon din ang gawain niya. Ugh! Where’s the end of your stupidity, Cassie! “Y-you should’ve walked away!” naiinis na sabi niya. “Respeto ang tawag do’n, Will. Oo nga pala, what would I expect from a jerk like you, anyway? You are an asshole from the roots of your hair down to the tip of your toes!" Inis niyang kinuha ang bag niya na naglalaman ng gamit niya bago nagmartsa patungo sa banyo. Pabagsak niyang sinara ang pinto pagkatapos. Wala pang isang oras siyang gising pero durog na durog na naman ang pride niya sa harap ni Will. Mabilis niyang inihagis sa maliit na sink ang dala niyang bag bago tinitigan ang sarili sa maliit na bathroom mirror. She looked fine, her hair was just a little bit tussled. But no matter how pretty she looked, she felt horrible, low and disgusted towards herself. Why can't she do anything right? "Puwede ba pabayaan mo muna ako!" singhal niya sa lalaki na marahas na bumabayo sa pinto ng banyo. "Look Cassie, what difference would it make anyway if I look away. Baka nakakalimutan mo, you offered your body once to me. Nakita ko na ang lahat ng tinatago mo. H’wag ka ngang magmalinis! You even slept with different men!"  That's it! Marahas niyang binuksan ang pinto at mabilis na tinulak palayo ang lalaking ang kasiyahan yata ay ang saktan siya. Her body shook from anger as she tried her hardest to blink her tears away.  Gusto niya itong saktan, sampalin o kaya ay suntukin nang paulit-ulit. Pero masyado na siyang nanghihina. Pagod na pagod na ang buo niyang pagkatao. She had been fighting for so long. "Kung hindi mo ako kayang respetuhin bilang babae, respetuhin mo man lang ako bilang isang tao. You dislike me, I'm fine with that. Pero hindi naman ako hayop. Don't treat me like one," puno ng pait niyang sabi bago muling isinara ang pinto. Humarap siyang muli sa salamin. Her tears freely flowing from her eyes. Every morning, she gets to see herself like this. Beautiful yet irreparably broken. "It will be just you and me, as always," malungkot niyang sabi. Ilang minuto din siyang umiyak sa harap ng salamin. She never thought that this day would really come-- ang palalayasin siya sa bahay nila ng mismong Daddy  niya. Pero nando’n na siya. Wala na siyang ibang magagawa pa. At least, hindi siya pinatapon sa bahay ng Tita Marga niya. Mabilis na bumalot ang nginig sa kanyang pagkatao nang kumislap ang isang alaala sa isip niya. Shhhh...Stay still, schatz. She forcefully closed her eyes and tried her hardest to forget the memory scaring her every night.   A shower would help her forget, she decided. Hinawi niya ang bathroom curtain upang mapabuntong hininga lamang dahil walang shower ang banyo. May balde at tabo sa ilalim ng gripo at bowl na walang flush. She exhaled. Gusto niyang mag-hyepreventilate! Calm down, at least there's water, kalma niya sa sarili. Mabilis siyang naligo at nagbihis. She wore a pair ripped skinny jeans and white designer blouse. Pagkatapos ay lumabas na din siya ng banyo. Tahimik ang paligid. Wala ang kapre na may bastos na bunganga. "Will," tawag niya sa lalaki, pero walang sumagot. Marahan niyang pinihit ang doorknob nang nilabasan nitong kuwarto kanina. His scent immediately welcomed her. His scent really does make her crazy. Ngunit agad siyang napangiwi nang mapasdahan ng tingin ang kabuuan ng silid. Magulo iyon. Nagkalat ang mga pinagbihisan sa sahig , magulo ang kama, at may mga basyo ng beer sa maliit na side table. She slowly shook her head. "So rowdy," napapairap na komento niya. Tinawag niya muli ang lalaki. Walang sumagot. She's really alone. She grinned, a satisfied one. Tatakas siya. And no one's stopping her from doing so.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD