Chapter 28: Missing You 2

1539 Words
Habang nasa daan patungo ng ospital, Chelsea was inconsolable. Nagkalat na ang make-up sa pisngi nito subalit patuloy pa rin ito sa pag-iyak. Nang marating nila ang ospital, agad na inasikaso ng mga doktor at nurse ang lola ni Chelsea. Ironic as it seemed and given no choice,  she comforted Chelsea the entire time they were at the waiting area of the ER. She knew exactly the feeling of losing someone you love. She lost her mother when she was young. And she carried that pain with her even when she grew up. Maya-maya pa, lumapit ang doktor sa kanila. Kasama nila sina Kgwd. Sonia at Luke na nakipag-usap sa doktor. "Kalat na kalat na ang cancer sa katawan niya.  I'm sorry but with her age and current condition, hindi na niya kakayanin pa ang chemotherapy. The best we could do at this point is to make her comfortable before she goes. Ia-admit na lang natin siya para mabigyan siya ng pain relievers via IV," paliwanag ng doktor. "I'm sorry," dugtong pa nito bago umalis. Pinigilan niya ang mapasinghap. A heavy burden engulfed her heart. Muling humagulgol si Chelsea. She didn’t protest when the woman hugged her and cried on her shoulders. Alanganin naman niyang hinaplos ang likod nito upang aluin ito. "Babalik na muna kami sa compound," pahayag ni Kgwd. Sonia maya-maya. Bahagya nang kumalma si Chelsea at maayos nang nakaupo sa waiting area. Mahinang tango lamang ang naging sagot ni Chelsea. Hirap pa rin kasi ito sa pagsasalita dahil sa patuloy na pagsigok. Nagpaalam din si Luke na sasaglit sa bahay nila upang magpahinga at nangakong papalitan siya sa pagsama kay Chelsea mamayang gabi. Nang mai-transfer sa private room ang Lola ni Chelsea, doon niya ibinigay dito ang ATM na ibinilin ni Will. "May iniwan si Will bago siya umalis," sabi niya bago inabot dito ang ATM.  Sandali iyong binalingan ni Chelsea bago muling ibinalik ang tingin sa wala pa ring malay na Lola nito. "H’wag na. Hindi naman na mabubuhay si Lola. Alam ko pagod na siya. Kami lang naman ni Will ang ayaw tumigil kasi..." Muli itong napaluha. "Ayos na Cassie, hindi na kakailanganin ni Lola niyan. Kung gusto nang umalis ni Lola, papayag na ‘ko. Hindi ko na siya pipigilan," puno ng pait na sabi nito. She bit he lower-lip as a familiar pain flooded her heart. Her mom had been gone for many years, but the pain of losing her mother never really left her. It was a constant reminder though of how fragile life is. The life she had been taking for granted for the past few years. Sa nakalipas na limang taon, hindi lang ni minsan niyang hiniling na sana, tapusin na lang ng Diyos nang maaga ang buhay niya. Ayaw na niyang palaging natatakot. Pagod na pagod na kasi siyang tumakas. Pagod na pagod na rin siya sa pagtakbo. Napaluha na rin siya as realization daw at her. How selfish can she be? There she was, wanting to throw her life away while some people pleads for even just another second more of life with their loved ones. But Chelsea and other people are free. They are not bound by an awful past to a cage that cannot be seen… unlike her. Napakurap siya. She quickly dismissed the thought. "B-bibili lang ako ng puwede ninyong merienda sa baba..." alanganing paalam niya. She was about to turn to the door when Chelsea started talking. "Yaya ni Will si Lola noon," umpisa nito. "Silang dalawa ng kuya niya, parehas silang alaga ng Lola."  She met Chelsea's sad gaze. Malungkot itong ngumiti bago muling tiningnan ang Lola nito. Marahan nitong hinaplos nito ang kulubot na kamay ng matanda.   "Maayos ang buhay namin n'on. Siyempre malaki ang sweldo ng Lola, dolyar. Kaso hindi nag-iipon si Nanay. Marami siyang bisyo, marami din siyang nakarelasyon na pinerahan lang siya. Ni hindi ko nga rin alam kung sino ang tatay ko.” Bahagya itong natawa. “Lumaking pariwara si Nanay. Kaya nang mamatay si Clark, ang kuya ni Will, at maglayas si Will sa kanila, natanggal sa trabaho si Lola at kinailangan niyang umuwi ng Pinas. N'ong mga panahon na 'yon, si Nanay sobra siya sa bisyo hanggang sa ‘di na nakayanan ng katawan niya." Chelsea heaved a deep sigh and quickened her breath. Like the mere recollection of the life she had lived was really exhausting.  "Naubos ang lahat ng ipon ni Lola sa pagpapagamot kay Nanay. Hanggang sa... kinailangan kong...m-magtrabaho na rin para mabuhay kami. Dise-siete ako ng una akong pumasok sa club. Tapos nagtuloy-tuloy na." Muli itong tumigil bago sumulyap sa kanya, nahihiya. "Nang mamatay si Nanay, anim na taon na ang nakararaan, na-stroke naman si Lola. Kaya dinoble ko ang pagta-trabaho. Hindi na lang katawan ko ang binebenta ko, pati na rin ng mga babaeng gustong magbenta ng panandaliang ligaya. Hanggang sa mahanap kami ni Will, mga tatlong taon na ang nakararaan. Nag-aabot siya ng tulong. Pero noon, ako ang tumatanggi. Ma-pride ako e. Naranasan kong maibahay ng isang pulitiko.” Muli itong tumigil, tila may inalalang malungkot. “Saka lang ako tumigil nang m-mabuntis ako tapos inutusan ako ni Mayor na ipalaglag ang b-bata.” Sunod-sunod ang naging pagpatak ng luha nito. Hanggang sa tuluyan na itong humagulgol.  The woman grieved and so was her heart. Alam niya marami itong iniiyakan. Marahil sa kasalanan ng Nanay nito, sa naging takbo ng buhay nito, at sa mga maling desisyon na ginawa nito.  Chelsea was so beautiful on the outside. But like her, her soul was shattered into a million broken pieces none could mend. Suminghot ito at mabilis na nagpunas ng luha. "Nang malaman namin na may kanser si Lola, pinilit ni Will na ipagamot si Lola. Akala nga ng iba may relasyon kami. Hindi nila alam na parang kapatid lang ang turingan naming dalawa. Hindi na ako tumanggi sa mga tulong niya, mula't sapol naman talaga kasi wala na akong maipagmamalaki.  Tumigil na ako sa trabaho ko. Umasa na lang kami sa tulong ni Will. Pinag-aral din niya ako sa gabi. Pangarap kasi ni Lola na maging titser ako kaso nga...." Muli itong tumigil, gumaralgal ang tinig nito. "Sayang nga lang, hindi na yata makikita ni Lola ang pagmartsa ko sa graduation. Gusto na niya talagang umalis...maiiwan na talaga akong mag-isa," puno ng pait na sabi nito bago muling hinaplos ang kamay ng abuela.  She swallowed the painful lump in her throat. Alam na alam niya ang pakiramdam ng nag-iisa, walang mabalingan, walang mahingan ng tulong, at maiwan.  Alanganin niyang nilapitan ang babae at wala sa sariling hinawakan ito sa balikat. "You have... us."  Nag-angat ito ng tingin bago ito tipid na ngumiti. "Alam ko. Mabubuti ang puso ninyong dalawa ni Will e. Kaya bagay na bagay kayong dalawa." Awkward as it seemed, but she genuinely smiled back at Chelsea. Gone was her hate and any ill feelings towards the woman. Sandali pa itong nagkuwento tungkol sa naging buhay nito, mga kamailan, nakakatawang pangyayari at iba pa. Pakiramdam niya naghahanap talaga si Chelsea ng kaibigan. Ngunit dahil sa uri ng naging trabaho nito, iniiwasan ito ng mga tao sa compound kaya wala itong mapagsabihan ng mga hinaing nito.  And she can understand that perfectly dahil ganoon din siya. Ganoon din ang buhay niya sa nakalipas ng limang taon. And being misjudged is a burden she doesn’t want to wish to anyone. Gabi na nang bumalik si Luke, kasama nito si Aling Nena. Sila raw  muna ang kasama ni Chelsea na magbabantay sa matanda. Dala-dala rin ng mga ito ang donasyon mula sa barangay para sa pagpapagamot ng lola ni Chelsea.  Hinatid pa siya ni Chelsea hanggang sa bukana ng ospital.  Ipinilit din niya rito na tanggapin ang ATM na iniwan ni Will. Subalit nang magtanong ito tungkol kay Will, wala siyang maisagot. Sinabi na lang niyang may inaasikaso itong importante. Ayaw niyang alalahanin pa nito si Will. There's only so much worry one could take.  Nang makabalik siya sa tenement at makauwi sa mismong unit ni Will,  wala pa ring senyales nang pag-uwi nito. Nagpaalam siya kay Ella na sa unit ni Will siya matutulog. Because no matter what she does or no matter how she denies it, she really missed him. Terribly, undoubtedly, profoundly-like-it’s-hard-to-breath miss him.  And odd at it seemed, despite Will's absence, she saw a different side of Will today-- the better side of him. Maybe he's just really one complex man, just like the rest of them. She felt her heart flutter with the thought. Before she slept that night she prayed. Nagdasal siya na sana bukas, paggising niya, nakauwi na si Will. Ayos lang sa kanya ang pagsusungit nito, hindi na siya magrereklamo. Magpapakabait na rin siya at susundin niya ang anumang iutos nito kahit pa anumang ka-weirduhan iyon ayos lang sa kanya, basta umuwi na ito.  She was about to doze off when she heard a knock from the door. It was Ella, telling her that Chelsea's grandmother just passed.  Three days.  They spent another three days for the wake of Chelsea's grandmother before the old woman’ remains was finally brought to her final resting place in Pampanga.  And during those times, no matter how she prayed to the heavens, no Will came back.     
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD