Chapter 24: Still Trying

1746 Words
"Aba Santa Cassandara, punom-puno ka ng pagwawarla. Pagaanin mo ang aming hininga. Alisin mo na ang mga rosas sa sala. Ako'y nagmamakaawa," eksaheradang pahayag ni Ella habang nakahawak sa dibdib ang isang kamay, nagkukunwaring nanghihina, halos nahihimatay. "Siya nawa," segunda naman ni Rica na nakasunod sa kapatid nito. Nakataas pa ang dalawang kamay na parang namamanata at itiniri-tirik pa ang mga mata. Napahagikgik si Cassie sa ginawa ng magkapatid bago muling hinarap ang  nilulutong sinigang na bangus na siyang panghapunan nila. Marami-rami na rin siyang alam na putahe. Salamat sa magkapatid na walang sawang nagtuturo sa kanya. She took a spoon and tasted the broth of the food she’s cooking. Napangiti siya dahil pumasa sa panlasa niya. Magugustuhan din siguro 'yon ng masungit na kapre. Sana. Actually, the meal is for Will. Dinner nito. But she decided to cook more so that she can share it with Ella and Rica. Tutal naman marami pa silang stock ng pagkain sa ref ni Will. Aanhin naman nila iyon kung hindi sila magse-share. Plus, Will doesn’t come home as often as he used to. Wala ito maghapon. Mukhang busy sa trabaho. Will. It would've been five days since she moved out from Will's unit. At limang araw na rin siyang ginugulo nito. Limang araw na rin ang supply niya ng mga red roses na pinapabayaan lang niya sa salas. Limang araw na ring nagbibigay ang kapre ng peace offering sa kanya. Hindi nito nakakaligtaang magbigay ng cake, chocolates, at araw-araw na supply niya ng kape at bagels tuwing umaga. Today is just Please-forgive-me day 5 and Will is driving her insane with his antics. At tuwing tinatanong niya ito kung hanggang kailan nito gagawin iyon, he’d just say, until she forgives him-- which really annoys her! Dinadaan siya nito sa mga regalo para magpatawad siya. Gaya na rin ng Daddy niya na pinuno siya nang husto nang mga material na bagay para mapunan ang kakulangan nito bilang ama. Don't they know that forgiveness is freely given and can't be just earned easily? It takes time for the hurt to go away. For the pain be healed.  Napaigtad pa siya nang pumitik-pitik si Ella sa harap ng mukha niya. "Hoy, nagmamagandang asawa ni Tisoy, wala ka ba talagang balak alisin 'yang mga flower power d’yan sa sala Nakakashokot girl! Wiz ko bet ang halimuyak. Parang laging may tegi dito sa housing authority namin!" reklamo nito, tinakpan pa ng daliri ang ilong. Tumikwas na ang nguso niya. "Sorry, ha. Si Will kasi bigay nang bigay, ayaw akong tantanan."  "E bakit kasi ayaw mo pa patawarin? E for effort ‘yong tao everyday!" si Rica naman na noon ay nakaupo sa dining table at nilalantakan ang rambutan na nasa mesa. "Oo nga girl, kawawa naman si Tisoy. Bili nang bili ng kung anu-ano, wiz mo bet lagi. Naglilihi ka ba?" intriga ng bakla. "Hell, no!" bulalas niya. "A... e... ang ibig kong sabihin hindi at saka... wala pa akong balak," nahihiyang sagot niya. Natahimik ang magkapatid. Nagtinginan. "E bakit ba kasi kayo nagwarla na mag-asawa? Hanggang ngayon hindi mo pa rin sinasabi ang truly, madly, deeply reasoning kung bakit ka nagka-camping dito sa housing authority namin," si Ella, maya-maya. "Kasi si--" Sabay-sabay silang napatingin sa pinto nang may kumatok doon. Si Ella ang nagmamadaling nagbukas ng pinto. "Good evening," anang pamilyar na tinig. It was Luke. "Ay, Fafa Lucas! Magkanong kailangan mo este payag ka na bang maging jowa ko. Ay, mali pa rin! Jeskelerd!" natatarantang bungad ni Ella sa bisita, panay ang hawak sa pinsgi nitong namumula. "Ang ibig kong sabihin, sino ang kailangan mo? Dahil kung ako, ako'y iyong-iyo." Luke chuckled, even his chinky eyes smiled. Sinilip siya nito mula sa pinto at kumaway. She waved back at him and his lips broke into a full smile. Agad ang pagkalukot ng mukha ni Ella, agad na napansin ang ngitian niya at ng bisita. "Jeskelerd! Mamamanata din pala kay Santa Cassandra," pabulong na wika ni Ella bago walang ganang niluwangan ang pagkakabukas sa pinto at pinapasok ang bisita na may bitbit na supot. "Boom! Basag!" napapahagikgik na komento ni Rica, kumakain pa rin ng prutas. Tumayo sa gitna ng salas si Ella, humalukipkip. "Naligaw ka, may balak jowain ang jowa na ng iba?" Ngumiti lang si Luke. Hindi tinablan ng parinig ni Ella. "Ibibigay ko lang sana 'to.” Itinaas ni Luke ang mga hawak niyang supot. "Umuwi kasi ako ng Batangas. Nagbilin si Tiyang ng buko pie. Nagpabili siya ng extra para ibigay sa inyo. Kaso pagsilip ko sa kabila, mukhang walang tao kaya dito na ako tumuloy. Tamang hinala pala ako nandito ka nga," paliwanag nito, nakatutok ang mata sa kanya. "A oo. Wala kasi si Will ngayon e... ano…may... may pinuntahan. Kaya dito muna ako kina Ella," pagsisinungaling niya. This is the first time that he’s seeing Luke after the incident. Sa totoo lang, nahihiya siya rito. Pati ito nadamay sa kagaspangan ng ugali ng kapre dahil sa kanya. Tumango-tango si Luke bago ibinigay kay Ella ang supot na hawak nito. "Pati sina Aling Nena at Kagawad Sonia binigyan ko rin. Masarap 'yan. Kakilala ko ang nagbe-bake niyan. Made with love," pahayag pa nito bago binigyan ng kindat si Ella.  Si Aling Nena ang may-ari ng tindihan malapit sa labasan. At si Kagawad Sonia naman ang nangangalaga ng peace and order nila doon sa tenement. Inihabilin siya ni Will sa mga ito. Kaya hindi na siya masyadong nilalapitan ng grupo nina Boyet tuwing lumalabas siya. Wala sa sariling mariing pinagdikit ni Ella ang mga labi at ninamnam ang kilig na dulot ng pagkindat ng bisita rito. Maya-maya pa, tumikhim ang bakla, pilit pinapormal ang mukha. "O siya, sige na. Teka dito ka na rin kaya maghapunan para mabusog ako este mabusog ka,"  anyaya ni Ella sa bisita. "Naku, h'wag na. Kararating ko lang din kasi. Inutusan lang ako ni Tiyang na ibigay 'yan," paliwanag nito. "Mauna na ako. Sa susunod na lang ako makikikain," dugtong pa nito bago ngumiti. Siya na ang naghatid dito sa pinto. "Thank you, ha? Pakisabi na rin kay Tiyang Saling na bibisita ako sa inyo para magpaturo ng pagluluto ng pansit niya.” "Oo ba! Basta kapag nagka-oras ka, bumalik ka lang. Walang proble--" Pagtikhim mula sa likuran ni Luke ang pumukaw sa atensyon nila ng kausap. Her heart banged instantly inside her chest when he learned that it was Will, in his usual dark and lethal form. He was holding another bouquet of roses and a box of cake in his hands. While his eyes carries the same storm from the night he almost did something to her. "W-Will," paos ang tinig na tawag niya rito. "P-pare..." halos hindi maituloy-tuloy ni Luke ang gusto nitong sabihin. Lalo siyang kinabahan nang magsalubong ang kilay ni Will. She knew he'll do something inappropriate again. She would've moved herself in between Will and Luke, but it was too late! Will had already punched Luke in the face. She shrieked when she saw Luke toppled down on the floor with his nose bleeding. Mabilis niyang pinigil sa braso si Will na pulang-pula pa rin sa galit habang nakatingin kay Luke. Sina Ella at Rica naman mabilis na dinaluhan si Luke. "Tigilan mo na si Cassie! Gago!" sigaw ni Will. Hindi na sumagot si Luke. Inalalayan na lang ito nina Ella at Rica sa pagtayo at inilayo doon. "What the hell is wrong with you?" asik niya kay Will nang sila na lang dalawa. "You can't stop being an jerk, can you? Pinag-iinitan mo ba si Luke because he’s my friend? What did he ever do to you?"  "I don't want you near him,” he replied hurriedly. She can clearly see the heavy rising and falling of his chest as he tried to catch his breath. She scoffed. "Luke is my friend. He is good to me. Unlike you!" singhal niya rito, pinagdiinan ang huling salita. "You are jerk and I hate you!" dugtong pa niya bago dinuro ang dibdib nito. Hindi pa siya nakuntento, tinulak niya ito bago pinagbabayo ang dibdib nito. She even slapped him several times. Hindi siya nito pinigilan. He just allowed her to do whatever she wants. Naiyak na siya pagkatapos—in anger, in confusion. She doesn’t know how to deal with Will anymore. He is confusion himself! One time he is good and othe ther he's a savage beast ready to wreak havoc just because. Nang mapagod siya, marahan siyang umatras at mabilis na pinalis ng palad ang kanya mga luha. "You can think of anything between me and Luke in that sewer mind of yours, but I won't stop seeing him. He is my friend. He sees me and not my deeds, which according to you and this world, are always wrong. Palibhasa hindi mo alam ang pakiramdam ng walang kaibigan, ng laging pinaparatangan at ng hindi pinakikinggan. Because you are high, mighty, and righteous. And you’ve always regard me as the filthy one," puno ng pait na sabi niya Will just stared at her for a while. His red face and clenched fists tells her that he is still in rage. But she saw different emotions crossed his eyes— most of it she cannot name. Maya-maya pa, tumungo ito, ibinaling ang tingin sa  mga bulaklak at cake na nakakalat sa baldosa. Pinulot nito ang mga rosas at pilit iyong ibinalik mula sa pagkaka-ayos kahit pa sira-sira at kulang-kulang na ang mga talulot niyon bago alanganing iniabot sa kanya. She stared at the beaten bouquet of roses before lifting her head to meet his gaze. Again, a mix of emotions paraded in his eyes before it settled to somewhat similar to insecurity and hesitation. "These..." He slowly released his breath as he gestured the flowers towards her. "These are for you... just... just... accept it. Sayang naman ang… ano… effort ko." She scoffed. Effort. Lahat pala ng ginagawa nito hindi bukal sa loob kundi effort. God! He really is hopeless! She turned and hurriedly went inside the house. She gathered the hoard of flowers Will had given her for the past days and threw it at him. All of it. "Here are your efforts. They are as useless as your sorries. Because no matter what you do, you're still a prick, Mr. Johnson. You heard me? You're a prick! And FYI, I friggin hate roses!" aniya bago siya tumalikod  at pumasok sa kabahayan. Tinawag pa siya nito nang makailang ulit, ngunit mabilis na niya itong pinagsarhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD