Chapter 7: The Guardian

1036 Words
Will secretly grinned when Cassie finally stopped talking. He’s sure she’s shocked. Finally, holy silence!  he thought. He's not supposed to say that to her yet. Pero masyadong madaldal ang prinsesa at naririndi na siyang talaga! And he'd do anything to keep her delectable lips shut. Masamang ideya ang distraction lalo pa't nagmamaneho siya. And Cassie, the untamed princess is distraction personified! Awtomatikong nag-replay sa isip niya ng eksena kanina habang hawak niya ito at angkin niya ang matamis na labi nito. She was too soft and too warm-- so enticing that he almost didn't want to let her go. But he knew, Cassie Echavez loves playing games. And  he's not stupid to let himself be played by the princess. Gusto lang niya itong asarin—pagbigyan sa kung anumang laro nito. But it escalated too quickly and now he had told her what she’s not supposed to know yet. And now that the princess is silent, he finally his all attention on the road. Mabilis nilang narating ang exclusive subdivision kung saan naroon ang mansiyon ng mga Echavez. Kagagaling lang niya kanina doon, pero heto na naman siya at babalik doon. Agad silang pinagbuksan ng gate ng security guard ng mansion nang makilala siya. Inihinto niya ang kotse sa harapan mismo ng portico at muling tinapunan ng tingin si Cassie. "As promised, I took you home," aniya. Agad  itong umirap. "Bago ba kitang bodyguard? Magkano ba ang ibinayad sa iyo ng Daddy ko? Dodoblehin ko, ilayo mo lang ako dito sa impiyernong bahay na ito.” He forced a laugh. "Are you actually buying me out?" amused na tanong niya rito. Nagsalubong ang mga kilay nito.  "You know it's never about the money, babe," dugtong pa niya sa seryosong tinig. The princess scoffed and rolled  her eyes before mimicking his response in a sarcastic way. And for the life of him, he doesn’t know why he’s entertained! "You know what, I'm enjoying the sight of your flushed face in rage, para kang kamatis," pang-aasar pa niya.  Hindi niya napigilan ang sarili at bahagya pang kinurot ang tungki ng ilong nito. "Don't touch me!" she hissed. He scoffed. "Just to remind you, I did more than touching you, and so the other half of men in the metro. So anong pinaglalaban mo? Playing picky now? Hindi bagay sa 'yo. Now let's get down to business, shall we?” Umibis na siya ng sasakyan. Umikot, upang pagbuksan ito ng pintuan ng kotse dahil wala pa siyang balak alisin ang posas ng mahal na prinsesa. Kaya lang ilang segundo nang nakabukas ang pinto nito, hindi pa rin ito bumababa sa sasakyan. She just sat there, silent. Her eyes still if front of the care. Uncaring if Armageddon comes! Napahawak na siya sa batok niya. Halos wala pang isang oras nang muli silang magkita ng prinsesa pero nananakit na naman ang ulo niya. Pero ayaw na niyang inisin ito. Baka mapaiyak na naman niya. He really felt like an asshole earlier when she thought he’d forced himself on her. He had always been a gentleman, pero pagdating kay Cassie, something inside of him clicks and he's always losing it. Bago tuluyang nagtagpo ang landas nilang dalawa two years ago, kilala na niya ang pangalan nito sa social circle na ginagalawan. And he had heard all her bitchy tales-- sexcapades of Cassie Echavez according to her casual sexmates.  Muli siyang nailing. "I'm sorry. Pero hindi po ako nakapagprepare ng red carpet para sa homecoming mo mahal na prinsesa," sarkastikong sabi niya. Muli, hindi ito sumagot. Sinamaan lang siya ng tingin bago muling ibinalik ang mga mata sa harapan ng sasakyan na parang wala itong narinig. Dammit! She’s really testing his patience. The princess is doing again what she does best, being a brat. So without second thoughts, he scooped her out of the car and threw her again on his shoulders like a sack of rice. Nagtitili ito at nanlaban kahit nakaposas. Pero hindi siya natinag. Dire-diretso siyang pumasok sa front door. Bukas pa ang ilaw sa buong kabahayan, maging sa salas, na labis niyang ipinagtataka dahil madaling-araw na. "Bitiwan mo 'ko! Hayop ka!" tuloy-tuloy na reklamo ng prinsesa. Panay-panay ang suntok sa likod niya. Pagdating nila sa sala, nakita niya roon na nakaupo sa sofa si Tito Ernie, ag daddy ni Cassie at ang isang lalaki--may eyeglasses ang chinitong mata nito at manghang nakatingin sa kanya-- sa kanila. "Put me down! You moron!" angil ulit ni Cassie kasabay nang pagpiglas ulit nito. Humihingal niyang ibinaba si Cassie, making sure that she was standing properly. Nagtataka siya kung bakit sa kung anong nipis ng katawan nito gayon na lamang ang lakas nito sa pagpiglas. Napatayo na si Tito Ernie. "Hija," usal nito. "Angel!" bulalas naman ng chinitong lalaki na mabilis pang kinuha ang bouquet ng mamahaling bulaklak sa center table. Nalukot ang mukha niya. Seriously! Manliligaw ito ng madaling-araw? Ano ito maligno? Stupid four-eyes! He thought. "Raymond, what are you doing here?" she asked wearily, almost angry. Alanganing ngumiti si four-eyes bago lumapit kay Cassie. Napaatras naman si Cassie ng ilang hakbang. "Nandito na ako, Angel. You told me when you kissed me at Lizzie's birthday party na kailangan 'pag dalaw ko ulit sa 'yo handa na akong pakasalan ka. Actually kasama ko sina Papa at Mama kanina pero hindi ka na nila nahintay. But I stayed to wait...uhm..." Sumulyap ito sa kanya bago ibinalik ang mga mata kay Cassie. "To wait for you angel... for this," tarantang sabi nito bago inilabas ang isang kahita na kulay itim mula sa bulsa nito. Mabilis nitong binuksan iyon at walang hiya-hiyang lumuhod sa harap ni Cassie. "Angel, will you marry me?" nanginginig na tanong ni four-eyes. Seriously? A proposal at dawn? This four-eyes is really something. Hindi kaya nagi-sleep walk ito at nananaginip lang? Kung banatan na kaya niya itong si four-eyes para makatulog na? Sinilip niya ang mukha ni Cassie. She just stood there shocked and almost teary eyed. Shit! Will she say yes? Nalukot ang mukha niya. Bakit pakiramdam niya handa siyang bugbugin si four-eyes kapag napa-oo nito ang prinsesa? Muli ay mahina siyang napamura.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD