Patuloy sa pag iisip si Eula sa posibleng sinabi ni Joseph tungkol sa pagkamatay ng kanyang Ama. Sa tunay na katotohanan sa kabila ng pagkamatay nito, ang mga conclusion na inilahad sa kanila ni Joseph ay maaaring isang basehan, subalit maaari ring totoo.
Napakalaking katanungan iyon kay Eula noon pa man. Malakas kasi ang agam agam na sinadya talaga ang pagkakamatay ng kanyang Ama at ang dahilan nuon ay ang pera at mga ari ariang mamanahin niya sa kanyang Ama. Ang pagkakarinig niya sa testament na iniwan ng Ama ay sa kanya iyon ipinangalan subalit nagbago lahat ng ito ay mamatay, lahat ng ari arian ay nawala sa pangangalaga niya at napunta sa pangangalaga ng Tita Shine niya.
Dahil sa nakakulong siya lahat ng ari ariang mayroong naiwan ang Ama ay ang Tita Shine niya ang nagtatamasa at ang anak nitong si Raquel. Imposible kayang kagagawan rin ito ng Tita niya kung bakit siya nito idiniin at makulong sa kasalanan na hindi naman ginawa? Possible ba iyon dahil sa kayamanan na naiwan ng kanyang Ama? Kaya nito nagawang patayin ang sarili niyang Ama dahil hindi niya makuha ito habang nabubuhay ang Ama?
Wala na kasing ibang maisip na taong gagawa noon sa Ama kung hindi ang Tita Shine niya at ang anak nitong ambisyosa na gaya ng Ina.
“ Joseph makakaya mo ba talagang magawan ng paraan na mabigyan ako ng Parole? Upang ako ay makalaya? ” lakas loob na sabi niya. Gusto niya makalaya sa ganoon ay mabigyang hustisya ang tunay na pagkamatay ng kanyang Ama. Hindi niya magagawa iyon hanggang naririto siya sa loob ng bilibid.
Biglang lumakas ang loob ni Eula na makalaya ng dahil sa mga conclusion na sinabi ni Joseph. Kung noon ay tahimik na siyang nabubuhay sa malaking lugar na ito na napapaligiran ng maraming mga rehas at dumaranas ng araw araw na paghihirap sa mga kasama rito sa kulungan at hindi na iniisip pang makalaya kundi ang naiisip nalang niya ay sumunod sa Ama.
Napakaswerte lang ni Eula sa dami ng pahirapan na dinanas at ginawa sa kanya sa loob ng bilibid ay ni minsan ay hindi sumuko ang kanyang katawan. Palagiang siniswerte siya at nabubuhay. Sa totoo lang isang napakalaking Misteryo ang pangyayari na iyon sa pagkamatay ng Ama. May isang bagay pang nangyari noon na walang sino man siyang pinagsabihan. Dahil sa pananakot ng taong nang rape sa kanya.
Nirape siya nuon ng araw na mamatay ang kanyang Ama, habang humahangos at humahanap ng tulong na maari niyang mahingan ng tulong upang maisugod ang Ama sa Ospital isang groupo ng kalalakihan ang kanyang naaabutan na pasalubong sa kanya habang lakad takbo siya sa paghahanap ng tulong. Buong Akala ni Eula ay mga tauhan sa Rancho ng kanyang Ama ang groupo na iyon. Subalit nagkamali siya ng palibutan siya ng mga ito at isa isang hinubaran, matapos ay isa isa siyang pinagparausan.
“ Huwag parang awa niyo na! maawa kayo ” sigaw sigaw niya “ Tulong, tulong tulungan niyo ako. Parang awa niyo na, nakikiusap ako. Huwaggg ” malakas na sigaw ni Eula ng mag umpisang pumatong ang isa sa groupo ng mga lalakeng humarang sa kanya. “ Huwag parang awa niyo na, nakikiusap ako ” ang sabi muli ni Eula. Ngunit nakangisi lang ito habang pinuyos siya ng mga halik, mula sa labi, sa leeg pababa sa kanyang mga diddib.
Iyak ng iyak si Eula, walang pag pagsidlan ang mga luha sa sobrang kaiiyak dahil sa kabababuyang ginagawa ng lalakeng humarang sa kanya. Pinipilit niyang maglaban subalit nanghihina na siya, dahil sa pagkakasampal at pagkakasuntok ng lalake sa kanyang sikmura ng subukan muling sumigaw dahil sa kahayupang ginagawa nito sa kanyang katawan.
Napakasakit. Namimilipit sa sakit si Eula sa mga oras na iyon. Hindi na niya magawang gumalaw lalo ng landasin ng lalake ang kanyang ibabang p********e. Labas pasok ito at si Eula naman ay wala nang magawa dahil hawak hawak ng mga kasama nito ang magkabilang kamay, habang ang isang kasama ay busy sa pambababoy sa kanya.
“ Ahhhhhhh, ” namimilipit sa sakit na sigaw ni Eula “ ahhhhhhh ” sobrang sakit ng tiyan niya namimilipit iyon sobrang sakit, napakatindi ng sakit na pinadadama sa kanya. “ ahhhhhhh ” isang malakas na sigaw pa ang kanyang pinakawalan matapos suntukin ng isang lalake ang kanyang sikmura matapos sumigaw. “ Huwag parang awa niyo na, please tama na pagmamakaawa niya ” na halos walang boses na lumalabas sa bibig niya. Umiiyak si Eula sa sakit sa pag aalala na ang batang nasa sinapupunan niya ay may mangyaring masama.
Nagdadalang tao noon si Eula ng halayin siya ng Groupo ng mga lalakeng iyon. Matapos pagparausan ng halos pitong lalake na yon hindi na magawa pang tumayo ni Eula. Dahil matapos halayin ay muli siyang pinagsusuntok at tinakot na huwag magsasalita sa nangyari sa kanya.
“ Huwag na huwag kang magsasalita o magkukwento sa kahit sino dahil alam mo na ang mangyayari sayo. Isusunod ka namin sa Papa mo sa kabilang hantungan oras na magsalita ka o magkwento. Tandaan mo yan ” matapos sabihin iyon ay iniwanan na nila si Eula na halos walang malay at namimilipit pa rin sa sakit na nararamdaman.
Walang tigil sa kaiiyak si Eula dahil sa pag aalala sa munting anghel na dinadala, walang alam ang kasintahang si Apollo sa batang kanyang dinadala sa sinapupunan. Umalis siya ng hindi nasasabi rito ang tungkol sa pinagbubuntis at magiging Ama na ito na matagal nang iniintay intay nila sa isang taong pagsasama ay sa wakas nabiyayaan na sila ng mumunting Angel subalit mariing iniilihim sa nobyo dahil sa kadahilang hindi siya lalong papayagang umalis at magkakaroon ito ng dahilan upang mas lalo siyang pigilan tumungo sa kanyang Papa. Mahigpit kasing tumututol ito sa kanyang pag alis upang puntahan ang may sakit niyang Ama.
“ Ahhhhhhh, baby please huwag kang bibigay ” umiiyak na samyo niya na huwag sanang mawala ang munting angel na nasa sinapupunan niya ngunit lalong siyang napasigaw sa sakit ng maramdamang ang bagay na gusto lumabas sa kanyang pwerta sobrang sakit namimilipit siya hanggang sa may nakapang dugo, umaagos, tuloy tuloy at hindi maampat sa pagdurugo. “ Diyos ko po, nakikiusap ako huwag ang baby ko. Parang awa niyo na huwag ang baby ko. huwag niyong kukunin ang baby ko. ” umiiyak na samyo niya sa taas, pakikiusap ng isang ina na hindi man lang nagawang masilayan ang munting angel na pinakamamahal niya.
Wala nang nagawa si Eula sa patuloy na pag agos ng dugo sa kanya. Kahit anong pilit makabangon ay hindi niya magawa, walang kahit isang tao ang makarinig sa kanya. Gumagabi na at isa pang inaalala ang Ama na nag aagaw buhay ngayon at kailangan ng kanyang tulong. “ Papa, paano ba patawarin mo ako. Wala akong nakuhang kahit isang tulong na makakatulong sayo. Papa ” umiiyak na sabi niya.
“ Papa, Papa, Papa ang baby ko huwag niyo akong iiwan, pakiusap Papa huhuhuhu ” huling pakiusap na namutawi kay Eula bago siya tulungang nawalan ng malay mula sa talahiban na pinagdalhan sa kanya na malayo sa bahay nila sa Rancho ay tuluyang ginupo si Eula ng kanyang namimikit na mga mata at nanghihinang katawan dala ng maraming dugo na walang impis pa rin na lumalabas sa kanya.
Mag uumaga na ng maalipungatan si Eula sa malawak at naghahabaang damuhan na pinagdalhan sa kanya. Namimigat pa ang kanyang katawan, subalit may konting lakas na siyang makatayo sa pagkakahimlay sa pagkakahiga roon sa damuhan. Isa isang pinulot ang nagkalat na saplot na isa isang pinaghahagis ng mga lalakeng nang halay at bumaboy sa kanya. Napahawak siya sa kanyang sinapupunan ngunit wala na siyang maramdaman na kahit anong pintig mula sa sangol na kanyang dinadala. Umiyak muli si Eula ng maalala ang lahat ng pambababoy at pagpapahirap sa kanya ng mga lalakeng gumawa noon sa kanya. Gustong gusto niya itong mga isumpa ang mga taong gumawa nito at siyang dahilan ng pagkawala ng kanyang munting angel na hindi man lang nasilayan kaylanman.
Mga hayop na yon sinusumpa ko silang lahat. Binaboy nila ako na parang isang basura. Pinagsalit salitan na parang isang papel na walang tigil na yinurakan. Daig ko pang isang baboy sa mga ginawang pangbababoy ng mga hayop na lalakeng iyon. Mga hayop. HAYOP SILA sinusumpa ko sila - sigaw sigaw ni Eula.
Umiiyak si Eula ng maalala ang mga pambababoy sa kanya ng mga groupo ng kalalakihan na yon na siyang dahilan ng pagkawala ng anak. Sobrang sama ng loob niya, walang kasing sama. “ Eula what happened? ” nag aalalang tanong ni Joseph. Dahil sa pag iyak ng maalala lahat ng mga dinanas niya ng araw na iyon. Pilit na kinalimutan dahil sa takot noon ng mga panahon na yon.
“ Ano ba talagang nangyayari sayo Eula? Bakit umiiyak ka at tila may galit dian sa dibdib mo? May Hindi ka ba sinasabi sa amin ng Nanay Miranda? ” nag aalalang tanong ni Maya na kanyang malapit na kaibigan.
Halos limang taon na rin ang lumipas simula ng iwan siya ni Eula matapos sabihin pupuntahan nito ang kanyang Amang may sakit, subalit hindi na ito nagbalik simula ng ito ay magpasyang umalis upang puntahan ang kanyang Ama. Mahigpit siyang tumutol sa pag Alis nito ngunit hindi niya ito napigilan, ayaw nito magpapigil dahil sa pag aalala sa Papa niyang may sakit at nalalabi nalang ang buhay.
May nakapagsabi kasi rito na nabibilang nalang ang buhay ng Papa ni Eula at gusto siyang makita. Matapos nila magtanan nito ay hindi na nito nagawa pang umuwi at bumalik sa kanila dahil sa kapwa nila Mahal na Mahal ang isa’t isa. Mahigpit na tutol ang Papa nito sa relasyon nilang dalawa dahil sa pagkakaalam nito sa kanyang katayuan sa buhay. Tutol ito sa relasyon nila ni Eula dahil sa pagkakaalam na isang irdinaryo lalake ang mapapangasawa at minamahal ng anak, hindi sa natatakot itong makapag asawa ang anak.
Wala itong pakialam kahit sino pa ang gustuhin ni Eula at mahalin, subalit ang gusto nito ay gaya nitong may pera at nakaaangat sa buhay upang masigurado ang kinabukasan ng anak. Ayaw niyang maghirap ito ng gaya ng iba lalo kung ito ay galing sa mayamang pamilya. Kaya nais rin nito maipakasal si Eula sa galing sa mayaman ring pamilya. Kahit mahigpit na tumutol ito ng mapagsino ang lalakeng ginugusto ng kanyang minamahal na si Eula.
Dahil sa kagustuhan mapaghiwalay sila sinikap nitong mailayo si Eula sa kanya, gumawa ito ng paraan upang mangyari ang gusto nito. Nakaplano umalis palipad ng America si Eula subalit bago pa nangyari lahat ay lihim itong tumakas paalis ng Rancho at sumama sa kanya.
Kakaiba si Eula sa lahat kaya madaling nahulog at napalagayan niya ng loob ito. Minahal niya si Eula hindi dahil galing sa mayamang angkan kundi dahil sa simpleng mga pangarap nito.
Gusto ni Eula ang simpleng pamumuhay sa simpleng lalake na hindi galing sa mayamang angkan.
Gusto niya ng simpleng pamumuhay sa lalakeng mamahalin niya at sasamahan siya sa simpleng buhay na gusto niya.
Gusto niya ng simpleng pamumuhay sa simpleng pamamaraan niya ng hindi aasa sa yaman ng Papa niya o sa yaman ng iba. Basta gusto niya ng simple dahil nasasakal na raw siya sa buhay na meron siya dahil bata pa lang, maraming siyang simple na hindi magawa o maranasan man lang.
Gaya nalang ng makipaglaro sa kapwa bata, makihalubilo sa iba o kumain ng mga pagkain na hindi niya natitikman ng gaya ng iba. Mayaman man si Eula pero ang puso nito ay para isang mahirap, hindi mahirap kuhanin at mahalin subalit napakasarap niyang mahalin dahil kaya nitong makibagay sa mga simpleng tao na may simpleng pangarap.
Kaya nga napagpasyahan ni Apollo na ibagay ang sarili sa babaeng minamahal. Marami pang hindi alam si Eula sa tunay niyang pagkatao, dahil natatakot siyang hindi magustuhan nito dahil sa tunay niyang pagkatao. Mahal na Mahal niya si Eula kaya nagawang magsinungaling rito, dahil sa mga simpleng pangarap ng minamahal kahit mahirap ay ginawa niyang iwan at takbuhan ang buhay na pinagmulan. Mahirap sa umpisa subalit naging masaya sila ni Eula sa mga taong nagkasama sila, ngunit dahil sa isang pangyayari ng dahil sa balitang natanggap na may sakit ang Ama hindi ito naging madali sa babaeng Mahal.
Dinibdib ni Eula ang pagkakasakit ng Ama. Sinisi nito ang sarili sa pag aakala na siya ang dahilan.