CHAPTER 2

1536 Words
Ex-convict "Miss, nandito na tayo..."  Naalimpungatan ako nang kalibitin ako ng driver ng taxi. Hindi ko namalayan ang pagkatulog sa buong biyahe. Mabilis kong kinalat ang mga mata sa lugar ng pinaghintuan niya. Agad naman akong nagbayad rito nang makumpirma ang landmark na sinabi sa'kin ni Ella. Si Ella ang nag-alok sa'kin tungkol sa kanyang matalik na kaibigan kung saan ako maaaring makituloy ng pansamantala rito, habang naghahanap ng trabaho. Batid naman kasi niyang wala akong mauuwiang pamilya. Masakit man isipin, pero no'ng araw na hatulan ako ng judge sa pagkakasalang hindi ko naman ginawa ay ang araw na itinakwil ako ng aking sariling pamilya. Maraming pasko at bagong taon ang nagdaan, pero miski hibla ng mga anino nila, hindi ko nakita. Hindi sila nagtangkang magpakita o dumalaw man lang. Kahit ilang beses akong nagmakaawa sa kanila sa telepono para sa aking anak ay hindi parin nila ako pinakinggan. Sobrang tigas nila sa sarili nilang anak.  Tinalon ko ang putik sa aking madadaanan, sanhi marahil iyon ng mahabang pag-ulan. Lubak na ang parteng iyon at siguradong kapag hindi agad iyon napansin ay lulubog ang sinomang magkamali ng tapak. Ilang metro pa ang nilakad ko upang mahanap ang eksaktong kinalulugaran ng kaibigan ni Ella. Nagtanong tanong lamang ako sa mga nagdaraanang tao at agad naman ko iyong natunton. May kalakihan rin na tattoo shop ang aking nahanap. Matayog ang pagkakapaskil ng karatula ng shop sa itaas niyon. May maliit rin na lightbulb na nakapalibot roon, nagsisilbi siguro iyong pailaw sa karatula tuwing gabi.  Nasa highway lamang iyon at nadadaanan ng tao ang studio type na tatto shop. Labas pa lamang ay may ideya na akong hardcore ang magiging loob niyon. Tumunog ang chime sa glass door nang buksan ko iyon. At nang tuluyang makapasok ay agad naglingunan ang mga naroon sa direksyon ko. Pulos kalalakihan ang nasa loob ng shop. Mga barako at tintado ng mga tattoo. Kapwa may mga hawak na vape ang mga ito. They are all curious while looking at me. Sinuri ko ang kabuuan ng lugar. Agaw pansin sa akin ang kulay itim na coffin shelves na naglalaman ng maliit at malaki na figurines-mga anghel iyon na kulay itim. Bote ng alak, bungo at itim na bibliya. Industrial ang tema nito. Kung sino man ang mag disenyo nito ay siguradong bawat detalye niyon ang may kahulugan sa may-ari "Hi. Pa-tats ka o piercing?" lumapit sa'kin ang isang lalaking naka poloshirt na may tatak ng ngalan ng tattoo shop.  Mabilis akong umiling sa kanya. "Hindi. May hinahanap lang akong tao..." at saka ko inalala ang pangalan ng kaibigan ni Ella. "May kilala ka bang Sidney, dito siya nagtatrabaho."  “Si Sid ba ang tinutukoy mo? Nasa workstation siya ngayon may cliente lang pero patapos na 'yon. Wait, baka nga tapos na 'yon. Check ko lang." Pinuntahan nga niya si Sidney sa workstation. Saglit lamang ay bumalik ang lalaki at may kasunod na siyang babaeng gupit panlalaki ang buhok.  Tadtad ng piercing ang kilay at tainga ng babae. May hubog ang katawan na bumagay sa malaking dibdib niya. May tattoo siya sa kanyang braso at isa iyong zodiac sign. Gayuman, hindi nabawasan ang ganda niya kahit malayo sa tipikal na babae ang itsura niya. Maangas at tipong walang inaatrasan ang nababasa ko sa kanya. Siya na marahil ang tinutukoy ni Ella na matalik na kaibigan.  "Hi, ako nga pala si Novah, iyong kasama ni Ella sa..." pagpapakilala ko ngunit nag-alangan ako sandali kung itutuloy ko ba na sabihin rito ang parteng nanggaling ako sa kulungan.  "Oo... nasabi na sa'kin ni Ella ang lahat." Aniya na animo'y naintindihan niya ang nais ko iparating. Ngumiti ako nang tanggapin niya ang paglahad ko ng kamay. Mabilis niya akong inakbayan at dinala sa sulok at umupo sa isang black leather sofa.  “Hindi ko alam na ngayon pala ang paglaya mo, edi sana nasundo kita sa correctional.” Mahina niyang bulong sa'kin.  “Pasensya na kung hindi ka nasabihan ni Ella.” Paumanhin ko. Marahan niyang hinampas ang balikat ko. “Naku, wala iyon. Kaibigan ni Ella tropa ko na rin. Kahit nga siguro mag tropa ng satanas ang babaeng iyon, totropahin ko pa rin. Kilala kasi ako ng nun, hindi kasi ako fan ng mga taong mapanghusga.”  Malawak ang ngiti ng pagtanggap na ipinapakita niya sakin. Gumaan ang pakiramdam ko. Her fiercily look does not match to her attitude. Sobrang warm niya at friendly.  “Maraming salamat talaga at pumayag kang patuluyin ako sa bahay niyo kahit na alam mong, hindi maganda ang background ko.” Ani ko. Sobrang abala talaga ang makituloy sa isang tao lalo na't isang common friend lang ang naguugnay sa inyo. Pero dahil sa magaan siyang kausap, nabawasan ang alalahanin kong iyon.  “Marunong akong bumasa ng tao. Unang tingin ko palang alam ko na kung anong klaseng nilalang sila. Sa ating dalawa, baka ako pa ang pagkamalang ex convict dahil sobrang ganda mo girl. Hindi mo ba nakikita ang pagtulo ng mga rabbies ng mga lalaki rito kakasulyap sayo. How to be you po?”  Ang lakas ng tawa niya nang makitang bahagya akong nahiya sa mga sinabi niya. Pakiramdam ko tuloy nasa tabi ko parin si Ella dahil pareho sila ng awra. Inalok niya ako ng pagkain pero tumanggi ako at sinabing mamaya nalang. Naputol lang ang paguusap namin nang tumunog ang chimes senyales ng pagbukas ng glass door. Nakita kong napatayo si Sidney sa lalaking pumasok. “Ayan ang boss ko, mukhang mainit ang ulo.”  Tiningnan ko ang sinasabi niyang amo. The man was serious with a hint of irritation base on his forehead, ilang tupi kasi ang pagkakakunot niyon. Mainit nga ang ulo dahil pabalibag niyang binato sa recklining chair ang denim jacket. Tanaw na tanaw ko ngayon ang tatto na lumitaw sa kanyang clavicle. Humahawi ang telang tumatakip roon dahilan upang masilayan ko iyon.  Maangas at tipong walang inaatrasan na laban ang nababasa ko sa kanya. Kulang na lamang ng kalasag at sandata upang maging ganap na mandirigma ng unang panahon.  Maalon ang kanyang buhok at sadya ang pagkakalat niyon. Makapal ang kilay na sumakto sa mapungay nitong mga mata. Mahaba rin ang kanyang eyelashes. Sobrang tangos ng ilong, lihitimong aristokrato. Hugis pusong mga labi at parang marami ng nakaangkin niyon sa paraan ng pagkibot nito.  “Boss Ravi, anong balita? Pinayagan ba tayong maka renew ng business permit ang bayaw mo?” tanong ni Sidney rito. “No. Hindi siya pumayag at ginigipit ako.” Bugnot nitong tugon. “f**k that man! Power tripping ang isang iyon. Ginagamit ang katungkulan para gipitin ako! Hindi niya gustong ma-renew ang permit ng shop. And he has guts to questioned my capability of running a business.” Naihilamos niya ang mukha gawa ng frustration.  “Boss naman! Gawan mo ng paraan, ayokong magsara ang shop. Pakiusapan mo ng mabuti ang mayor.” Mukhang frustrated din si Sidney sa narinig.  “He already made a decision. Mahirap kausap ang bayaw ko.” Nababanas na turan ng lalaki. “Baka, mabugbog ko lang siya kapag uminit ang ulo ko.” Napakagat sa kuko si Sidney. “Paano na ito? May ipapasok pa naman akong kaibigan na magiging muse ng shop mo boss.” “Muse? Bakit mo naman naisip na kailangan natin sa shop ng muse? And who is that girl?” nag-angat ng tingin ang lalaki kay Sidney pagkatapos ay bumaling sa'kin. “Siya ba 'yon?” He is seriously eyeing me from head to toe. Kumbaga sa microscope isang akong species na dapat suriin. Matangkad ako pero nakapanliliit ang panunuri niya sa aking presensya. Pinutol ni Sidney ang titig ng kanyang boss nang pumagitna siya sa amin. “Teka lang boss, wag mo munang papakin sa tingin itong kaibigan ko. Baka may sideline ka namang pwedeng ibigay sa kanya.”  Hindi ko napigilang hawakan ang kamay ni Sidney. I know na para sa akin naman ang ginagawa niyang tulong pero di ata't nakakahiya na ng sobra. Una, makikituloy na ako sa kanya. Pangalawa, siya pa ang kumakausap sa kanyang boss na bigyan ako ng trabaho. Nakakahiya na talaga. Baka lumabas na sinasamantala ko ang kabaitan niya. Pero alam ko rin naman na kung magiinarte ako ay walang akong magandang trabaho na makukuha dahil sa isa lamang akong hamak na ex-convict. Maraming matatakot sakin at magpapaulan ng kanilang masasakit na kritisismo. Nariyan ang kwekwestiyunin ka kung ano bang klaseng kakayahan ang mayroon ka. Wala ka pa man nagagawa, tinuldukan na nila sa kung hanggang saan ka lang dapat nararapat. “What's her name?”  “Novah boss,” maagap na sagot ni Sidney sa amo niya.  “What exactly the position do you like?” sa wakas ay tanong sa akin ni Ravi habang mataman akong tinitingnan. Swabe niyang pinaglaruan ang baba niya ng kanyang daliri. Kinagat nitong bahagya ang labi na parang sinasadyang ipakita iyon. Napaiwas ako ng tingin.  “K-kahit ano'ng posisyon, willing akong applyan.” sagot ko naman.  Ngumisi naman ito na parang may nakakatawa akong nasabi. “Talaga? Kahit anong posisyon gagawin mo?”  Naguguluhan man sa tono nito ay tumango pa rin ako. I just really need a job to earn a money. Kailangan ko makaipon para sa anak ko. Para mahanap ko siya at mabawi. Walang lugar ang pagiging mahiyain sa mundong malupit.  Lumakas ang tawa niya na nag echo sa loob ng shop. Napatingin rito ang mga nasa loob ng naturang lugar. Naglaho ang iritasyon sa mukha niya kanina lang.  Tiningnan ko si Sidney na kapwa ko rin ay nagtataka sa inasta ng amo niya. Pagkalipas ng saglit ay tumalikod ito at dumeretso sa isang pinto. Subalit bago siya pumasok roon ay lumingon muna siya sa akin.  “Tomorrow is your first day! So, don't be late!”  Ang lakas ng tili ni Sidney sa tabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD