CHAPTER 1

1129 Words
"Mamimiss ka namin..." Sabay sabay na pahayag sakin ng aking tatlong kaibigan na sina Ella, Badang at Connie. Napangiti ako at tila maiiyak narin dahil para ko ng mga kapatid ang tatlong ito. Isa sila sa mga mahahalagang tao na nagpapalakas sa akin para ipagpatuloy pa ang buhay. Kung wala sila, lalabanan ko lamang ng mag-isa at miserable ang lahat.  Kinuha ko sa aking duffel bag ang kanina pa nakahanda na tatlong panyo. Binuradahan ko pa ito ng kanilang mga pangalan upang iregalo sa kanila ngayong aalis na ako rito... sa kulungan. Senyales ng nabuong pagkakaibigan rito sa lugar ng mga totoong kriminal at mga napagbintagan.  Inabot ko iyon sa kanila, bawat isa. "Regalo ko 'yan sa inyo." Tinanggap naman nila iyon. "Ikaw talaga Novah, sa lahat ng regalo panyo pa talaga ang naisip mo. Para ano? Para may sasalo sa luha namin kapag lumaya ka na rito sa correctional?" ma-dramang pahayag ni Connie bago ako niyakap ng mahigpit at nagpasalamat. Ganun rin ang ginawa ni Ella at Badang. Ngayon pa lamang, namimiss ko na sila. "Mag-iingat ka sa labas. Tandaan mo, wag na wag kang magkakamaling bumalik rito." Paalala ni Badang. Sa kanilang tatlo, ito ang bihirang magsalita pero sa loob ng minsang iyon ay may makukuha kang mga aral at payo. Tumango ako sa kanya at ngumiti.  Napabuntong hininga naman ako sapagkat nagsimula ng mag iyakan ang tatlo. Bago pa ako mahawa sa kanilang pag-iyak ay inilibot ko nalang ang aking mata sa apat na sulok ng selda sa huling pagkakataon. Mariin kong tinandaan ang bawat detalye ng lugar na pinalagian ko sa loob ng sampung taon. Ang lugar kung saan nagturo sa akin kung paano maging malakas at matapang kahit gaano ka man bagyuhin ng tadhana. Kung saan nagbigay sa akin ng motibasyon upang makatagal rito sa mahabang panahon ng pagkapiit. Kung saan pinatibay ako ng matitinding poot at galit. Ang mga iyon ang pinanghawakan ko sa masalimuot na mundong kinasadlakan. At gagawing sandata sa aking pagbangon. Tumalikod ako kina Connie nang may tumulong patak ng luha sa aking pisngi. Ayokong makita nilang umiiyak ako at nag- dadrama. Hindi ito ang tamang oras. Nakarinig kami ng yabag ng mga sapatos patungo rito sa aming selda. Ito na ang hudyat ng aking mga huling sandali na pananatili. Agad kaming nagsilingunan nang tumunog ang pagbukas ng pinto.  Bumungad sa amin ang isa sa mga babaeng warden. "Calleja, ihanda mo na ang mga gamit mo dahil makakalaya ka na."  Tumango ako rito bilang pagtugon.  Malungkot akong tumingin sa aking tatlong kaibigan. "Paano ba 'yan, aalis na ako. Hanggang sa huli, nating pagkikita..." binigyan ko sila ng huling yakap bago ako tuluyang lumabas ng selda.  Muli pa akong lumingon sa kanila, pagkaway ng pamamaalam nila akong sinuklian. I will surely missed them. Bagamat gano'n ang nararamdaman ko hindi naman ako maaring manatili dito sa correctional ng habang panahon. Ang totoong laban ay nasa labas ng lugar at wala rito.  Lumiko ang warden na sinusundan ko bago pumasok sa isang opisina.  "Bago ka umalis ng tuluyan dito ay gusto ka munang makausap ng director." Turan sakin ni warden sa may pinto pagkatapos ay ngumiti.  "Wala hong problema sa akin warden, may dapat din po akong itanong sa kanya." Ani ko. Nagtanguan kami at tuloy tuloy akong pumasok sa opisina ng director. Simpleng istilo ng opisina ang aking napasukan. "Magandang umaga, Novah." Panimulang bati ng director. Nakangiti at halatang natutuwa siyang makita ako ngayon. Matanda na ito at mabait. Isa siya sa mga tumulong rin sa'kin no'ng nga panahon na wala akong mahingian ng tulong sa loob ng kulungan. Siya ang nilapitan ko no'ng wala na akong masilayang pag-asa. Utang ko sa kanya ang lahat. She's like my fairy godmother without a wand.  "Sa inyo rin ho, director..."   Iminuwestra niyang paupuin ako sa bakanteng upuan. I sitted in there properly.  "Gusto niyo raw ako makausap." Pormal ko'ng panimula. Tumango siya at malawak na ngumiti pa. "Yes, yes. Gusto ko ako mismo ang makakita sa'yong paglaya. At gusto ko rin paalalahanan ka sa mga hindi mo dapat gawin sa labas ng correctional..." malamlam ang kanyang mga matang pinagmasdan ako."Iha, kailangan mo tandaan na parol ang dahilan ng iyong paglaya. Hanggat maari ay umiwas ka sa gulo. Hindi mo naman siguro gugustuhin bumalik pa rito." "Naiintindihan ko ho, director. Hinding hindi ako papasok sa gulo. Mas lalong hinding hindi na rin ako babalik pa rito." Nobody wants to go back in this miserable place.  Malapad ang iginawad ni director sa aking sinabi. Mukhang napanatag naman siya sa aking pahayag. "Aasahan ko yan, Novah. Marami ka ng pinagdaanan dito at ayoko ng maulit pa iyon." Aniya.  May gusto akong itanong sa kanya ngunit nagdadalawang isip ako kung dapat ko nga ba na itanong pa iyon rito. Isa iyong kasunduan na dapat hindi ko na halukayin pa'ng muli ngunit parte iyon ng aking pagkatao. Kahit gaano ko man kalimutan iyon, hindi maari dahil kahit kailan hindi makakalimutan ang ganung bagay. Pero dapat pa nga ba Novah? Dapat mo pa nga bang hanapin iyon at guluhin kung saan iyon mismo ang desisyon mo nung mga sandaling kailangan mo mamili, kung buhay ba o sarili mo. Napakurap ako sa aking sariling tanong. Sa tuwing naiisip ko ang mga alaalang iyon, magbibigay iyon ng sobrang pait sa puso ko. "May sasabihin ka pa ba iha?" untag sa akin ng director.  "Wala na ho..." umiling ko at saka ngumiti.  "Kung gano'n, maligayang paglaya sayo, Novah."  Nagpalakpakan ang warden at ang director habang nakangiti sa akin. Hanggang sa paglabas ko sa main gate ng correctional ay lubos pa nila akong sinamahan. Naramdaman ko kaagad ang natural na pag-ihip ng hangin at ang alilabok ng lansangan. Kaysarap niyon sa pakiramdam.  "Hanggang dito nalang ho..." humarap ako kay director at sa warden. "Maraming salamat po." Bitbit ko ang bag na nakasabit sa aking kaliwang balikat. Hawak ko naman ang isa pa'ng bagahe sa'king kabilang kamay. Maluha luha akong tiningnan ni director.  "Mag-iingat ka, Novah. Mas may pangil na ngayon ang mundo sa iyong tuluyang paglabas rito." Hinawakan niya ang aking balikat at marahang hinaplos iyon bago inilahad sa akin ang isang pamilyar na damit na may burda, at ako mismo nagburda niyon. May kung anong saya sa loob ko ang lumukob. "D-director..." garalgal ko'ng usal rito. Hindi ako makapaniwalang itinabi niya ito ng mahabang panahon. Nag-umpisang mamasa ang gilid ng aking mata. Mainit iyon at mahirap pigilan. Malungkot siyang tumango sa akin. "Tama ka. Sa kanya iyan. Patawarin mo ako kung hanggang diyan lang ang kaya ko'ng ibigay sayo. Alam mo naman ang kasunduan natin."  Sunod sunod akong tumango habang lumalandas ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Niyakap ko ang kapirasong tela na iyon at inilapit sa aking pisngi. As if it was her.  Na parang siya ang nasa aking bisig. Kasabay ng luhang rumaragasa sa aking mata ay ang pakikiramay ng kalangitan. Masaganang ulan ang sumalubong sa aking paglaya.  Tumingala ako at madamdaming dinama ang patak ng ulan. "Hahanapin kita, hintayin mo ako. Hahanapin kita... anak ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD