MAAGA raw umalis sina Zeke para mangisda. Marami namang pagkain sa bahay pero mas pinili niya, kasama sina Miles, ang mangisda. Nakahalukipkip ako habang nakatanaw sa magandang karagatan. Hindi naman din maipagkakaila na ang ganda ng islang ito. Parang nakakapanghinayang na piling tao lamang ang nakakakita ng tanawin dito. Nakita ko na ang may kalakihang yate na ginamit nila sa pangingisda. Napanguso ako habang pinagmamasdan sina Zeke. Ang sosyal naman nilang mangisda, nakayate pa. Lumapit ako sa kanila. Kailangan kong makausap si Zeke upang malaman kung kailan niya ba ako iuuwi. Nang mamataan ako nina Miles at Russell ay agad silang lumayo kay Zeke. Magalang silang nagpaalam kay Zeke at binati naman ako bago pumasok sa loob ng bahay kasama ang ilan pa nilang tauhan. Zeke is waiting f