KABANATA 56

2172 Words

MABILIS akong tumakbo papalapit kay Entice. Halos madapa pa ako dahil sa pagmamadali ko. Nang makalapit ako sa kanya, pinagmasdan ko siyang mabuti. “I-Ikaw si Entice, tama?” Iniisip na baka nililinlang ng sariling mga mata ay itinanong ko iyon sa kanya. Marahang natawa si Entice bago tumango. “Akong-ako, Ate.” Walang sabi-sabi kong niyakap si Entice. Natawa pa siya dahil napahiga siya sa kama niya dahil sa yakap ko. Naiiyak naman ako nang maramdaman ko ang pamilyar na bango at init ng katawan ng kapatid ko. She’s alive! She’s not dead! Paulit-ulit iyon sa aking isipan. Naguguluhan pa dahil alam ko na nakita ko ang katawan ni Entice noon na hinihila sa ilog at walang buhay. “Ate, hindi ako makahinga.” Doon lamang ako kumalas sa yakap. Tinawanan ako ni Entice sandali bago ngumiti. “

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD