MABILIS kong nilapitan si Zeke upang pigilan siya ngunit hindi niya ako nakikita. Ang kanyang buong atensyon ay nakatuon lamang kay Claude. Hinawakan ng dalawang tauhan ni Zeke si Claude at sapilitan itong itinayo. Kumawala si Zeke sa akin at mabilis na nilapitan si Claude upang suntukin na naman. “Zeke!” He didn’t hear me. Tumingin ako kina Miles na pinapanood lamang ang ginagawa ni Zeke. Nang mapansin ni Miles ang paninitig ko sa kanya ay tipid niya lamang akong tinanguan. Lumapit ako sa kanya at tinuro si Zeke na baka mapatay na si Claude. “Miles, patigilin mo si Zeke!” sabi ko sa kanya. Iniisip ko na kung kaming dalawa, baka may magawa kami para pigilan si Zeke. “I can’t do that, Ma’am. I was the one who called Sir Zeke. Alam kong ganito ang sasapitin ng lalaki. Neither of us ca