“Y-YOU LOVE ME?” Hindi pa rin ako makapaniwala sa aking narinig. Panaginip ba ito o naririnig ko lamang ang gusto kong marinig kahit mukhang imposible iyon. Mahal ako ni Zeke? “I love you, Eula,” pag-uulit niya sa sinabi niya kanina. My heart pumped so much blood, na noong una akala ko aatakihin ako sa puso or magpa-palpitate ako dahil sa bilis ng kabog ng dibdib ko. “Is that a joke?” Kinukumbinsi ko ang sarili na maniwala sa sinasabi niya pero may parte sa akin na nire-reject ang ideya na totoo nga itong nangyayari. Bumuntong-hininga si Zeke. “Do I look like someone who knows how to joke?” Nanginig ang labi ko nang mapagtanto ngang hindi siya nagbibiro. Para pa rin akong nanaginip pero kahit papaano ay natatanggap ko nang totoo ang sinasabi niya. Mahal niya ako! Mahal ako ni Zeke!