Mahapding-mahapdi ang mga mata ko nang pilitin kong buksan ang mga iyon. "I---ivory..." Mahina at paos na boses ang nanggaling sa aking lalamunang mahapdi rin. "I--Ivo--ry..." Pag-uulit kong tawag. Ikinapa ko pa ang aking kamay sa aking kinahihigaan. Matigas, malamig ang aking naramdaman. Nang tuluyan nang luminaw ang aking paningin ay napagtanto ko na nakahiga pala ako sa sahig. Kaya pala nananakit ang aking braso at binti na magdamag na sumalo sa aking bigat. My heart clenched painfully when I realized na hindi panaginip lang ang nangyari kagabi. My swollen face, eyes, nose and lips are evidences that I cried my self to sleep last night when he left me all alone here inside his room. I slowly sat up, bitting my lip as my muscles refused to cooperate. I have to struggle hard para lang