"Damn." I muttered as I opened my eyes. Antok na antok pa ako pero nanhahapdi na ang tyan ko dahil sa gutom. Pilit akong bumangon kahit ambigat-bigat ng katawan ko. Ewan ko ba. These past few days, nag-iba na ang timplada ng katawan ko. Lagi akong nahihilo, nasusuka at nanghihina. Lagi akong tinatamad. Lagi din akong nagugutom at inaantok. Iniinom ko naman yung mga binigay na gamot ni Dr. Sanchez pero ganun pa rin. Wala pa ring pagbabago. Lumalala na kaya ang sakit ko? Dapat na ba akong magpaopera para hindi na ako pahirapan pa ng gall stones ko? If worse comes to worst, then mapipilitan talaga akong mahiga sa operating table. Ayoko namang mamatay dahil sa gall stones ko. Nag-unat-unat muna ako ng katawan bago ako tuluyang bumangon. Ano ba naman itong nangyayari sa akin? Hindi ko na tulo