"Bakit kanina ka pa na ganyang makatingin?" Paninita ko kay Jurace pagkatapos ng aming dinner. Nasa sala na kami at pinababa ang kinain namin. Nag-uusap ang magkapatid ngunit hindi ko na napigilan ang sumingit. Paano kasi mula nang malabasan namin sila na naghahanda ng mesa, iba na yung tingin na ibinabato nya sa akin. Yung bang tila nanunukso na nang-aasar. Parang pinagtatawanan pa nya ako. Nakakaconcious na nakakairita. Kahit nung kumakain kami ay kitang-kita ko na nagpipigil sya ng tawa sa kung anumang pinagtatawanan nya. "Wala lang." Pakanta nyang sagot na lalong nagpaaburido sa akin. "Kanina ka pa eh. Nakakairita na. You're still f*****g weird. May gusto ka bang sabihin? Bakit di mo pa sabihin?" Singhal ko sa kanya. Ansarap nyang sakalin! "I just want to sing you a song, bansot. Re