Parang may kung anong hayop sa loob ng dibdib ko na gustong makawala. Puso ko ba iyon? Sa sobrang bilis at lakas ng bawat t***k ng puso ko, parang anumang sandali ay lalabas na iyon sa dibdib ko dahil sa kaba, takot at antisipasyon. Kaninang ihinatid ko siya sa loob ng kuwarto, iba 'yung aura niya. Mabibigat din ang bawat paghinga niya na tila ba hinuhugot pa niya ang mga iyon sa kailaliman ng katawan niya. Nakakanerbiyos lalo na at binanggit niya kaninang kumakain kami ang tungkol kay Kat. Alam ko kung paano magalit si Ivory. Alam ko kung paano siya magselos. At basang-basa ko siya kanina. Nagagalit at nagseselos siya kay Katrina. Kaya ako natatakot nang ganito. Alam ko nang paparusahan niya ako. Noon tuwing pinaparusahan niya ako, I always end up throbbing, sore and passed out. Ganun din