Chapter 2: Robby

2338 Words
"I'm really sorry, Kat..." Pak! Isang sampal ulit ang ipinadapo ni Katrina sa mukha ko. Nakakamanhid ang sakit ng pagtama ng palad niya sa pisngi ko. "Damn you, Robby! Sinadya mo ba na narito tayo sa bahay n'yo para ipangalandakan sa akin na may iba ka na, ha?! Sa tingin mo ba, porke andito tayo sa bahay n'yo ngayon ay hindi na kita aawayin?! Ang kapal ng mukha mo! Para sabihin ko sa'yo, kahit sa harap pa ng mga magulang mo, sasaktan kita kung kailan ko gusto! How dare you cheat on me?! Now, I want you to f*****g tell me... Who the f**k is Ivory?!" galit na galit na singhal sa akin ni Katrina. I swallowed the lump on my throat. How can I tell her who Ivory is kung hanggang ngayon ay shocked pa rin ako sa lahat ng nangyayari? We were sleeping when I just woke up na pinagsasasampal niya na ako! When I asked her why, she angrily told me na nananaginip daw ako. I was calling a certain 'Ivory'. Hindi ako agad nakasagot dahil talagang napanaginipan ko si Ivory kanina. Galit na galit siya dahil halos inuungol ko raw ang pangalang iyon as if I were making love with 'her' in my dreams. Hindi ako agad nakasagot that's why she jumped into the conclusion that I was cheating on her with a 'girl' named Ivory. And now, she's forcing me to tell her about that 'girl'. Well, f**k! Paano ko sasabihin sa kanya na wala akong kinakalantari na babae na Ivory ang pangalan?! Paano ko sasabihin sa kanya na 'yung inaakala niyang babae ay isang lalaki?! I can't tell her! "What? What?! Hindi ka makapagsalita?! Kaya ba nitong nakaraang buwan ay nanlalamig ka na sa akin?! Yang Ivory na 'yan ba ang dahilan kaya nagbago ka na?! Kaya mo ba ako dinala rito sa inyo ay para tuluyan nang makipag-break sa akin?! Ha?! Magsalita ka!" Isang sampal pa ulit ang ipinakitim niya sa akin. "No! Katrina, wala akong babae!" pagpipigil ko sa kanya nang muli na naman niya sana akong sasampalin. Nangangapal na ang mga pisngi ko dahil sa mga sampal na tinamo ko mula sa kanya. "Then tell me who the f**k Ivory is!" She screamed at me. Napipilan ako. Lalo naman siyang nagwala dahil nakita niyang wala akong balak sumagot. Nagsimula siyang mambato ng mga gamit na nasa loob ng kuwarto ko. Picture frames, books, kahit ang lampshade ay hindi niya pinatawad. Ipinagbabato niya iyon sa direksyon ko. Wala naman akong nagawa kundi ang umiwas. Alam ko na lubos niyang ikinagagalit ang hindi ko pag-amin sa kanya kung sino si Ivory pero hindi ko inaasahan na ganito siya kabayolenteng magalit. Ivory was harsh but he wasn't this violent with me. Hindi ako nakatikim ni isang sampal sa mukha mula sa kanya kahit paulanan ko siya ng mura noon. "Robby! Ano ang nangyayari sa inyo dyan sa loob?" Napamura ako nang marinig ko ang boses ni Mommy. Maging si Katrina ay napatigil sa kanyang pagwawala. Matatalim ang mga mata niyang nakatutok sa akin habang kinukuha niya ang mga gamit niya. Nagbihis siya sa harap ko habang patuloy ang mga magulang ko sa pagkatok sa pinto ng kuwarto ko. "Before I'll leave, I just want to tell you that I'm f*****g breaking up with you!" She seethed. Ewan ko pero nakahinga pa ako nang maluwag dahil sa sinabi niya. "I'm so sorry, Kat." Nakayukong sabi ko sa kanya. "Bullshit! 'Yan na lang ba ang paulit-ulit na sasabihin mo ha, Robby?! I'm f*****g breaking up with you! Hindi mo ba ako pipigilan, ha?! And I thought you can't live without me! You know what? f**k you and that Ivory! And you'll gonna regret cheating on me, Robby! You'll gonna f*****g regret this!" She threatened as she walked towards the door. Padabog niyang binuksan ang pinto. Saglit silang nagkatinginan ng mga magulang ko bago siya dire-diretsong umalis. Napatingin ako sa bintana. Medyo maliwanag sa labas kaya alam ko na makakaalis agad si Katrina kahit wala ako since we used her car sa pagpunta rito sa family house namin. Bumaling ako ng tingin sa mga magulang ko na nakapasok na sa pinto at iginagala ang tingin sa magulong kuwarto ko. "What happened here, Robby?" seryosong tanong ni Daddy sa akin. Lumapit naman sa akin si Mommy para pag-aralan ang mukha kong namamaga dahil sa mga sampal ni Katrina. Nang haplusin niya ang mga 'yun ay hindi ko na mapigilan pa ang mapaluha. Damn! Nakakahiya sa mga magulang ko. I'm not crying because my face is in pain nor because my girl friend broke up with me. Naiiyak ako dahil ngayon ko lang napakawalan ang damdaming matagal ko nang itinatago. Ang kagustuhang makawala sa isang relasyon na hindi na ako masaya. Masakit pala talaga ang kapalit ng kalayaan. "Are you crying because your girlfriend broke up with you, anak? What happened? I thought she's the perfect girl for you?" Mom innocently asked. Napapahiya akong nagpunas ng mukha. Umupo ako sa gilid ng magulong kama. Agad naman siyang tumabi sa akin. Naglakad naman at nagpunta sa harap namin si Daddy. "Mom, we're just not meant for each other," nakayuko ang ulo na sabi ko kay Mommy. "May kinalaman ba si Ivory sa away nyo ng girlfriend mo, Robby? Narinig ko na isinigaw ni Katrina ang pangalan nya kanina," seryosong sabi ni Dad. "D-dad..." halos mabulol kong sambit. Biglang nanikip ang dibdib ko. Gusto kong ilabas sa mga magulang ko ang gumugulo sa utak at damdamin ko. Gusto kong umamin sa kanila ng namagitan sa amin ni Ivory noong nag-aaral pa ako sa Martenei pero hindi ko alam kung paano. Wala silang alam tungkol sa naging relasyon namin ni Ivory. When Ivory proposed and I rejected it, hindi sila nagtanong. That made me curious but I never took any chance to explain to them why he proposed. I never initiated any talk with them about Ivory and I sa takot na bumaba ang tingin sa akin ng mga magulang ko, sa takot na hindi nila ako matanggap at sa takot na itakwil nila ako kapag nalaman nila na pumayag akong makipagrelasyon sa kapwa ko lalaki. Kaya ngayon, hindi ko alam kung paano magsisimula sa pag-amin nun sa kanila. Baka magalit sila sa akin at kalimutang parte ako ng aming pamilya. I've heard a lot of stories about rejection. And that's what I fear the most aside from blood - to be rejected. "Ano ang kinalaman ni Ivory sa break up n'yo ni Katrina, Robby? You need to tell us. Tama na ang pagsasarili mo ng lahat." Napatingin ako kay Dad dahil sa sinabi niya. Nahalata na ba niya? Nababasa niya ba ang takot ko na umamin? "I'm your father, Rob. Alam ko kung may gumugulo sa utak mo. Ngayon, bibigyan kita ng chance para magpaliwanag. Hinayaan lang kita noon dahil inakala ko na hindi ka pa handa na sabihin ang lahat. Pero ngayon, kailangan mo na ang magsalita dahil hindi lang ang relasyon mo kay Katrina ang naaapektuhan kundi pati na rin ang pamamalakad mo sa negosyo." Tumigas ang boses ni Daddy. Napahiya akong nag-iwas ng tingin. Tama siya. Napapabayaan ko na talaga pati ang negosyo namin. Paano ako makakapag-concentrate kung tanging si Ivory lang ang laman ng isip ko? Paano ako makakapag-isip nang matino kung lagi kong nararamdaman ang guilt sa nangyari sa kanya? Pagkatapos, hinahanap-hanap ko pa siya. Kulang ang pagtitig na ginagawa ko sa mga larawan ng 7 Demons kung saan magkasama kaming dalawa para mapunan ang pananabik ko. Damn! I want to see him. Gusto kong malaman kung kumusta na siya. Pero paano ko malalaman kung ano na ang nangyayari sa kanya kung wala akong mapagtanungan? Ni sa social media, hindi ko siya matagpuan. At dahil doon, lalo akong nanabik na pati sa panaginip ay dala ko ang mga alaala naming dalawa. Halos hindi ko na maisip at mapagtuunan ng pansin ang mga nasa paligid ko. And people around me are smart and sensitive not to notice my sudden change. "Dad, I... I think I'm in love with Ivory." Pumikit ako nang mariin waiting for them to scream at me like how Katrina did. But nothing came. So I opened my eyes to look at them. Nagulat ako dahil walang bayolenteng reaksyon mula sa kanila. They were just looking at me, waiting for me to continue with my talk. Nanlamig ang mga palad ko dahil sa realisasyong bumalot sa akin. f**k! "You... you knew," mahina kong sambit. Hindi ako makapaniwala na pinaglipat-lipat ko ang aking tingin sa aking mga magulang. "Yes, Robert. Alam namin. A few months before your graduation, Ivory came here to ask for your hand in marriage. Imagine our shock when he told us about your relationship. At first, I was so against it. Hindi mo ako masisisi. Initial na reaction na iyon ng isang magulang. Natakot ako hindi dahil sa lalaki rin ang pakakasalan ng nag-iisang lalaking anak ko. Natakot ako dahil baka makapatay ako ng tao kapag marami ang mangmamaliit sa kakayanan at talino mo dahil lalaki ang magiging asawa mo. Pero nung maalala ko ang pinagdaanan ng Tito Marcus mo noong mawala ang Tito Francis mo, I calmed down. Ayoko na maranasan mo ang sakit ng pagkawala ng minamahal gaya ng nangyari sa kanila noon. Ayoko na mapahamak ka gaya ng nangyari kay Francis noon dahil hindi siya agad natanggap ng mga magulang niya. And that time, as I was listening to Ivory telling us your story, nakita ko si Marcus sa kanya. Nakita ko sa mga mata niya ang labis na pagmamahal niya sa'yo. Nakita ko na kahit ano ang mangyari, walang makapipigil sa hangarin niyang makasal sa'yo. Nakita ko na wala akong dapat ikatakot. Ivory is a smart man. Napatunayan niya na noong 21 siya ang galing niya. Remember the time na umalis siya sa Martenei for six months? Umuwi siya sa Russia to take over his fathers' businesses dahil ayaw nilang umalis sa tabi ng Tita Cles mo na kapapanganak lang noon sa bunso nila ng Tito Winter mo." Yeah. I remember that six months na nawala si Ivory sa Martenei. "So I told my self, ano ang dapat kong ikatakot? Mahal na mahal ni Ivory ang anak ko. Nakatitiyak ako na magiging maganda ang buhay niya kahit na marami man ang kumontra sa relasyon nila. Nakatitiyak ako na proprotektahan ka ni Ivory dahil mahal na mahal ka niya na kahit buhay niya ay handa niyang ibigay sa'yo." Sobrang naninikip ang dibdib ko sa mga ikinukwento ni Daddy. Hindi ako makapaniwala na nagawang harapin ni Ivory ang mga magulang ko. Ganun niya ba ako talaga kamahal? "Kaya laking gulat namin nang tanggihan mo siya." Tumulo nang kusa ang mga luha ko nang marinig ko ang boses ni Mommy. "Akala namin ng Daddy mo, mahal mo rin siya at natatakot ka lang na magsabi sa amin. Pero ang mas ikinagulat namin ay noong magpumilit ka na umuwi tayo rito kahit na... kagagaling niya lang sa isang aksidente. Kaya naman inisip namin na one-sided lang ang relasyong meron kayo." Pigil na pigil ko ang mapaiyak nang malakas. Kahit inosente ang pagkakasabi ni Mommy, para akong sinasampal ng mga salita niya. Konsensyang-konsensya ako. Awang-awa ako kay Ivory. Hindi ko akalaing magagawa niya ang lahat ng iyon para sa akin. Antanga ko. Bakit hindi ko nakita kung gaano niya ako minahal? Bakit hindi ko binigyan ng halaga ang mga ginawa niyang pag-aalaga at pagsubaybay sa akin? Napaka-selfish ko! 'Yung nararamdaman ko lang ang isinaalang-alang ko! Ni hindi ako nakadama ng awa noong susukot-sukot siyang umalis pagkatapos kong tanggihan ang proposal niya. Ni hindi ko iniisip ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang umalis ako nang walang paalam. Ni hindi ko iniisip kung paano siya nagdurusa dahil bulag na siya samantalang ako ay walang ginawa kundi ang magpakasaya. Ni hindi man lang sumagi sa isipan ko ang magiging pagdurusa niya na nawalan na nga siya ng paningin tapos nawala pa ako sa buhay niya. Damn! I'm so stupid! Ivory, what have I done to you? Bakit ba hindi kita nagawang pahalagahan noon? Bakit hindi kita natutunang mahalin kahit konti lang? Bakit ngayon ko lang nalaman na mahal na pala kita pagkatapos kitang iwan, saktan at balewalain? And then all realizations started hitting me hard. Ako ang dahilan kung bakit siya naaksidente! Ako ang dahilan kung bakit siya nabulag! f**k. Bakit ngayon ko lang naisip 'yun?! Damn it! All along sa aming dalawa ni Ivory, ako ang bulag. Ako ang bulag sa lahat ng katotohanan sa aming dalawa! s**t! s**t! s**t! Humagulgol ako ng iyak. Sising-sisi ako. Sising-sisi. Kung pwede lang na mapunta ako ngayon sa harap niya, ginawa ko na. Gusto kong humingi ng tawad. I want him to know that I regret hurting and leaving him. I want to be with him right now! "Dad, Mom. I'm sorry! Please, payagan n'yo akong bumalik sa Pilipinas. Please! Gusto kong makausap si Ivory. Gusto kong humingi ng tawad. Gusto kong bumawi sa kanya. I wanna take care of him!" nagmamadali kong sabi sa mga magulang ko. "Robby, huminahon ka! Bago ka bumalik sa Pilipinas, kailangan mo munang i-analyze nang mabuti 'yang nararamdaman mo. Sigurado ka bang pagmamahal 'yan? O naaawa ka lang sa kanya? O 'di kaya ay nakokonsensya?" "Dad, I'm sure. Hindi lang awa o pagkakakonsensya ang nararamdaman ko. I love Ivory. I was in love with him all along! Masyado lang akong nagpadala ng galit kaya hindi ko napansin na unti-unti ko na pala siya natutunang mahalin. Sigurado ako, dad. Mahal ko siya." Tumango-tango si Daddy sa ipinahayag ko. "Kailan mo balak umalis?" tanong niya pagkaraan nilang magtinginan nang matagal ni Mommy. "Kahit bukas na sana, Dad," determinado kong sagot. Muli silang nagkatinginan ni Mommy bago niya ibinigay ang kanyang desisyon. "We are giving you our blessing, Pierre Robert pero bago ka umuwi ng Pilipinas, may kailangan ka munang puntahan." Nagdikit ang mga kilay ko sa sinabi ng aking ama. "Saan, dad?" Naguguluhan kong tanong. Huminga muna siya nang malalim bago sumagot. "Sa Russia." .... Hahahaha! Lagot ka na, Roberto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD