"Honey, what's wrong?"
I tilted my head and looked down at Katrina. She was looking curiously at me. Magkadikit ang kanyang maninipis na mga kilay at wala siyang kangiti-ngiti.
"What do you mean what's wrong?" tanong ko sa kanya.
"You were caressing my hair then all of a sudden you spaced out. What's wrong with you, Robby? Tuwing hinahaplos mo ang buhok ko, you always end up spacing out. May problema ka ba, hon?" nag-aalala niyang tanong.
"What would be my problem, hon? I'm handling our family's business with success plus I have a very beautiful girlfriend. I don't think I'll ever have a problem." Pinilit ko ang ngumiti sa kanya. I don't have the heart to tell her na may naaalala akong tao tuwing hinahaplos ko ang buhok niya.
"Hmp. I don't believe you," nakabusangot niyang sabi bago niya ako tinalikuran ng higa. I silently cursed.
"Kat, I'm sorry. Siguro napagod lang ako sa office kanina." Yumakap ako sa kanya at pagkatapos ay hinalikan ko ang ulo niya. Inayos ko ang pagkakabalot ng comforter sa hubad na katawan niya at saka ako bumaba mula sa kama. Dumiretso ako sa banyo at naligo.
Nang lumabas ako mula sa banyo ay tulog na si Katrina. Nagbihis ako ng pantulog ngunit imbes na mahiga sa kama ay lumabas ako ng kuwarto at pumunta sa bar ng condo ko.
I brought out the strongest brandy I have at nagsimula na akong uminom mag-isa. Habang pinagmamasdan ko ang paglalangoy ng ice cubes sa baso na may alak, hindi ko maiwasang alalahanin ang dahilan kung bakit lagi akong nawawala sa aking sarili pagkatapos kong makipagniig sa aking girlfriend.
Si Ivory.
Naaalala ko siya.
Alam ko na mali ang ginawa ko sa kanya a year ago. Iniwan ko siya nang walang paalam noong mga panahon na dapat ay naroon ako sa tabi niya para sumuporta. Sinamantala ko ang pagkakataon. Tinakasan ko siya. Nakita ko kasi na wala siyang kapangyarihan at lakas para pigilan ako noon. Upon hearing na ligtas na siya mula sa panganib, pinilit ko na ang mga magulang ko na umuwi na kami rito sa States. Actually, nakadagdag pa sa saya ko noon ang malamang maaaring mabulag siya dahil sa tinamong mga sugat ng kanyang mga mata.
Ang gago ko noong mga panahong 'yun. Imbes na maawa ako sa nangyari sa kanya, sumaya pa ako dahil inisip ko na mas mahihirapan na siyang habulin ako.
His brothers hated me. Even his fathers gave me a hurtful look when my dad told them that we're leaving for States. But I didn't care dahil iisa lang ang tumatakbo sa isipan ko noong mga panahong iyon.
Freedom.
My freedom from a tyrant like him. That after six years of living with him as his bottom, I'll finally be free. Hindi ko pinagtuunan ng pansin ang awang nadama ko sa kanya nang makita ko ang katawan niyang nakabenda, ang kanang paa niyang sementado, at ang mga mata niyang balot ng tela. Mas importante sa akin ang makaalis, ang makalayo.
At sinamantala ko ang pagkakataon. For six months, wala akong ibang ginawa kundi ang mag-party, ang mambabae. Puntahan ang gusto kong puntahan na walang nagbabawal at walang asungot. Hindi ako nakibalita tungkol sa kanya. What for? I'm finally free. I'm finally on my own. He's finally out of my life. I enjoyed every minute of my life without Ivory.
Then, I met Katrina. She's a Fil-Am. A lawyer na nakilala ko when I attended a business meeting. Matalino, maganda, at kaakit-akit. I asked her for a date and after that, dumiretso kami sa isang hotel. We became a couple. It automatically happened after being f**k buddies for a month. I was happy with her dahil napatunayan ko na lalaki pa rin talaga ako kahit na ilang taon din akong nagpasailalim sa isang lalaki ring tulad ko. Everything was perfect in my life. For the first time, I felt happy and contented with what's going on with my life.
Until two months ago, when we had a dinner together with my parents, nagsimulang guluhin ulit ni Ivory ang buhay ko. Not because he came but because my dad told me na tuluyan pala siyang nabulag.
I admit, may kakaibang sakit akong nadama nang malaman ko na ang dating maangas na Ivory ay isa ng bulag. Tila ba nadama ko ang pinagdaanan niyang hirap sa sandaling pagtama ng sakit sa puso ko. Isipin ko pa lang kung paano siya nabubuhay na walang nakikita, may mumunting kirot na itong dulot sa damdamin ko. Nagi-guilty ako, alam ko. Ngunit ayoko nang balikan pang muli ang pagdurusa ko sa piling niya noon.
As days and months went by, I tried to live normally. But... I can't. Simula nang malaman ko ang nangyari sa kanya, nakokonsensya na ako tuwing naririnig ko ang pangalan niya, tuwing naaalala ko siya, tuwing may ginagawa ako kay Katrina na dati ay ginagawa ni Ivory sa akin. Ilang beses kong sinubukang makibalita ngunit naka-blocked na ako sa lahat ng social media accounts ng pamilya niya. Maging sina Jai at Zeke ay malamig ang naging pakikitungo sa akin nang makausap ko sila. They told me na nanatili raw si Ivory sa Martenei. Nagkukulong. Nag-iisa. He isolated himself from his friends, family and the world. Tanging ang mga magulang lang daw niya ang kinakausap niya. Kaya pala galit sa akin ang kambal. Kaya pala hindi na friendly si Jai. Kaya pala malamig nang makitungo ang mga Vladimiers sa mga magulang ko.
Lalo akong na-guilty. Parang naramdaman ko na isa ako sa mga dahilan kung bakit siya nagkakaganun. Pinilit kong pinanlabanan ang guilt. Nag-focus akong lalo sa negosyo namin at kay Katrina. Lumago pa ang negosyo namin dahil sa pamamalakad ko. Mas lalo rin akong napamahal kay Katrina dahil sa mga efforts na binibigay ko sa kanya. Ngunit balewala na ang lahat ng iyon kapag nagsisimula na akong maalala si Ivory. I hated my self. I hate him for making me feel this way. I hate him dahil malayo na nga kami sa isa't isa ngunit madalas ko na siyang naalala. I hate him ngunit bakit hindi ko siya tuluyang makalimutan? Bakit may mga pagkakataong tila nami-miss ko pa siya?
Shit.
Dala lang ba ito ng konsensya? Dala lang ba ito ng kawalan namin ng closure? Ngunit bakit tuwing naaalala ko siya, bumibilis ang t***k ng puso ko? Bakit tuwing iniisip ko ang hirap niya, ang pagdurusa niya dahil bulag na siya ay nasasaktan ako para sa kanya to the point na sumasakit ang dibdib ko at naluluha pa ako? Why can't I just move on and forget all about him para matigil na ang mga ganitong guilt feelings? Why do I feel this scorching urge to see him? To be with him?
And worst, nagsimula na ang katawan kong hanapin ang pakiramdam ng mga labi ny6a sa mga labi ko that not even Kat's kisses can replace. Nagsimula nang hanapin ng katawan ko ang higpit ng mga hawak niya, ang higpit ng yakap niya. And embarassingly, my body is searching for that heat only Ivory Phoenix could give. Nakakahiya mang sabihin but my body started feeling the need to be kissed, to be pounded, and to be f****d by him. Nakakainis but not even Kat's naked, hot body can replace the warmth Ivory's body could give me. Tang-ina. Bakit hinahanap-hanap ko na siya?!
There was even this one time when I woke up in the middle of the night feeling a burning need. I took a shower, I called Katrina and f****d her. But that annoying itch was still there. And out of my f*****g desperation, at 3 am I went out to look for a man who could make the itch stop. Tuluyan nang natabunan ng matinding pangangailangan ang katinuan ko. I need a man. Kahit na sino basta guminhawa na ang pakiramdam ko. I easily spotted a man at a gay bar and was about to approach him when I realized what I was supposed to do. I right away turned my back, rode back in my car and drove away as fast as I can. Antanga ko. Ipapahiya ko ang sarili ko para lang sa pangangailangan ng katawan ko. Dudumihan ko ang pagkatao ko para lang mapunan ang paghahanap ng bagay na tanging si Ivory lang ang kayang magbigay.
Yes. I bitterly admitted to my self na kahit na ipagamit ko pa ang katawan ko para mapawi ang pagkauhaw nito sa ligayang ipinatikim ni Ivory rito, no one could ever replace him. Si Ivory ang hinahanap hindi lamang ng mga mata ko, hindi lamang ng katawan ko kundi pati na rin ng kaluluwa ko. Napakahirap aminin but during that time, naamin ko sa sarili ko na may kulang talaga sa buhay ko. Na pilit ko lang pinagtatakpan iyon ng pagsasaya, ng tagumpay sa larangan ng negosyo at ng pagkakaroon ng perpektong nobya. I also realized na kaya ko siya hinahanap-hanap ay dahil anim na taon din kaming nagsama. Na ayoko man ngunit parte na siya ng buhay ko, na tagumpay niyang napasok ang puso ko.
And when I finally admitted that I have feelings for him, mas lalo akong nanabik sa kanya. Nanabik na makita siya. Nanabik na makasama ulit siya. But how could I do it? Kaya ko bang talikuran ang perpektong buhay na nasimulan ko na? Kaya ko bang talikuran ang magkaroon ng perpektong asawa, magkaroon ng perpektong mga anak at magkaroon ng perpektong pamilya para sa kanya? At kung sakali mang kayanin ko, matatanggap kaya muli ako ni Ivory? I left him without giving a second thought. I left him when he needed me most. Could he forgive me for refusing him to be a part of my life? Would he believe me if I'll tell him that I love him when I've told him I never did? Tinalikuran ko siya. Meron pa ba akong babalikan?
I love my family. I always wanted to make them proud of me. But how would they be proud of me if I'll be living with a man? That the son they expect to carry my father's name is gay?
I love Katrina. But it's far from the love that bloomed in my heart for Ivory. Tama nga ang kasabihan na saka mo lang mare+realize ang importansya ng isang tao kapag wala na ito sa piling mo. I learned it in the hardest way. Ang hirap tanggapin na 'yung taong kinamumuhian mo ay ang taong lubos palang minamahal mo. Ngunit mas mahirap ang magkunwaring okay lang ang lahat ngunit alam mo na hanggang hindi mo kasama ang taong gusto mong makasama, hindi magiging okay ang lahat. It's difficult to pretend. Mahirap ang mabuhay sa pagkukunwari.
Ano ba ang pipiliin ko? Ang perpektong buhay na meron ako ngayon o ang balikan ang taong aking kinamuhian, aking tinalikuran, at aking pinagkaitan ng pagmamahal? Ang taong nawala muna sa akin bago ko na-realize ang halaga?
Alam ko, konting-konti na lang ang pagpipigil ko. At nararamdaman ko, ilang panahon na lang, kailangan ko na ang mamili ng tuluyang tatalikuran mula sa dalawang pinagpipilian ko.
....