11. The Torment Halted

2366 Words
Pamilyar na kapaligiran ang sumalubong sa akin nang magmulat ako ng aking humahapding mata. Agad akong napaisip. Buhay pa ba ako? Why I am still in our room? Muli akong pumikit upang magmulat lang din dahil nais kong siguraduhin kung nasa tamang lugar ako o baka kaya’y nananaginip lang ako. I even pinched myself to check if this is a reality or still a dream. When I felt the pain I accepted that it’s real and I am still alive. I smiled bitterly as the torment from the previous night suddenly creeped and disturbed me again. My eyes shut tight to ignored it before I finally have the guts to open it. Nilibot ko ang aking mata sa kabuuan ng kuwarto upang magmasid habang inaalala kung ano ang nangyari bago ako nawalan ng malay. Who saved me? Hindi ko mapigilang tanong sa aking sarili dahil alam kong imposible na ang asawa ko ang nagligtas sa akin. Sa pagkakatanda ko ay ako lang mag-isa sa bahay bago naganap ang sunog at imposibleng may nakapasok na ibang tao dahil kaming mag-asawa lang ang may hawak ng susi at nakakaalam ng lock. Ang asawa ko ba talaga ang nagligtas sa akin? Nakaramdam ako ng bahagyang tuwa dahil doon. Sana ay tama ako sa aking naisip. Ang ibig sabihin noon ay may halaga pa rin ako sa aking asawa dahil hindi niya ako hinayaang mamatay. Kahit sinasaktan niya ako, basta alam kong may halaga pa rin ako sa kanya, hindi ko siya iiwan. Martir na kung martir pero kung ito ang paraan para muling umayos ang relasyon namin hindi ko ito pagsisisihan. May hapdi sa aking lalamunan marahil ay sa nalanghap kong usok kaya medyo nahihirapan pa rin akong huminga. Bagama’t mainit pa rin ang pakiramdam ko ay alam kung bahagya na iyong humupa hindi tulad noong bago nangyari ang insidente sa kusina. Bukod sa pananakit at bahagyang pagkahilo ay wala na akong naramdamang anumang hindi komportable sa katawan ko. Hindi ako napaso ng apoy. Wala ring galos ang katawan ko na malaking pinagpasalamat ko. Siguro ay agad akong nailigtas bago pa maging abo ang katawan ko. Pero hindi ko alam kung ano ang sitwasyon ng kusina namin at kung gaano kalaki ang damage. May suwero na nakakabit sa likod ng kaliwang palad ko at nagpapasalamat ako dahil hindi ako dinala sa ospital ng sinumang nagligtas sa akin. Takot ako sa ospital dahil sa trauma na nangyari sa akin noong bata pa ako at bukod sa aking pamilya ay asawa ko lang ang nakakaalam no’n. Not even my twin bestfriends Anna and Jenyfer. Sa isiping iyon ay lumakas ang kutob ko na ang asawa ko nga ang nagligtas sa akin. Bilang sagot sa aking tahimik na isipin ay biglang bumukas ang pintuan ng kuwarto at iniluwa noon ang guwapong mukha ng aking asawa bagamat may bahid iyon ng pag-aalala. Kasunod nito ay isang babaeng doktor base na rin sa suot nitong doctor’s robe. Pamilyar ang mukha niya sa akin pero hindi ko maisip kung saan ko siya nakita. A warm smile painted her face while approaching me, causing my own lips to stretch a welcoming smile. Ang asawa ko ang unang nagsalita nang makalapit na siya sa akin. “How are you feeling, mahal?” I flinched when I hear the intense sincerity in his voice. Hindi ako halos makapaniwala na siya itong nasa harapan ko dahil ibang-iba ang pagtrato niya sa akin. Parang biglang bumalik sa dati kung paano niya ako itrato noon. Pinilit ko ang ngumiti kahit nahihirapang kumilos ang muscles ng pisngi ko upang batiin ang asawa ko. Umakma akong babangon ngunit agad akong napigilan ng asawa ko at pinanatili ako sa pagkakahiga. “Rest, mahal. Huwag mong pilitin ang sarili mo baka mabinat ka.” Yumakap sa akin ng mahigpit ang asawa ko na nakaupo na ngayon sa gilid ng kama, sa tabi ko. Nagririgudon sa tuwa ang puso ko. Hindi ko akalaing muli kong matitikman ang mainit na yakap ni Earl na matagal ko nang hindi nararamdaman. Mahigpit ang yakap niya sa akin at hindi ko inaksaya ang pagkakataong iyon upang hindi namnamin ang makulong sa kanyang mga bisig. Nakapikit ang mata ko at ibinalik ko sa kanya ang mahigpit niyang yakap na ipinagpasalamat ko dahil hindi niya tinanggihan. Hindi siya kumalas upang paghiwalayin ang katawan namin na labis kong ikinatuwa. Lahat ng frustrasiyon ko nitong nakaraang araw dahil sa pambabalewala at pananakit niya sa akin ay naglahong parang bula. Nang magmulat ako ng mata ay hindi sinasadyang napatingin ako sa babaeng doktor na siyang gumamot sa akin. Malamlam ang mata habang nakatingin sa amin ni Earl at may nakapaskil na ngiti sa labi nito na animo'y sinasang-ayunan ang aming gawa. Kung alam mo lang ang totoong nangyayari sa amin dok, ay hindi ka ngingiti ng ganyan. Piping ani ng aking isip. Iniwas ko ang tingin sa doktor at inilipat iyon sa aking asawa at nagtagpo ang mga tingin namin. I felt glad when my husband continued to stare at me lovingly like it was our first time meeting each other. His gazes were full of love and affection like we are at the peak of our love. It was astonishing, so great, and wonderful. I just wanted to stay with him like this. I just want him to be with me and no one else. My head hurts when I imagine that after this, he will be back for being unfilial again. My heart churned like someone is crushing it when I thought about him and his woman. "Are you feeling better, Mrs. Samonte?" The doctor asked. She walks near me and checks the IV fluid while adjusting it if it is flowing enough. I shifted my gaze from my husband to the doctor and smiled softly. "Yes, doc. I am feeling much better." "You can call me Nicole. You are lucky to have your husband. Kung hindi dahil sa agarang pag-apula niya ng apoy ay hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sa'yo." Nakangiting tugon ng doktor sa akin. Kung hindi ako nagkakamali ay isa siya sa mga kaibigang doktor ng asawa ko pero ngayon ko lang siya nakilala dahil sa group picture ko lang siya nakita noong nagkaroon ng get together dinner ang asawa ko at kaibigan nito. Gumanti ako ng matipid na ngiti dahil nananakit pa ang aking panga sa nakalipas na pananakit ng asawa ko. Mabait ang doktor kaya medyo magaan ang loob ko sa kanya. Sinulyapan ko ang aking asawa na hindi pa rin inaalis ang matiim na titig sa akin. Nangunot ang noo ko at pilit kong inaalala kong paano niya ako iniligtas dahil wala akong natatandaan na bumalik ang asawa ko sa bahay namin. "Thank God and I returned immediately. If I am a bit late, I can't tell what will happen." Masuyong pinisil ng asawa ko ang aking palad. Siya na ang nagsalita dahil hindi ako nakaimik sa sinabi ng doktor. Wala rin akong alam sa nangyari matapos kong mawalan ng malay kaya hinayaan ko ang asawa ko na magsalita. Bumalik ang doktor kay Earl matapos masigurong maayos ang daloy ng suwero saka ito muling nagsalita at ipinaliwanag ang dapat na gagawin para sa paggaling ko. "Mrs. Sarmento needed more rest. Masiyadong bugbog ang katawan niya at eto," Inabot nito kay Earl ang reseta. "Bilhin mo kung anuman ang gamot na nakalagay dito at ipainom kay Mrs. Samonte. She will be okay for a few days if she continues taking the medication. Wala na rin ang usok sa baga niya na nalanghap niya kaya safe na ang baga niya." Tunango ang asawa ko matapos matanggap ang reseta at mapakinggan ang bilin ng doktor. "Salamat, Nicole." Ngumiti ang doktor na kaibigan ni Earl saka iniligpit ang gamit na dala nito at muling tumingin sa akin na may tipid na ngiti pa rin sa kanyang labi. "I'll get going, Mrs. Samonte. If anything that you need me don't hesitate to ask Earl to call me, alright?" Lumapit siya sa tabi ko ang hinaplos ang aking buhok na ikinangiti ko pang lalo. Mas malaki ang tanda ni Nicole kaysa sa akin pero hindi na ako nagtaka kung bakit magkaibigan sila ng aking asawa. Sa hitsura pa lang ng doktor ay halatang mabait ito. Hinayaan ko siya sa paghaplos sa aking buhok, at nang magpaalam ito ay akma akong uupo ngunit kaagad akong napigilan ni Earl. “Stay still. Ihahatid ko lang si Nicole palabas.” Tumayo ang asawa ko upang sundan ang kakalabas lang na doktor at muli akong naiwang mag-isa. Gusto ko sanang matulog muli ngunit hindi ko mapigilan na mapasagi sa isip na baka pakitang-tao lang ang g-inagawang pag-aasikaso sa akin ni Earl. Na baka kapag bumalik na ito ay babalik na naman sa pagiging malamig ang pakikitungo niya sa akin. Kahit ganoon pa man ay iindahin ko na lang ang pasakit na gagawin niyang muli sa akin. Kuntento na ako na kahit papaano ay may natitira pa siyang malasakit sa akin. Akmang aabutin ko ang cellphone ko na nakapatong sa ibabaw ng maliit na mesang katabi ng aking kama nang bigla namang bumukas ang pinto ng kuwarto. Malakas na kumabog ang aking dibdib nang iniluwa niyon ang aking asawa. Sinundan ng mata ko ang bawat galaw niya at inusisa ang emosyon ng kanyang mukha kung nagbago ba dahil kaming dalawa na lang ang natira sa kuwarto pero hindi na laking ikinagulat ko. His face is still the same bago niya inihatid ang kaibigan sa labas. His concern is still vividly painted on his face. Mahigpit akong napakapit sa kumot habang pinagmamasdan itong naglalakad papalapit sa akin. “Mahal. . .” his voice trailed as he sat beside me. Ginagap nito ang kamay ko na malaya sa suwero at marahan iyong pinisil. “Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka. Grabe ang kaba ko habang pinagmamasdan kang nakahandusay sa sahig at walang malay. How do I ever survive, mahal?” Tumingin siya sa akin nang malamlam at hindi ko mapigilan ang sarili ko kundi haplusin ang mukha niya. My thumb trace his sharp jawline. “Mahal, salamat dumating ka. I was cooking but I suddenly lost consciousness. Hindi ko alam kung ano ang nangyari.” Tumungo ang aking ulo dahil hindi ko kayang salubungin ang matiim niyang titig ngunit hinayaan ko siya na hawakan ang aking palad. Kahit na lam ko naman ang totoong dahilan, na nagkasakit ako dahil sa pananakit niya ay hindi ko sinabi. Baka kapag nagsalita ako ng tungkol doon ay akusahan na naman niya akong sinungaling. At baka iyon pa ang dahilan kung bakit iiwan niya akong muli at lalayo ulit ang loob niya. Hidi na baleng hindi niya malaman kung ano ang totoong dahilan basta ang mahalaga ay magkasama at ayos na ang trato niya sa akin. “You were sick.” Napaangat ako ng tingin at nagsalubong ang mata namin ng asawa ko. Nababasa ko doon ang lungkot at pagsisisi na hindi ko maapuhap kung bakit niya iyon nararamdaman. Bakit? Hindi ba galit siya sa akin? Bakit siya nakakaramdam ng awa? Is this still part of his plot? Niyakap niya ako ng mahigpit na halos hindi ako makahinga ngunit hinayaan ko siya at ang init na nanoot sa kaloob-looban ko. "Mahal. . ." ang tanging nausal ko. "I'm sorry, mahal. Nasaktan kita. Hindi ko sinasadya. Kung alam mo lang kung gaano ako natuliro noong nakita ko ang nakahandusay na katawan mo sa sahig. Hindi ko kayang makita kang ganoon, akala ko mawawala ka na sa akin, mahal ko. Akala ko. . ." Kaagad na nanubig ang mata ko sa nakita kong paghihinagpis sa mata ng asawa ko. The intensity in his eyes speaks his true feelings for me. He still cares and cherishes me, I’m so glad. Sana ay tuloy-tuloy na ito. Sana ay hindi na niya ako saktan at iwan. “Mahal, okay na ako. Salamat at dumating ka. I was so careless kaya nangyari ‘yon.” Mahigpit na yakap ang iginanti ko sa kanya at hinalikan ang medyo nanunubig nitong mata. “Ako ang dapat na humingi sa’yo ng tawad dahil sa hindi ko pag-iingat, naabala pa tuloy kita.” Kumalas sa pagkakayakap sa kanya si Earl at inihilig ang pisngi sa palad niyang nakahaplos sa mukha nito. “I don’t know what can I do without you, mahal. Nakita pa lang kitang walang malay ay nahihirapan na akong huminga. Ako ang nasasaktan para sa’yo, mahal.” Tumaba ang puso ni Joanne sa narinig at hindi niya mapigilan ang malamyos na ngiti na sumingaw sa kanyang pisngi. Biglang gumaan ang mabigat na nararamdaman niya at pakiramdam niya ay wala siyang sakit. Hindi niya maitatanggi ang tuwa sa puso niya dahil sa pag-aasikaso na pinapadama ng asawa. “Was the fire big?” pag-iiba ko ng tanong. “The water sprinkle in the kitchen activated kaya ‘di lumaki ang apoy. Pero makapal ang usok at marami kang nalanghap kaya nawalan ka ng malay,” paliwanag niya. Kaya pala medyo namamaga pa rin ang lalamunan ko dahil sa usok na nalanghap ko. Tinulungan ako ng asawa ko na makaupo sa sandalan ng kama bago ako sinubuan ng porridge na in-order niya sa restaurant na pagmamay-ari ko. “I already informed your parents. They should be here soon.” Bigla akong napatigil sa pag-inom ng tubig ng marinig ang sinabi ng asawa ko. Is he wondering what should I say to them about my bruises? Bago pa man may magsalita na isa sa amin ay biglang may kumatok sa pinto ng aming kuwarto. Kaagad na nangunot ang aking noo dahil ang alam ko ay nakaalis na si Nicole. Sino pa ang ibang tao sa bahay? “Are they here?” nalilito kong tanong. Upang alamin kung sino ay inginuso ko ang pintuan sa aking asawa upang alamin kung sino ang nasa labas. Ngunit sa tingin ko ay alam na ng asawa ko kung sino ang tao sa kabilang pinto dahil hindi ito tumayo at nagpatuloy lang sa pagsubo sa akin ng porridge. Biglang bumukas ang pinto. Iniluwa niyon ang isang tao na siyang labis kong kinasusuklaman. Namilog ang mata ko sa gulat at biglang nabuhay ang galit sa aking puso. Bakit siya nandito? “Tiffany?”

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD