SO:2

1003 Words
"Sissy, remember start a new life and forget everything that happened. Don't stress yourself too much. Malapit ka ng maging 29 years old, it's time for you to find someone. You're not getting any younger, Cassie. Baka nasa Pilipinas lang ang ka forever mo kaya okay lang 'yan," ani ni Leony at inayos ang buhok niya. "You're right big sis. Hindi naman kawalan ang gonggong na 'yun, nasaktan lang talaga ang pride ko. Sobrang kapal kasi ng mukha," reklamo niya. Kaagad na napa-thumbs up si Leony sa sinabi niya. "Maganda ang ganiyang mind set sissy," sambit ni Leony. "Talaga?" tanong niya sa kapatid na ikinatango naman agad nito. Kinuha niya ang tissue at suminghot. Ilang saglit pa ay pumalahaw na naman siya. "Pero ang sakit talaga eh. Gagong 'yon, sino siya para saktan ako ng ganito? Kapag makita ko siya sisingilin ko siya sa lahat ng gastos ko sa kaniya. Letse siya! Hindi sila magkakaroon ng malagong panaderia kung hindi ko ginamit ang apelyido ko. Matapos nila akong e-take advantage basta na lang akong tinapon? Mga bwesit sila!" sigaw ni Cassandra. "Tama na sabi 'yan eh. Huwag mong iyakan ang taong wala namang ginawang mabuti para sa'yo," saad ni Leony. "Okay, isang blow pa at magiging okay na ako," ani niya sa kapatid at kumuha na naman ng tissue. "Tigas mo talaga sissy. For now say goodbye Spain." She fakely smiled and turned her back. This is the time that she will comeback to her very own country. Buti na lang talaga at ang ate lang niya ang nakapunta sa Barcelona para sa kasal KUNO na wala naman. Magsisisi talaga ang kulogong 'yon. "Magbihis ka na," utos ng ate niya. Kaagad na napakunot ang noo niya. "Ha? Bakit?" nagugulohang tanong niya rito. "Uuwi na tayo ng Pilipinas," sagot ni Leony. Nagdikit ang kilay niya na tinitigan ang kapatid. "As in ngayon na talaga?" paninigurado niya, nakaismid na nilapitan siya ng kapatid niya at binatukan. "Kilos na, daming satsat," ani nito. Sinamaan naman niya ito agad ng tingin. Ilang oras ang nagdaan, their private plane arrived already in the Philippines. Bumaba na sila. She smiled upon feeling the hotness of the sun touching her skin. "I miss our country," nakangiting usal niya sa kapatid. Ngumiti lamang ito bilang tugon. Ilang minuto pa ay may isang rolls royce na kotse ang dumating. "Hon!" tawag ng asawa ng kapatid niya. Si Tommy Moran, kasama ang anak nilang si Leomy Khazila. Agad namang niyakap ng ate niya ang asawa at hinalikan. Na-miss talaga ng ate niya ang asawa. Nakaka-bitter in fairness. Walang'ya talaga tong ate niya sa harap pa niya nakipaghalikan. Tatlong araw na kasing nasa Spain ang ate niya. Hindi nakasama ang kuya Tommy niya dahil busy ito sa negosyo. Mga kalahating minuto rin ang hinintay nila bago nakarating sa bahay nila. Her eyebrows creased nang mapansing parang may party sa loob ng bahay nila. "Anong meron sa loob, hon?" tanong ng ate niya. Nanatiling nakaupo siya't nakatingin sa labas. "I don't know," sagot ng asawa nito. Binuksan ng mga guwardiya ang malaking gate nila at bumaba na sila. "Hala! Si, Ma'am Cassandra. Maligayang pagdating po, Ma'am," nakangiting bati ng dalawang guwardiya sa kaniya. Kilala niya ang mga ito. Sa tagal ba namang nanilbihan ng dalawa sa pamilya nila. "Maraming salamat, Mang Andi at Peter." Nakangiting kinuha ng guwardiya ang mga dala niya. Gulat subalit masaya siyang binati ng mga katulong at iginiya sa malaking sala nila. There are people inside chatting and teasing each other, she's a hundred percent sure na kilala niya ang mga ito. Ilang taon na rin ang lumipas nang umalis siya ng Pilipinas para ipagpatuloy ang pag-aaral sa Barcelona at makilala si Ezekiel. Natigil at nanlalaki ang mga matang napatingin ang mga tao sa sala sa kaniya. "Cass?" gulat na sambit ni Aenon at Bradley. "Is that you cousin?" ani H na nakahawak sa beywang ng asawa nitong si Thana. "Oh my gee! Cassie ikaw nga," tili ni Thana at niyakap siya nito. Agad naman niya itong ginantihan ng yakap. "Halos hindi kita nakilala ah," nakangiting sambit ni Dash. May kasama itong babaena sa tingij niya'y girlfriend nito. She just smiled at them. "Ikaw ba 'yan ganda?" nanlalaki ang matang tanong ni Ishmel na kalalabas lang ng kusina. "Hi guys, surprise!" she simply said and smiled. Ilang segundo lang ay lumabas ang kuya niya. Cool na lumabas ang binata mula sa kusina at may hawak-hawak itong champagne habang naglalakad papunta sa kinaroroonan niya. "I missed you brother," nakangiting sambit niya. L hugged her and smiled. "I missed you too, lil sis. I bet you missed your friends too," ani ng kapatid niya. Agad naman siyang tumingin sa mga taong nasa harap niya. She smiled widely. Ngayon niya lang nardaman ang kahungkagan sa puso niya. She missed them. Agad naman siyang nakipag- kamustahan dito. "I'm sorry I'm late," sambit ng isang baritonong boses. Agad namang natigilan si Cassandra at parang nagkarerahan ang pintig ng puso niya. She knows that voice too well. She's not supposed to feel like that dahil broken hearted pa siya sa walang kwentang fiancé niya. But she just can't stop her heart from beating so fast. Kilalang-kilala niya ang boses na iyon. She can't forget the voice she longed to hear for a long time. Napalunok ang dalaga at kaagad na ngumiti nang tipid. Nilingon niya ito at nginitian. Nakamasid lamang si Leony sa kilos ng kapatid niya. "Ano sa tingin mo, hon?" tanong niya sa asawa. "Hmm? the what?" tanong din nito sa kaniya. "Cassandra and Geusia," mahinang ani niya. Sapat lang na magkarinigan sila ng asawa niya. "I can't understand them, hon. Maybe we will let them with each other. Sa tingin ko kasi kulang lang ng tulak 'yang si, Geusia. You know that man, hindi iyan basta-bastang malapitan," ani ni Tommy. Kaagad namang napatango si Leony sa sinabi ng asawa. "You're right, but he's an excellent man," komento niya. "He's a business genius, hon." Tbc Zerenette
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD