SO:1

399 Words
"Cassandra tama na okay? Ako lang ang nasasaktan sa'yo eh," pang-aalo ng kapatid niya sa kaniya.Leony hugged her sister lovingly. "A-ate paano na ngayon? Alam mo namang dalawang araw na lang kasal na namin ni, Ezekiel," umiiyak na sambit ni Cassandra sa kapatid. "Letse talaga ang lalaking 'yon! Kapag nakita ko talaga ang espanyol na 'yun ipapakatay ko talaga 'yun sa alagang lion ni, H sa Pilipinas," inis na ring sambit ni Leony. Parang binibiyak ang dibdib ng dalaga sa sakiz habang nakaupo sa sahig. Sobrang excited pa niya kanina habang papalabas sa mall dahil sa wakas ikakasal na sila ng four years boyfriend niyang si Ezekiel Leven Cunningham. Subalit naputol ang kasiyahan niya nang tumawag ito sa kaniya kanina at sinabing hindi na matutuloy ang kasal dahil may mahal talaga itong iba. She despise that bastard so much. Leony just heaved a sigh and tapped her shoulder. "I will give you days to think. Uuwi tayo sa Pilipinas. Huwag kang iiyak-iyak diyan dahil lang sa walang kwentang espanyol na 'yon. Lintek talaga! Sinakop na nga tayo ng mga kalahi niya noon tapos ngayon heto at sinaktan ka," wika ni Leony. "A-ang sama talaga ng Cunningham na 'yon. Sabi niya hindi niya ako iiwan. Anong nangyari sa akin ngayon? Nasaktan, nahulog, umasa, saktan ulit. Wala talagang forever f**k!" mura niya at humagulgol na naman. "Huwag ka kasing pauuto sa forever na 'yan. Kaya ka nasasaktan eh. Teka nasaktan ka nga ba talaga?" nagtatakang tanong ni Leony sa kaniya. "Oo naman, sa loob ng apat na taon minahal ko rin naman siya. Naging perfect girlfriend ako para sa kaniya. Minahal ko ang pamilya niya kahit na mga mukhang pera sila. Nasaktan pride ko du'n. Tang-ina siya akala mo kung sinong gwapo. Pasalamat siya at pinatulan ko siya. Maganda naman ako, 'di ba sis?" tanong niya sa kapatid. Hilam ng luha ang mga mata nito. "Oo naman, walang pangit sa lahi natin. Magmadre ka na lang kaya Cassie," suhestiyon ni Leony. Lalo lamang pumalaw ng iyak ang dalaga. Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Cassandra sa narinig sa kaniyang kapatid. Ezekiel was her other half who catch her before. Ano pang mangyayari sa kaniya ngayong wala na ang binata sa tabi niya? Akala niya talaga'y magkakaroon na siya ng asawa. Ang inaasam-asam. niyang wedding ay biglang nawala sa isang iglap. Tbc Zerenette
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD