Malalim na napabuntong hininga si Erica bago ito maupo sa harapan ng malaking salamin. Ipinikit niya ang mga mata at naging hudyat naman iyon para lumapit sa kanya ang makeup and hair stylist at mag-umpisa na ayusan siya. It’s been exactly a month simula nang umalis si Alex at kahit na may ilang linggo pa si Erica para magpahinga ay kinausap niya ang manager na kung puwede siyang bigyan ng schedule. Hindi naman siya nito binigo at simula ng araw na iyon ay nagtatrabaho na ang modelo ng walang pahinga. Kabi-kabila ang photoshoot at brand endorsements niya, kasalukuyan din siyang naghahanda para sa Fashion Week kung sana isa siya sa modelo ng luxury clothing line na pumili sa kanya. Erica is proud to herself and grateful sa mga projects na dumadating sa kanya. Bukod pa doon ay nagtagumpay