“Pasensya na po isa na lang ang available na room namin. VIP room naman po iyon at queen sized bed, may sarili din na CR and kitchen just in case na gusto niyong magluto. May balcony din and airconditioned ang room.” “You got to be kidding me,” hindi mapigilan na wika ni Erica. “Po?” tila naguguluhan na wika naman ng receptionist na bahagyang nabigla dahil sa pagtataray ni Erica. “Wala na ba talaga kahit iyong regular rooms lang?” tanong naman ni Alex na humakbang palapit sa receptionist. Halata na sa mukha ni Erica ang inis dahil na rin sa mga nangyayari na maski siya ay hindi makapaniwala. “Pasensya na po, Sir pero wala na po talaga. Fully booked po kasi kami ngayong araw dahil sa ulan, marami rin ang nag-walk in. Maswerte pa kayo dahil may nag-cancel ng booking dahil kung hindi ay