Simula ng araw na magkasagutan sina Alex at Erica at hindi na muli tumawag ang huli. Alex tried to call his wife and send her a bunch of text messages to explain himself pero walang sinagot doon si Erica kahit na isa. Nag-try din siya na i-reach out ang asawa sa social media accounts nito ngunit dahil nakikilala na si Erica at marami na itong followers ay hindi na nito masyadong pinapasin ang mga direct message inbox nito. Hanggang napagod na lamang si Alex at hindi na kinulit pa ang asawa. Hahayaan na lamang niya ito at kakausapin kapag hindi na ito galit sa kanya. Nasabi naman niya dito ang gustong sabihin sa pamamagitan ng text message at umaasa siya na sana ay basahin iyon ni Erica. Wala naman masyadong nangyari sa buhay ni Alex sa buong Christmas break. Malungkot pa rin siya dahil