Sa mga sumunod na araw mas naging malapit pa si Alex kay Stephanie ng hindi niya namamalayan. Basta ang alam niya na natutuwa siyang kasama ang dalaga at natatagpuan na lamang ang sarili na naghihintay dito sa labas ng study hall para sabay silang kumain ng lunch. Katulad na lamang ngayong araw. “Saan mo gustong kumain?” tanong ni Alex nang makita ang dalaga na lumabas ng pinto. Agad siya na napangiti nang makita ang nakakahawang ngiti nito saka hinintay na makalapit. Stephanie is also wearing their school uniform at hindi tulad noong nakaraan na araw ay nakalugay ang brown nitong buhok. She’s also wearing a light make up na lalong nagpa-angat ng kagandahan niya. “Pwede bang sa Dapitan ulit? I’m craving for fried chicken and matagal na rin since we last came there, ‘di ba?” sagot naman