Napatigil si Alex sa dapat sanang pagkagat ng hawak na burger nang marinig ang pagtunog ng cellphone niya. Iniabot niya iyon mula sa gilid ng lamesa at napabuntong hininga ng makita kung sino ang tumatawag. Alyssa calling… Agad na binitawan niya ang cellphone at itinuloy ang naudlot na pagkagat sa hawak na burger. Narinig niya mula sa harapan ang paghagikhik ni Erica kaya mabilis na nag-angat siya ng tingin dito at kunot-noo itong tinignan. “Ang cute mo,” nakangiting wika ni Erica. Nanatili ang nakakunot na ekspresyon ni Alex habang pinipigilan nito ang pagngiti. Once in a blue moon lang siya kung purihin ng dalaga kaya hindi niya matatanggi na nakaramdam siya ng kilig sa sinabi nito. Kasalukuyan na nasa fast food restaurant ang dalawa. Kakatapos lamang ng huling klase ni Alex at agad