Paglabas ni Erica sa kuwarto kinabukasan ay naabutan niya ang kapatid na kumakain sa kitchen countertop niya while watching some silly videos from her phone. Naglakad siya palapit dito at tinignan ang kinakain nito and she can’t help but to roll her eyes when she saw French toast on her sister’s plate na mukhang binabad sa maple syrup dahil sa nag-uumapaw iyon. Sandali niya itong pinanood na kumain at napailing dahil tila sarap na sarap ito kahit na sobrang tamis iyon. Aasarin niya pa sana ang kapatid pero dahil wala siya sa mood ay naglakad na lang siya patungo sa fridge para maghanap ng makakakain when she realized something. Hindi marunong magluto si Erica. Naglakad si Erica patungo sa kapatid saka naupo sa harapan nito. Kinuha niya ang cellphone mula sa bulsa ng pajama top na suot sa