Sigurado si Erica na hindi siya lasing dahil ramdam pa rin niya ang mga haplos at halik ni Alex sa buo niyang katawan. Sigurado siyang nasa matino siyang pag-iisip dahil alam niya kung bakit masakit ang maselang bahagi ng katawan niya. Hindi siya lasing noong hinalikan niya si Alex at hindi rin siya lasing noong ilang beses siyang tumango sa tuwing tinatanong siya ni Alex kung gusto niya ba tumigil. Hindi siya lasing nang may mangyari sa kanila at mawala niya ang bagay na pinaka-iingatan but she will pretend that she doesn’t remember a single thing just to save her own face. Marahas na napabuga siya ng hangin saka itinodo ang shower. Pumikit siya at tumingala, hinayaan na dumaloy ang malamig na tubig sa katawan niya. Mahigpit na kinuyom niya ang kamao at halos iuntog na ang ulo sa pa