Alex trusted Erica more than anyone else in this world at kahit ano pa ang sabihin ng kapatid ay hindi siya nito mapipigilan na bumalik sa tabi ng dalaga. Nang masiguro ni Alex na tulog na ang lahat ng mga kasama niya sa bahay ay maingat na inilabas niya ang malaking bag kung nasaan ang mga damit na inimpake niya kanina. Wearing only his pair of pajamas ay walang ingay na binuksan niya ang bintana ng kuwarto niya at dahan-dahan na lumabas mula doon. Napabuntong hininga siya nang maapakan ang matibay na bahagi ng bubong nila at muling napabuntong hininga nang maglikha ng ingay ang paghakbang niya. Bahagya na sinilip ni Alex ang babagsakan niya kung sakali na tumalin siya at muli na naman napabuntong hininga. He can jump but he can’t risk having an injury after dahil panigurado ay pagagal