Habang unti-unting natutunaw ang gintong trident ay kasabay rin noon ang pagkalat ng katahimikan at tensyon sa aming paligid. Dahil si Bruce ang nasa pinakamalapit sa akin ay kitang-kita ko kung paano bumagsak ang panga niya sa gulat. Ang kamay niya na kaninang may hawak na sandata ay naiwan sa ere at parang nabato na rin ito sa kaniyang kinatatayuan. Napangisi ako. I am beyond satisfied seeing his expression like this. Just a moment ago, he looks so eager to hurt me, but look at him now… he looks so dumbfounded. Literal na mukhang tanga! Alam ko na pagagalitan ako ng aking ina kung sakaling naririnig niya ang iniisip ko ngayon. I would not apologize to anyone here unless they were named Anahita Warvigor and Alon Yoseff Warvigor. “What the hell did I just witness?” paanas na