The Enemy

2158 Words
**08 – The Enemy**                      “Xa… nara?”               Wow kilala niya ‘ko. = o =                    “Yeah?”               *shling shling*               Narinig ko siyang humugot ng hininga niya and then he started breaking away from his chains. Yes, he is chained. Magkahiwalay ang dalawa niyang kamay at ikinadena sa pader. Pati ang paa niya ay may nakakabit na chain balls. Even his neck is held at place nang dahil sa kadenang nakakabit sa pader.                    “Anong ginagawa mo dito? UMALIS KA!”               Napatalon ako sa gulat. Sigawan raw ako? “The fudge is your problem? Ba’t ka naninigaw?”               Hindi siya sumagot. He kept on struggling to break free from his chains. Pinagmasdan ko siya. Ang putla niya, nanghihina. Hirap na rin siyang huminga. I wonder what happened to this man. Kung hindi lang siguro siya ganyan, I can tell that he’s indeed handsome. He has this fierce eyes that can melt you with his stares. Lips dearly as red, and softer as petal that makes you submit to him without any hesitations.               And I think I got the right person.                    “Zero.”                    “UMALIS KA!”                    “H’wag ka ngang sumigaw! Ano bang problema mo?”               Napanganga ako nang lalo siyang nagpupumiglas sa kadena. Palakas ng palakas, pabilis ng pabilis. “Hoy! Zero, hoy! Hindi ka nakakatuwa ah! Hoy!”               Hala yung kadena. Shet naman. Teka nga amf. “I creavi per verba orune.”               Napahinga ako in relief nang gumana ang magic ko. Dumoble yung kadena, mas makapal na ngayon. Lumapit ako. Lalo siyang nagpupumiglas kaya nakakakita ako ng dugo na visible sa pagsusugat ng kamay niya’t paa dahil sa ginagawa niyang iyon.                    “Tumigil ka na, para kang aning.”                    “UMALIS KA NA DITO! HINDI KA DAPAT NA NANDITO!”                    “Huminahon ka, Zero Schneider. Dugo ba? Kailangan mo ng dugo? Then answer my question first.”                    “I don’t want any blood.” He started calming down but he’s huffing ridiculously. Hingal na hingal siya but he had the strength to meet my eyes. “Your kiss… that’s what I want.”               Nyeh? Chancing much? Kiss raw? Lecheng bampirang manyak? But actually it’s an idea. Isn’t it? Mahina siya, guard down, brain not functioning that well as he is not that of a sober as I am.                    “Then after… should you answer my questions?”               He groaned, shut his eyes and then swallowed as if in misery. “I beg you.”               Kaloka. Nang-aakit siya! >__> Ahay sya sige. At ako’y napipilitan lamang.               Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya. Inilapat ko ang sarili kong labi sa mga mapuputla niyang bibig. Never in my life had I felt this bursting feelings that wants to overwhelm my whole system. Na maski ang t***k ng puso ko ay lumalakas at bumibilis.               Nagulantang ako nang lalo niyang idiin ang labi niya sa akin, wanting entrance and decided to claim it when I gasped in shock. I was stunned with the way he kisses me. Na para bang nakasalalay ang bawat paghinga niya sa akin, na parang nasa halik ko ang buhay niya.                    “HINDEEEEEEEEEEE!”               This. This familiar scene. The place, Crescent. Yeah Crescent mansion. Yung sala, ibang panahon nga lang at ibang pangyayari. I can see him sitting on the couch. Zero’s memories. I am sure these are Zero’s memories that I extracted while we kiss.               He was… sobbing? And then… that girl on the doorway na may hawak ng kutsilyo. Oh syet. Ako ba yun? Hala. Ako ata. Takte napatay ko ata syota nu’n. Tama. Mukhang iyon nga ang nangyari. May nakahandusay na babae sa harapan niya. While ako eh nakasilip sa may pintuan habang palabas na.                    “Right, times up.” sabi ko nang lumayo ako mula sa kanya.               Nakakatuwa kasi parang gusto niya pang habulin. Loko. Buti na lang naka-kadena ka kundi hindi na siguro ako nakawala sa hawak mo. Kung sinu-swerte nga naman ako aneh?                    “Anong ginagawa mo dito sa Sector? You’re a Schneider. Hindi ba dapat… nasa labas ka?”                    “Ayokong sagutin ‘yang tanong mo.”               Aish ang tigas ng ulo.               Hiniwa ko ang parte sa may wrist ko gamit ang kuko ko na medyo mahaba na, nakalimutan kong gupitan eh. Nagkaroon iyon ng sugat. Naging visible ang dugo. And I saw how his eyes began to redden at the smell of fresh blood in his front. How exactly I want him to feel.                    “Uulitin ko ang tanong. Anong ginagawa mo dito?”                    “Umalis ka.” hapong-hapo na sabi niya.                    “Ay? Oh sige habambuhay tayo dito. Simpleng tanong lang ‘yan ba’t di mo sagutin?”               Grabeng hatak ang ginagawa niya sa kadena. Feeling ko any minute by now eh mapuputol ang wrist niya dahil sa kakahatak niya. Kung bakit ba naman kasi eh. Ano bang masama kung sasagutin na lang niya ng walang angal?                    “Umalis ka na pakiusap ayokong saktan ka!”               Bumuntong hininga ako. “I am Xanara Althea Hamilton. Daughter of Cain Hamilton, graduating for archaeology. This is my other half. My other life as you may witness. If you can never understand what I’m saying to you, hindi ko rin iintindihin ang gusto mong iparating.”                    “Xanara…”               Hinigit ko ang buhok niya patingala ng bahagya at saka ko inilagay sa bibig niya ang dumudugong parte ng pulso ko. Napapikit siya ng mariin kasabay ng pakiramdam sa balat ko ng pagsipsip niya sa dugo ko. He is enjoying it. Gutom siya.               Hinila ko ang kamay ko at pinakawalan siya. Naaawa ako pero kailangan ko ng sagot at kasiguruhan.                    “Anong ginagawa mo sa Sector, Schneider?”                    “Xanara…” may tinig pagmamakaawa sa boses niya and I swear muntik akong bumigay. Buti kamo malakas ang aking self control. “I was… jailed here because I am an uncontrollable vampire.”                    “Pureblood ka.”                    “I have my weakness.”               Kaya pala hindi niya ma-kontrol ang pagke-crave niya sa dugo. A vampire out of control. “X-ile?”                    “N-No. I am not one of those experiments.”                    “Oh.” Hindi ko na alam kung anong sunod kong itatanong pero since andito na rin lang naman. “Was your mother named… Regina Schneider?”               Kumunot ang noo niya at tumingin sa akin. “Why do you want to know?”                    “Some sort of family troubles.”                    “What?”               Jeez, hindi ko akalaing iku-kwento ko ‘to sa kanya. =___= “Well my stupid creature of a Dad wants to marry a bitchy leech.”               Nanlaki bigla ang mga mata niya at nagpupumiglas na naman sa kadena. “Pakawalan mo’ko dito, hindi pwedeng matuloy ang binabalak nila! Xanara! Xanara, listen. You have to listen.”               Nakakatanga ‘tong si Zero. Bakit ganito mag-react ‘to? “T-Teka lang, sandali.”               Binaklas ko ang kadena sa kaliwa niyang kamay, lumipat ako sa kanan, hinuli ko yung sa leeg. Napaupo rin siya sa sahig nang dahil sa kadena ng paa niya. Paglabas ko talaga dito, sasakalin ko si Maria. Bakit ganito sila magtali ng mga bihag?                    “They never knew I exist.”               Napatingin ako sa kanya. “Ah?”                    “Hindi ko alam kung paano mo nalaman ang tungkol sa akin. Kung paano mo ako natagpuan. Hindi ko alam kung paano ka nakarating dito. But no one knows that Zero Schneider exists.”               Nangunot ang noo ko sa pagtataka. “Eh paano ka nakarating sa Sector kung walang may alam na nag-e-exist ka?”                    “I… don’t know. I… I was watching you… from the shadows. But I don’t know how I do that while being in here. I don’t know…”               Nganga lang ako. Adik ba ‘tong kausap ko? Naka-drugs ata ‘to eh. Hindi niya alam kung bakit siya andito? Di nga? Gaguhan ba ‘to? “So ano palang mangyayari? Tunganga lang tayo dito?”                    “May binabalak siya sa’yo.”                    “Si Regine? Yeah I know. Di ko nga lang alam kung ano. Ikaw, alam mo?” nakakatawa ‘tong ginagawa ko, nakikipag-usap ako sa taong pinatayan ko ng syota. xD                    “No, not yet. Aalamin ko palang. Kaya nga kailangan mo akong pakawalan dito.”                    “Di mo’ko niloloko ah?”               Tumingin siya sa akin. “You were the one who wanted my help in the first place that’s why you went here. What’s wrong with you?”               Nga naman kasi. =___=a                    “Osya sya, sige.”               Kinalagan ko yung kadena sa paa niya. Visible pa rin yung sugat. Yung kanina kasi medyo naghilom nang nakatikim siya ng dugo. Gano’n ata talaga ‘yun? Eh pasensya naman kasi, ako na walang alam sa mga bampira.                    “Heto.” Itinapat ko sa kanya yung wrist ko na may dugo pa rin hanggang ngayon.                    “Tama na, ayoko na… tama na…”                    “Ang adik mo, hindi ko naman ikamamatay ang makunan ng konting dugo. Dali na, para lumakas ka kahit na konti.”               Kung ilang beses siyang lumunok bago hawakan ang kamay ko. Saka niya dahan-dahang itinapat sa bibig niya. Then as soon as the scent hit him, kaagad niyang sinunggaban ang dugo and drank it straight. Ramdam ko pa kung paano niya sagarin lahat-lahat. He’s trying so hard not to hurt me pero may konting kirot pa rin dahil sa paraan ng pagsipsip niya sa dugo.               And I’m afraid baka maubusan na ako ng dugo sa kanya.                    “Zero. Uy. Tama na. Zero.”               Tinitignan ko lang siya as he laps up all blood in hand. Maya-maya’y tumigil siya. Pinunasan niya ang dugo sa labi niya. Then he looks at me with sincere apologies written in his eyes.                    “Tumayo ka na, lalabas na tayo.” nakita kong wala na siyang sugat tsaka parang bumalik na ang konting kulay sa kanya.                    “Xanara.” Sabay hawak sa kamay ko.               Lumingon ako. “Oh?”                    “Sakaling may gawin akong masama sa’yo, h’wag kang magdadalawang-isip na patayin ako.”                    “Tss. Why would I have some second thought about killing you? Of course, I would.”                    “Promise me.”                    “Yeah, I promise.” = u =               Ngek. Eh bakit ako naka-cross ng fingers sa likuran? O.o                    “Aish tara na nga.” hinatak ko siya patayo.               Kinuha ko yung torch na nakasabit sa may pader at ginawang ilaw para sa pag-akyat namin sa hagdanan. Saka ko lang naalalang under spell ko pala yung pintuan kaya naka-sarado. Nyeh. Ang hirap naman neto.                    “Marunong ka na sa ganyan?”               Napatingin ako kay Zero. “Huh?”                    “Magic? Yung sa… talent ng mga Hera?”               Napakunot ako ng noo. Saan ko nga ba narinig yung term na Hera? Shete nalimutan ko na. Ah baka yung sa greek mythology? Di ba may hera na name du’n? Asawa ata ni Zeus. Ang fail ng memory ko. Pero sure talaga akong narinig ko na ang ganoong term eh.                    “Err… nakalimutan ko na kung paano binubuksan ang spelled door.”                    “Nag-magic ka pa.” =___=                    “Kapal neto. Teka iisipin ko.”                    “Bilis.”                    “Makapag-utos ka? Sipain kita d’yan eh.” yabang netong bampirang ‘to. Sakalin ko ‘to.               Nakalimutan ko na talaga yun. Ay letse naman. “Pahawak nga netong torch.” Binigay ko sa kanya yung torch.               I positioned slightly afar from the door. I clasped my hand in union. Wala nang ibang paraan. Hindi ko talaga alam kung paano bubuksan eh. Spell for destruction. Mas madali kesa ako mismo ang mag-destruct. Sayang pa pagod ko. “Neya hama eruno neya hama eruno sherana.”               I released the clasp and face my palms forward the door. Wind coursed through the slight space of area I made and it broke the door frontage. I heard someone screamed. Pagtingin ko si Maria na pala. Buti hindi siya tinamaan noh?                    “Woah. Pinabubuksan lang ang pintuan, ba’t kailangan mong durugin?” react nung impaktong nasa likuran ko. = u =                    “Hindi ko nga mabuksan di ba?” =___=                    “Tss. Di mo kailangang manira.”                    “Impakto ka, ang gulo mo. Tara na nga lang.” hinila ko na siya palabas ng Sector, leaving Maria standing in her ground and stunned.               Shet. Tama ba ‘to? Sigurado akong may pina-plano rin si Zero. Remember I was in his memories. Not so soon, may hakbang siyang gagawin laban sa’kin. He’s an enemy. Yet I made him an ally.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD