Kenji Tamayo’s PoVㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ Ilang araw na pero umaandar pa rin ang kaso, tinatanggi no’ng mga hoodlum ‘yung ginawa nila na pagpatay sa lola ko. Nakakaurat, sa tingin ko kasi ay makakabalik na kami sa normal naming buhay kapag nahuli na ang salarin pero mukhang medyo kulang ang ebidensya namin. Sinasabi lang nila na plano sana nila iyon dahil may nagbayad sa kanila para gawin iyon ngunit may nauna sa kanila, ang alibi nila kaya may nagpunta na isa sa kanila sa lamay ng lola ko ay dahil sinisigurado lang nila na patay na talaga. “Arats, shot.” Bigla na lang nagyaya si Gino ng inom. Kung tutuusin ay matagal-tagal na rin nang may dumaloy na alak sa birhen kong katawan, siguro ay oras na. Ang kaso lang ay mabilis kaming malalasing nito dahil kakatapos lang namin mag-basketball. “Bumili na