EPISODE TWO

1096 Words
"Aray tama na po, tama na po!!" sigaw nang batang paslit na umiiyak at na mimilipit sa sakit. Pero parang walang narinig ang don, panay parin ito sa paghampas nang latigo na hawak nito sa katawan nang bata. "aray, aray, aray" sigaw parin nang bata, sa gilid nang kanyang mga mata Nakita niya na tumatakbo ang kanyang inay papunta sa kanya at agad siya nitong niyakap, saka pa huminto ang don sa pag latigo sa kanya. "maawa na po kayo sa anak ko, na kikiusap po ako sa inyu tama na po, nasasaktan na po siya" pakiusap nang kanyang inay kay don pakundo habang umiiyak at mahigpit siyang niyakap. "Anung tama na!" singhal nito kay nanay "alam mo ba kung gaano kamahal ang binasag nang anak mo Marina?!" sigaw nito "hindi naman po ako ang nakabasag kundi ang anak niyu!" paliwanag ko sa kanya "aba't sumasagot kapa at anak ko pa ang pinag bibintangan mo sa iyung kasalanan" saka muli itong iniri ang latigo nitong hawak-hawak. Pero nanatili ang latigo sa eri dahil naagapan ni donya emilda ang kamay nang don "mahal anu ba tama na, hindi kaba na awa sa bata?"pakiusap nito sa kanyang asawa "anung maawa emilda? kulang pa ngayan eh, pati buhay niya ay hindi pa sapat sa halaga nang kanyang binasag" napatiim bagang si Lemuel sa kanyang narinig dahil sa isang figurines ay hindi pa sapat ang kanyang buhay kapalit nito.lalo nang hindi niya naman kasalanan kundi ang anak nitong si samantha. Nakita niyang nabasag ni Samantha ang figurines at nakiusap ito sa kanya na itapon sa labas para hindi ito makita nang ama. Pero siya ang napagbintangan na siya ang nakabasag dahil bitbit niya ang basag na figurines. "mas mahalag pa ba yan pakundo kaysa buhay nang bata?" pag tatanggol ni donya emilda sa kanya "kaya ka hindi ginalang sa ating mga tauhan emilda dahil sa iyung pinakitang kabaitan" galit nitong sabi at nakaharap na ito kay donya emilda "sabi ni Lemuel hindi naman siya ang naka basag kundi si Samantha ang anak natin" paliwanag nito kay don pakundo "at naniniwala kapa sa hampaslupang iyan kaysa sarili mong anak?!" turo nito kay samantha, napatingin kaming lahat at nag hintay na sasabihin ni Samantha ang totoo, ngunit umiling lang ito at agad yumuko. Galit na galit si Lemuel kay samantha dahil pinaako nito sa kanya ang kasalanan nito, hindi lang man ito nag salita at nanatili lang itong naka yuko habang hinahampas siya nang latigo nang ama nito. "Nakita muna emilda? yang hampas lupang yan ang may kasalanan at sinungaling pa kaya tinuruan ko nang leksyun " sabi nitong sa kanya naman naka harap "umalis ka diyan marina kong ayaw mong kayong dalawa ang hampasin ko!" matigas nitong utos kay nanay pero mas lalong hinigpitan ni nanay ang kanyang pag yakap sa akin "segi po don pakundo, kaming dalawa nang anak ko ang hampasin mo kung yan ang kabayaran nang ginawa niyang kasalanan sa inyu".. "inay?!" protesta ko sa kanyang sinabi pero pilit siyang ngumiti sa akin sabay pikit. Niyakap ko rin si nanay at napapikit at nag hintay kaming hampasin nang latigo ni don pakundo, ngunit humarang si donya emilda "emilda! umalis ka diyan huwag mong sagarin ang pasinsya ko!" napamura sa galit ang don sa ginawa nang kanyang asawa. "mahal pakundo, please tama na, ako na ang nakikiusap sayo maawa ka sa kanila" umiiyak na rin ang donya. Huminga nang malalim ang don at matalim itong tumingin kay Lemuel. "ikaw" turo nito kay Lemuel "hindi pa tayo tapos" saka napa mura ito bago umalis. Nakita ko si nanay na parang hinang hina dahil sa nangyayari "inay, patawad po, huhuhu" pinunasan niya ang mga luha ko sa aking pisngi "anak tama na sa pag iyak ha, alam ko hindi mo kasalanan, andito lang si nanay lahat gagawin ko para protektahan ka" mabilis niya akong ginawaran nang halik saka niyakap ulit, "sorry marina, lalo na sayo Lemuel nang dahil sa kasalanan ni Samantha ikaw ang napag bintangan" hinging pa umanhin ni donya emilda sa kanila, pero sa loob² niya hindi niya mapapatawad si Samantha lalo na ang don "Marina, mabuti pa siguro mag paka layo-layo muna kayo dito, pumunta kayo sa ibang lugar gaya nang manila" napatingin kami ni nanay sa sinasabi ni donya emilda "po, bakit po donya" ana ang kanyang nanay "marina alam naman natin kong gaano ka bangis ang don diba?, natatakot ako kong anu pa ang magagawa niya kay Lemuel" paliwanag nito kay nanay, napatingin ako kay nanay na naguguluhan "pero donya wala po kaming sapat na pera para magpakalayo layo" ma ngiyak-ngiyak sabi ni nanay "huwag ho kayong mag alala marina ako ang bahala, ako na ang bibili nang ticket ninyu at bibigyan ko kayo nang pang baon, heto" at inabot nito ang puting subre sa kanyang ina "Naku po donya ang laki na nang tulong na ginawa ninyu sa amin, hindi po namin yan matatanggap" sabi ni nanay "maliit lang to marina kumpara sa naranasan ninyu lalo na kay Lemuel, kahit papaano makakatulong to sa inyung mag ina, segi na tanggapin muna" pinipilit nitong binigay kay nanay, kaya wala nang nagawa ang kanyang inay kundi tanggapin ang perang binigay nito "bukas nang umaga ibibigay ko sa inyu ang ticket at ako na rin ang maghahatid sa inyu sa airport".. "maraming salamat po donya emilda sa kabaitan mo" ngumiti si donya sa amin "Lemuel patawad kong ikaw ang umako sa kasalanan ni Samantha, sana mapatawad mo siya sa kanyang ginawa, alam kong takot din siya sa kanyang ama kaya hindi niya masabi sabi ang totoo" anitong yumakap na sa kanya "sorry ulit Lemuel" habang umiiyak parin ito pero hindi niya pinakinggan ang mga sinasabi nito nasa puso niya ngayun ay pout at galit kay samantha at sa don. "Aray, aray" iyak ako nang iyak habang ginagamot ni nanay ang aking mga sugat sa likod "anak patawarin mo si nanay kong hindi agad kita na protektahan kanina sa kamay nang don" hinging pa umanhin nito sa kanya "nay ok lang po ako kaya ko po" pilit akong ngumiti kay nanay para hindi na siya mag alala sa akin, niyakap niya ako nang mahigpit "anak kahit anung mangyayari huwag mong kalimutan na mahal na mahal ka ni nanay ha, mag pakatatag ka anak" saka hinalikan niya ako sa noo "nay anu ba? diba aalis tayo bukas pupunta tayo sa manila doon na tayo manirahan nay at gagawin ko ang lahat para maibigay ko sa inyu ang iyung pangangailangan" at niyakap ko rin siya nang mahigpit. "ikaw talagang bata ka, dapat ako ang mag sabi niyan" natatawang tugon ni nanay".
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD