Nang sumunod na day-off ni Angie ay nag-pacheck-up nga siya at lihim siyang sinamahan ni Mory. Nagpaultrasound siya at kitang-kita niya ang saya sa mukha ni Mory habang pinapakinggan nila ang heartbeat ng baby nila na 6 weeks na raw sa tiyan niya. Alam naman niyang hindi siya tatakbuhan ni Mory, dahil isa itong responsableng lalaki. Kahit nga hindi pa siya buntis ay niyaya na siya nitong pananagutan siya nito at pakakasalan. Pero hindi naman siya abusadong babae. Magpapakasal lang siya kay Mory kung parehas silang nagmamahalan, na napaka-imposibleng mangyari. Niresetahan siya ng OBgyne niya ng mga vitamins na agad namang binili ni Mory at pagkatapos ay kumain lang sila sa labas, bumili ng mga prutas at ipinaggrocery pa siya nito pagkatapos ay inihatid na siya ni Mory ng palihim. Na