Nagising si Angie na masakit ang ulo niya. Uminom nga pala siya kagabi dahil nag-outing sila ng mga katrabaho niya. Pero hindi naman siya nakapagswimming… Bigla siyang napadilat ng mga mata nang maalala ang nangyari sa kanila ni Mory kagabi. Shit!! Bakit nila iyon ginawa ni Mory?! Bakit hinayaan niya ang sarili niyang magpaangkin kay Mory?? Dilat na dilat ang mga mata niya habang nakatingin kay Mory na tulog pa rin at nakayakap pa ang braso nito sa beywang niya. Shit talaga! Hindi siya nagha-hallucinate dahil totoong nangyari ang nangyari kagabi! Mariin siyang napapikit habang nag-iisip ng maaaring solusyon sa nagawa nilang pagkakamali. Oo pagkakamali iyon dahil balak na niyang ibaling kay Oscar ang nararamdaman niya para kay Mory. Higit sa lahat ay walang nararamdaman na espe