"KIENLEE." Mula sa pagkain ni Kienlee ng carbonara ay nag-angat ito ng mukha. "Yes?" Uminom muna ng juice si Johairah bago nagsalita. "Puwede bang ikaw na lang ang kumanta? Ako na lang ang tutugtog ng piano." Mas gusto kasi niya ang tumugtog na lang kaysa ang kumanta. Nang mga sandaling iyon ay nasa music room sila sa bahay nina Kienlee. Mahilig daw kasi sa music ang ama nito kaya maraming musical instrument ang ama nito. Na-meet din niya kanina ang ina ni Kienlee na hindi mapagkakamalang nanay nito. Parang magkapatid lang ang mga ito kung tutuusin. Hindi rin pumayag ang Ginang na mag-practice agad sila ni Kienlee. Pinagmeryenda muna sila nito para daw ganahan silang mag-practice. "Why?" Hindi siya sumagot. Mataman lang niya itong tinitigan. What a handsome face. Mukha ng isang playbo