C-2

2066 Words
Friends If I remember correctly nagsimula ang lahat sa Tambayan, My friends and I were talking seriously when a man suddenly arrived. "Who are you?" I asked. Kami lang dapat ng kaibigan ko rito sa cottage, isang cottage ito na kapag na renta niyo na ay walang dapat pwedeng maki-sali. It means no share with other people. "I'm sorry, I think I'm lost," he answered seriously. Tumango naman ako, minsan din kasi ay merong naliligaw rito. Lalo na merong Royal at Regular cottages. "Oh, okay. What is the number of your cottage? Maybe I can help," I asked and offered my help to him. May kinapkap ito sa bulsa at ilang sandali ay pinakita sakin ang kanyang card number. "Cottage number three? Royal cottage?" Tumango naman ito sakin, ang Royal cottage dito sa Tambayan ng Solana ay isang magarang cottage, bale ito ang pinakamalaki at mamahalin in-short sosyal na cottage. And I think one thousand pesos ang renta bawat cottage sa Royal. "Count from here, six cottages, and you can see your cottage, which is royal number three." Sana lang talaga maintindihan nito ang ibig kung sabihin, parang foreigner pa naman ito. "Salamat." Rinig kong napasinghap ang nga kaibigan ko, kahit ako ay hindi alam kung ano ang tamang e-rereact. Gago naman pala siya e, alam naman pala nito ang salitang Tagalog pinahirapan niya pa ako sa pag English. "Alam mo ang lengwaheng Tagalog?" He shrugged his shoulder, "Yes, Obviously I'm Filipino, So I know how to speak Tagalog." Parang umakyat lahat ang dugo ko sa mukha, ramdam ko na din ang pag-init ng mukha ko. Hindi uminit dahil sa hinga kundi dahil sa galit. "Eh gago ka pala eh! Umalis kana ng—" "Ah-eh sir alis kana po, bago ka'pa mabugahan ng apoy." Pagsasalita ni Sophia habang tinatakpan ang bibig ko. Nakita ko'pa pano nagtaka ang mukha ng lalaki, pero dali-dali rin namang umalis. "Bitawan mo nga ako Sophia! Suntukin ko talaga sa mukha yon eh!" Inis kong saad. "Huwag ka ngang highblood Vienna, alam ko naman nakaka-bwesit ang lalaking yon. Pero huwag mo naman siyang suntukin. Sayang ang mukha niya, pogi pa naman." Masama ko siyang tinignan, "Ah, So hindi ko siya pwedeng suntukin kasi na sasayangan ka sa mukha niya? Eh paano kung ang mukha mo nalang kaya ang suntukin ko?" Inis parin na saad ko kay Sophia. Awtomatiko naman nitong tinakpan ang sariling mukha, "Huwag ka nga! Vienna. Ang ganda ko kaya para suntukin mo lang." Nag hagikhikan naman ang dalawa pa naming kaibigan na si Roselle at Rhoda. Pagtingin ko sa dalawa ay agad itong tumahimik at nag sign shut-up pa sa sarili para hindi ko mapagalitan. Napa-irap nalang ako at agad umupo ulit, Inabot ko ang mineral bottle para sana iinom pero ubos na pala ito. Bumuga ako ng hangin bago tumayo para makapunta sa tindahan rito sa Tambayan, nauuhaw kasi ako. “Oh saan ka pupunta?” Roselle asked. “Water.” ikling saad ko at agad lumabas sa cottage. Wala naman silang sinabi o kahit pinabili kaya't agad akong pumunta sa entrance dahil nandon ang tindahan, pagdating ko ay maraming tao na. "Ano sayo hija?" Ngumiti ako sa tindera, "Mineral water po." "Pasensya kana hija, ubos na ang mineral water ko dito, punta ka nalang sa Royal cottage side baka meron pa silang tubig doon." Pagkarinig ko sa sinabi ng tindera ay para akong naging tuod, para bang umabante ang uhaw ko kanina. Bakit ba ako kakabahan kung bibili lang naman ako ng tubig diba? Tumango ako sa tindera at wala sa sariling tinahak ang daan patungo sa Royal cottage, dalawa kasi ang tindahan rito, isa sa Regular at isa rin sa Royal. Same price parin naman. Habang naglalakad ako ay pansin ko ang kakaibang tingin nila sakin. Oh right, I'm just wearing simple jeans and a black shirt. My long black hair is not tied. Kaya siguro napatingin sila sakin dahil hanggang Regular cottage lang ako. Naikiling ko ang ulo bago nagpatuloy sa paglalakad. "Ate isang mineral water nga, po." "Thirty pesos Yong mineral water namin dito Inday!" Napataas agad ang isang kilay ko dahil sa kakaibang tono ng pananalita ng tindera sakin, "Bakit po? Bibilhin ko naman yan kahit singkwenta pesos pa yan." May halong inis na saad ko. Agad naman napayuko ang tindera dahil sa turan ko, abah akala yata nito na wala akong pera. Dito sa Pinas kahit kailan meron talagang mapanghusga. Yong makikita lang nila na naka-simpleng suot ka lang, kaya pakiramdam nila ang hirap hirap muna para hindi ma afford Yong tubig na tig-trenta. "Wala naman akong sinabing hindi mo afford Inday." Mas lalo tuloy napataas ang kilay ko, "Wala ba? Pero sa susunod ate ayusin mo ang tono mo, parang iba kasi ang ibig-sabihin." Agad akong umalis doon at baka maging away pa ang nangyari. Hindi ako sumasagot sa mga mas matanda sakin pero kung wala na sa lugar ang punto niya ay hindi mo talaga mapipigilan ang bunganga ko. Bastos na kung bastos pero yan ang realidad dito sa Pinas. Merong mapanghusga, merong hindi. Merong mayaman na mabait, meron namang mayaman na sobrang mapanglait. Pagbalik ko sa cottage namin ay naabutan ko ang tatlo na may tinitignan sa selpon ni Sophia. Hindi man lang nila napansin na nakarating na ako. "Ano sa tingin niyo? Ang ganda niya di'ba?" Roselle said. "Oo nga ang ganda niya, Mas maganda pa kay Vienna." Sophia answered. "Hoy tigilan niyo na ngang ikumpara si Vienna sa babaeng yan, kahit maganda pa siya pangit naman ang ugali." Rhoda said. "Totoo naman ah! Bakit ba pumapalag ka, Rhoda? Nakalimutan muna ba ang pustahan natin?" Mapait akong napangiti, I thought I found a true friends. Hindi pala, tulad rin pala sila sa mga na kaibigan ko noon. Yong mga panahon na hindi pa ganito ang estado namin ni Mama. "Kahit na Sophia! Wala tayong karapatan na husgahan ang isang ta—" "Oh, shut up!.... Rhoda baka nakalimutan mo kung ano lang ang estado ng buhay niya, Hindi na talaga ako makapaghintay na putulin ang ugnayan natin sa kanya." Maarte na saad ni Sophia. "Your such a b!tch Sophia! Hindi naman pala bukal sa puso mo ang pakikipagkaibigan kay Vienna. I thought joke lang ang lahat ng pusta na yon, totoo pala talaga." Si Rhoda. "Alam mo tama talaga si Kuya eh, masamang impluwensya ka talaga para sakin. Kaya nga siguro hindi ka magawang pansinin o magustuhan ni kuya dahil diyan sa ugali mo!" Pag-pihit ni Rhoda ay agad niya akong nakita, nakita ko'pa ang paglaki ng kanyang dalawang mata. "K-kanina ka'pa?" Marahan akong tumango at naglakad palapit sa bag ko kung saan nakalapag. Pagkakuha ko sa bag ay agad akong lumabas ng cottage para makauwi. Hindi pa yata nag sink-in lahat sa utak ko ang mga nalaman. Malapit na ako sa exit ng— "Vienna! Vienna! Vienna wait!" It's Rhoda, salamat sa kanya dahil naging totoong kaibigan ko siya. Kung sino pa yong hindi gaanong nagsasalita sa tropa namin ay yon pa ang matatawag na totoong kaibigan. Inaamin ko, umaasa akong bawiin ni Sophia ang kanyang mga sinabi. Pero wala eh, totoo talagang pinag pustahan lang nila ako. Huminto ako para maabutan ako ni Rhoda. "V-vienna sorry, akala ko talaga joke lang ang lahat na sinabi noon ni Sophia. Sorry talaga, promise totoong kaibigan ang turing ko sayo." Rhoda said at itinaas pa ang isang kamay para sabihing totoo ang sinabi niya. Napailing nalang ako, "It's okay, it's okay Rhoda. Sanay ako." At marahan na ngumiti sa kanya. Kahit nakitaan ko ang pag-alangan niyang ngumiti ay pilit parin siyang ngumiti, para tuloy siyang natatae. "U-uuwi kana Vien?" She asked. Tumango lang ako, wala akong ganang magsalita. "S-sabay na tayo?" Malapit lang kasi ang bahay ni Rhoda sa bahay namin, tatlong bahay lang ang pagitan kaya't pwede talaga kaming magsabay. Marahan lang akong tumango at nagpatiunang naglakad. Hindi ako nagdala ng bike ngayon kasi sabi nila maglalakad lang raw kami habang masayang nagkwentuhan pero mukhang iba ang nangyari ngayong araw. "Vienna sorry talaga." Tumingin ako kay Rhoda bago bumuga ng mabigat na hangin. "I know it's my fault, pasensya na kung mahirap lang kami ni Mam—" "Vienna what are you talking about? Wala akong pakialam sa estado ninyo ni Tita, what I'm saying is totoong kaibigan ako, totoo ang pakikipagkaibigan ko sayo walang halong biro o pusta tulad sa sinabi ni Sophia kanina." Ngumiti ako ng bahagya, thanks to her meron pa pala talagang tulad niya. Pinagtanggol niya din ako kanina mula kay Sophia na walang preno ang bibig. Tulad ng sabi niya ay sabay kaming naglakad pauwi. Kahit distansya ang lalakarin namin ay pinanindigan parin ni Rhoda na sabay kaming uuwi. Malapit na kami ng may tumawag kay Rhoda. "Rhoda! Napaka loser mo talaga........" Maarte niyang sabi sabay tawa pa. Hindi ako nakaramdam ng galit para kay Sophia kundi sakit sa dibdib dahil mababang uri lang pala ang turing niya sakin. So ano pala yong sinasabi niyang para niya na akong kapatid? Ano pala yong maayos niyang turing sakin? Wala lang yon sa kanya? Parte din sa pustahan nila? Ang unfair naman kapatid na ang turing ko sakanila tapos ganito pala talaga ang turing nila sa'kin, isang mababang uri na pwede lang tapakan. "Shut up Sophia! Sumusobra na ang bunganga mo! Pwede ba kung wala kang ginagawa lubayan mo kami!" Singhal ni Rhoda. Hindi ako maka-imik para bang bigla akong nawalan ng boses. "Totoo naman kasi eh, hampas lupa lang siya...." Hindi na ako makatiis at agad na tumingin sa mga mata ni Sophia, pansin ko naman ang pagkailang niya sakin. "Kung mababang uri lang ang turing mo sakin, PIA.... Huwag kang lalapit sakin baka mahawaan ka'pa." Mapait kong saad at agad naglakad papalayo sa kanila. Mabuti nalang ay una ang bahay nila Rhoda bago saamin. Mabilis ang paglalakad ko kahit pa rinig ko ang pagtawag sakin ni Rhoda. Hindi ko iyon pinansin at tuloy-tuloy pa'rin sa paglalakad. Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko si Mama na nakatulala, I want to talk to her about Papa. Gusto ko ng umalis rito dahil baka matuton kami ni Papa, Lalo na nakuha na naman namin ang atensyon ng mga tao rito sa Bayan ng Solana. "Ma?" Ilang minuto pa ang lumipas bago niya akong binalingan, "Oh, anak kanina ka pa ba?" Marahan naman akong tumango, "Ma, may problema ba? Nakatulala ka kasi." Bumuntong hininga si Mama ibig-sabihin may problema nga, "Nag-alala ako sa kaligtasan mo anak, mukhang nakatunog na ang ama mo kung nasan tayo." May pag alalang wika ni Mama. Hindi agad ako naka-imik, I don't want to go back to that mansion. If I go back, I will probably die there, along with my mother. Tama na yong pananakit na ginawa niya saamin, dahil kung babalik kami ni Mama doon ay hindi ko'na kakayanin pa. Umiling ako kay Mama, “Ma, imposibleng matunton niya tayo. Wala tayong gaanong kaibigan rito sa Solana kung meron man ay ang mga magulang lang ng mga kaibigan ko at guro.” Bumuga ng hangin si Mama. “Kahit na, hindi parin tayo pwedeng makampante.” Tama si Mama hindi kami pwedeng makampante lalo na kilala ko si Papa, He's going to do anything just to get me and my mother. Mabuti nalang dahil hindi nagtanong si Mama bakit hindi ko kasama ang mga kaibigan ko ng makauwi ako. Nakasanayan niya kasing palaging dumidikit ang mga kaibigan ko sakin. Kasalukuyan kaming nag umpisa na mag set-up ng hapag kainan namin, upang makakain na. Tahimik akong umupo habang hinihintay si Mama, Sana lang hindi ito mag tanong tungkol sa mga kaibigan ko. Pagkaupo ni Mama ay nagdasal muna kami bago nagsimulang kumain. Ngunit nasa kalagitnaan ako sa pagsubo ay biglang nagsalita si Mama. “Hindi nakadalaw mga kaibigan mo ngayon, Vienna? Bakit? May problema ba sila?” Kung hindi ko lang agad naabot ang isang bagong tubig ay sigurado akong nabulunan na ako. “U-uhmm..... A-ano po k-kasi—” “Inaway ka nila? Nag-away kayo?” Alam talaga ni Mama ang lahat, kilala niya talaga ako. “Tulad din sila ng dati, Ma.” Tumango si Mama hindi niya na kailangan pang magtanong kung ano ang dahilan dahil alam niya na. “Pero hindi kasali si Rhoda, She's nice at pinagtanggol niya ako sa iba.” segunda ko. Tumango ulit si Mama, “Maganda kung ganon, atleast isa lang ang alalahanin mo kapag aalis tayo ng Solana.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD