C-1

1220 Words
Caution ⚠️ This story is under review and edited, kung may makita man kayong mali ay sana maiintindihan niyo. Thank you and enjoy reading. Simula “I CAN'T MARRY YOU! BAKIT BA HINDI MO YON MAIINTINDIHAN HA?!” Malakas kong sigaw sa kanya. I hide inside Isla Apoy to protect myself from my father and stepmother. I don't want to leave the island because I know my life would be in danger outside. “Why?....V-vienna? Why?....” Napunit ang dibdib ko ng makita ko ang kanyang luhang nagsidaluyan. Ayokong sumama sa kanya sa labas. Alam kong nandon ang kanyang hanap buhay at ang buhay niya. Pero ako? Dito ang buhay ko, dito ako pwede... Dahil ito ang pinakaligtas na lugar para sa akin. Hindi ako nagtatago rito, nakakalakad ako sa maraming tao na walang tinataguan at nakakatulog ako sa gabi ng mahimbing. I found myself here. My happiness is here, with Lennox, of course. Pero kung hihilingan niya sa akin na sasama ako sa kanya sa labas ng Isla ay ayoko. Duwag na kung duwag pero kailangan kung ingatan ang sarili ko. Kailangan kung sundin ang sinabi ni Mama sa'kin bago siya nawala. Walang sinuman ang magprotekta sa sarili ko, kundi ako lang din. Kaya't kung kinakailangan ay dito na ako habang buhay sa loob ng Isla ay gagawin ko maging ligtas lang. "I-i can't L-lennox... I'm sorry." Umiling-iling pa ako at dahan dahan na tinanggal ang kanyang kamay na nakahawak sa isang braso ko. Dahil pakiramdam ko kung hindi ko tatanggalin ang kanyang kamay ay baka sasama na ako sa kanya. I love him deeply! My love for him is real, pero hindi ko maibibigay ang gusto niyang mangyari. "Why? Hindi pa'ba sapat ang pagmamahal ko? Vienna— kaya kitang buhayin at alagaan...P-please, s-sumama ka sa'kin." Umiling-iling ako at pinipigilan na hindi mapa-hikbi, "Hindi pwede Lennox..." Mapait kong saad at agad siyang tinalikuran. Ngunit hindi paman ako nakakalayo sa kanya ay agad niya akong hinatak at niyakap ng mahigpit, mas lalo tuloy akong naiyak. Pinilit kong itulak siya ngunit hindi ko magawa dahil ubos na ang lakas ko. "Bakit? Bakit ba hindi pwede, Baby?" Bulong niya sakin. Napapikit ako ng maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa bandang tainga ko. "B-basta... h-hindi pwede, L-lennox....Please pakawalan mo nalang ako. Masasaktan lang tayo pareho kapag patuloy na ganito e." Hirap na hirap kong saad. Naramdaman ko ang marahan nitong pag-iling. Mas masasaktan kaming dalawa kung ganito na walang bibitaw. "L-lenno—" "K-kaya ba hindi p-pwede kasi.... Hindi muna ako mahal?" Nabigla ako sa kanyang tanong at ramdam ko din ang paninigas ko sa kinatatayuan ko. Dahan dahan niya akong binitawan at tinignan sa mata. Kung ito ang tanging paraan para maghiwalay kami ng landas ay gagawin ko. Kung ito ang tanging paraan para iiwas ko siya sa gulo ng pamilya ko ay handa akong sumugal. Marahan akong tumango, "I-i'm sorry... Lenno—" "Bullsh!t!... What the fuvk, Vienna! You are absolutely lying to me!" Napapikit ako sa sobrang lakas ng kanyang sigaw at kasabay non ay ang sobrang lakas ng buhos naman ng ulan. Para bang nakikidalamhati din ang panahon sa sakit na nararamdaman namin pareho. "I'm sorry, I'm sorry..." Paulit ulit kong saad. Napahagulgol nalang ako ng agad siyang tumalikod sakin. "Then, I don't want to see your face again, Vienna." Malamig niyang turan sakin. I'm sorry Lennox, kung totoo mang mayroong kabilang buhay ay sisiguraduhin kong ikaw ang pipiliin ko at ipaglaban ko. Pero sa buhay na'to, pasensya na at wala akong lakas lumaban, patawad kung naduduwag ako sa buhay na'to. Tumalikod din ako at bawat apak ko papalayo din sa kanya ay ganon naman ka bigat ang dibdib ko. Ayokong madamay siya sa problema ko, ayokong siya ang magiging target ng ama ko. Pagdating ko sa apartment ay agad kong ni-lock ang pinto at umupo sa sahig habang umiiyak at habang basang basa ang buong katawan dahil sa ulan. Ang sakit na pilit mong tinataboy ang taong mahal mo. Pero kung ito ang paraan para maprotektahan ko siya ay gagawin ko. Dad wants me to go with him, ibabalik na naman niya ako sa impiyernong mansyon na iyon. Ayokong babalik doon, tapos na ang paghihirap ko sa bahay na iyon. Nawala si Mama dahil sa kanila, isinugal ni Mama ang kanyang buhay para mailigtas ako tapos babalik lang ako don? No way! Kung babalik man ako doon mas pipiliin ko pang mamatay nalang kaysa maranasan ang paghihirap tulad noon. Kung sana lang ay saakin tumama ang bala ay hindi sana mawawala si Mama. Pero hindi eh, sinalo ni Mama ang balang para sakin dapat. Pero ang napakasakit sa lahat ay ang katutuhanan. Katutuhanan na ang sariling ama ko ang pumatay sa Ina ko. Ang sariling ama ko na palaging gusto ay mapahamak ang pamilya niya. Hindi ko talaga alam kung bakit nagustuhan ni Mommy ang katulad niyang lalaki, napaka-demonyo niya. Wala siyang awa, sariling asawa at anak ay kaya niyang patayin para lang sa kanyang kabet. Kaya hindi kami pwedeng magsama ni Lennox sa labas ng Isla, kung sana dito lang kami sa loob ng Isla mag sesettle ay pwede pa siguro. Pero ang gusto niya kasi ay sa labas ng isla, Isang lugar na hindi ko kayang puntahan. Natatakot akong si Lennox ang puntiryahin ng ama ko. Wala siyang pili basta't makukuha niya lang ang kanyang gusto, kahit pa marami siyang madihadong tao ay wala siyang pakialam. Ganyan siya ka demonyo. Hindi ko namalayan na nakatulugan ko'na pala ang pag-iyak. Nagising lang ako ng marinig ko ang sunod-sunod na katok. "Vienna! Vienna! Open the door!" Agad nagsalubong ang kilay ko ng marinig ang boses ni Stephanie. Stephanie is my bestfriend, siya lang ang natatangi kong kaibigan rito sa isla. Napangiwi ako ng maramdaman ang pananakit ng buong katawan ko, hindi kasi maayos ang posisyon ko ng humiga ako at sa sahig pa ako nakatulog kaya siguro masakit ang buong katawan ko dahil sa lamig din ng sahig. Paika-ika naman akong naglakad patungo sa pintuan at pagbukas ko ay ang mukha agad ng kaibigan ko ang nabungaran ko ang mukha niyang nag-alala. "Step—" "Gosh! Vienna, anong nangyari? Ayos ka lang ba?" Taranta na tanong ni Stephanie sakin. Tumango naman ako at bumalik sa kama, "Ayos lang ako Step." Panigurado ko sa kaibigan ko para hindi na ito mag-alala pa. "Wala na'ba talaga kayo ni Lennox? N-nakita ko kasi siyang kahalikan si Marian kanina, I think paalis sila ng Isla." Na-estatwa ako sa kinauupuan ko at hindi makapaniwala sa narinig mula sa kaibigan pero alam ko naman na ako rin ang may kasalanan, dahil ako ang nagtulak sa kanya na umalis at lumayo sakin. Agad akong nag-iwas tingin kay Stephanie, "Mas maganda ngang sila ang magkatuluyan Step, hindi kami para sa isa't isa ni Lennox." Marahan kong turan. Pero ramdam ko sa sarili kong sobrang sakit na. Sino ba kasi ang hindi masasaktan kong ang taong minahal mong totoo ay kahalikan ng ibang babae. Pero atleast alam kong totoong minahal siya ni Marian. "Vien, alam kung nahihirapan ka sa sitwasyon mo pero kaya ka naman siguronh protektahan ni Lennox. Mas pipiliin mong saktan ang sarili mo, pero ang tanong ikaw lang ba ang nasasaktan? Di ba nasasaktan din Lennox? You can explain it to him kung ano ang nangyayari sa buhay mo." Hindi agad ako nakaimik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD