C-4

2055 Words
Vienna Nagulat ako ng makita ko, kung paano sinampal ang kaibigan ni Rhoda. Nalaman kong Vienna pala ang kanyang pangalan ng tinawag ito ni Eric kani-kanilang. Napataas bahagya ang kilay ko ng hindi ito lumaban sa babae. Sa halip ay tahimik lang nitong hinaplos ang sariling pisngi. Tatayo na sana ako para awatin ang mga ito ng biglang sumulpot si Tita Zel. Shawn step-mother and Rhoda's Mother. Natawa ako ng biglang sinampal ni Tita ang babae na sumampal kay Vienna, mukhang pinagtanggol ni Tita si Vienna mula sa babaeng nanampal kanina. “Dude, long lost sister mo ba si Vienna?” Napataas naman agad ang kilay ko sa sinabi ni Eric. What was he trying to say? Like Vienna look at me minute ago? “Dahil tulad mo ngayon, nakatitig rin si Vienna sayo kanina ng papunta ka rito. Hindi ko din natanong ang isang yon.” dismayado nitong saad. I couldn't help but smile secretly dahil sa nalaman mula sa kaibigan kong si Eric. So tinitigan niya nga ako kanina habang papunta ako rito kanina. Ngayon palang ay nakuha niya na ang atensyon ko. She's kinda weird. Tahimik lang akong uminom ng mawala sa paningin ko si Tita Zel at Vienna. Baka gamutin ni Tita ang pamumula ng pisngi nito mukha pa namang malakas ang natanggap nitong sampal kanina. “Dude, are you listening to what I'm saying?” I immediately turned towards Eric, who was still speaking. “What did you say? Can you repeat it.” I asked. Dahil hindi ko narinig ang unang sinabi nito dahil na distract ako sa dalawang babae. “I said, how's Tita? And about Marian?... Matutuloy ba ang engagement party? Sigurado ka bang susundin mo ang kagustuhan ni Tito?” sunod sunod na tanong ni Eric. Isa pa ito sa problema ko ngayon, dahil mukhang napilitan si papa na pumayag sa alok ng kumpare nito. I really don't understand bakit kailangan na merong arrange marriage sa larangan ng negosyo. Pwede namang mag invest na walang kasal na mangyayari. At dapat tinitimbang nila ang kanilang anak, paano pala kung hindi nito gustong ma kasal sa pamamagitan ng negosyo? Di'ba? Bumuntong hininga ako, “Okay lang naman si Mama, pero tungkol kay Marian..... I don't know how to deal with her.” problemado kong saad. Hindi ko siya gusto sa totoo lang at hindi ko siya magawang magustuhan kahit sa anong paraan. Hindi ko lang talaga siguro ma appreciate ang beauty niya. Dahil wala naman talaga siyang beauty para sa’kin. “Why? I think Marian is okay, and dude her body is curvy...” natatawang ani ni Eric. Nang-iinsulto yata ang isang 'to. “Really, Eric? You find her beautiful? Don't worry I'll surely recommend you to her.” Nanunuya kong saad. Agad naman napangiwi ang kaibigan kong si Eric matapos marinig ang sinabi ko. “Nah...Thank you, but I don't like her either.” natatawa na saad nito. Ayaw nga niya, ano nalang kaya ako. Napailing nalang ako dahil sa pagtanggi niya. Hindi ako dito matutulog ngayon dahil maaga ang flight ko paalis bukas. Kailangan ko ng bumalik sa Maynila dahil tumatawag na ang sekretarya ko, may importanteng meeting akong dadaluhan. Uuwi ako ngayon sa Motel kung saan ako nakapag-booked ng room. Malapit rin kasi ang lokasyon ng Motel patungo sa airport. Inisang lagok ko ang alak sa can beer, ito na ang huling beer ko dahil kailangan ko pang mag drive. Tatayo na sana ako upang makapag banyo ng biglang sumulpot si Shawn na masama ang mukha. “Dude.” Tawag pansin ko kay Shawn. Lumingon naman ito sa’kin pero malalim parin ang gitna ng noo nito, “What’s wrong?” nag-alalang tanong ko. Marahan lang itong umiling, simula noong nag-asawa ulit ang ama nito ay napapadalas itong wala sa mood. Minsan nga napaisip ako kung totoong magkasundo ba talaga ito sa anak ni Tita Zel. “Nothing.” tipid na sagot nito. Hindi na ako nag-usisa pa at agad na tumahimik, kailangan ko pang magpaalam rito dahil anong oras na at kailangan ko pang bumyahe pauwi sa motel. “Shawn, hindi na ako magtatagal at kailangan ko pang bumyahe ngayon, remember bukas ang alis ko.” Hindi ito tumingin sa'kin pero tumango naman, “Ingat ka.” Mukhang may problema nga ang Isang 'to dahil nagtitipid ng salita. Tumayo na ako at tinignan ang ibang kaibigan na mukhang lasing na. “Mauuna na ako sa inyo.” panimula ko. Si Eric lang ang pumansin sa'kin. “To where? Akala ko dito tayo matutulog ngayong gabi?” Masapak nga ang isang 'to, “Remember bukas ang alis ko pabalik ng Maynila.” Tumango-tango naman ito, “Oh, right. Ingat ka dude.” Napailing nalang ako at agad naglakad papasok ng mansyon para makapag paalam naman ako kay Tita at Tito. Ramdam ko din ang malagkit na titig ng iilang mga kababaihan. Pagpasok ko sa loob ay namataan ko agad si Tita na masayang nakikipag-usap sa isang babae na hindi ko kilala. “Tita, sorry to interrupt your conversation, but I'm here to bid you goodbye," pagsisimula ko. Tita Zel quickly turned towards me with a smile on her lips. "You're leaving so soon, Hijo. Oh siya hindi na kita pipigilan pa at baka may importante ka pang pupuntahan o gagawin.”she said. Natawa naman ako ng mahina, “Maaga po kasi ang flight ko bukas pabalik ng Maynila kaya't hindi na'po ako magtatagal rito.“ Rason ko kahit hindi naman tinanong ni Tita Zel. Tumango naman ito pero ng dumapo ang mukha nito sa kausap ay agad itong napangiti, “Hijo, si Vienna pala kaibigan ni Rhoda.” Agad naman akong napabaling sa kausap nito, so si Vienna pala ito hindi ko man lang nakilala. Naka tali na kasi ang mahaba nitong buhok. “Hi I'm Lennox nice to meet you.” pakilala ko sa kanya. Marahan naman itong bumaling sakin, “Vienna, nice to meet you too.” Mariin nitong saad na may kaunting ngiti. Mukhang hindi napansin ni Tita ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Pagkatanggap niya kasi sa kamay kong nakalahad ay agad niya itong pinisil, kung siguro babae lang ako. Paniguradong sumigaw na ako dahil sa sakit. “Alis na'po ako Tita. Pasabi nalang po kay Tito na umalis na'po ako, salamat po sa pagkain.” Tumango naman ito, “Hindi na kita pipigilan, Hijo. Gumagabi na'rin ba-byahe kapa.” hindi na nga ako nagtagal pa at agad nag lakas palabas ng bahay nila. alas dyes na ng gabi at halos dalawang oras pa ang kailangan kong i-byahe. Pagdating ko sa parking area ay agad kong pinuntahan ang kotse ko, kailangan ko'pa itong idaan sa transportasyon shipment para madala ko sa Maynila. Pagkasakay ko ay namataan ko si Vienna na naglalakad palabas ng gate. Mukhang uuwi na siguro. Nang malapit na ako sa gate ay bumusina ako sa guwardiya para mabuksan ito, binaba ko din ang bintana para maka-usap si Vienna. “Vienna! Get inside I'll give you a ride.” pag-alok ko. Gabi na rin kasi at babae ito, paano kung makatagpo ito ng masamang tao? Iba pa naman ang karamihan ng tao ngayon. Ang taas ng killing numbers at raped case ngayon, mahirap na. Nakakunot ang noo nitong bumaling sa’kin. “Nah, thank you but no thanks. Kaya ko ang sarili k—” Hindi na ako nag sayang ng oras at agad itong binuhat papasok sa kotse. Ayoko sa lahat yong nagmagandang loob na nga ang tao tapos magmukha pa akong desperado. “Hey! Ano ba! Ibaba mo nga ako!” Reklamo nito. Pero hindi ko ito pinansin sa halip ay pabagsak ko siyang binaba sa upuan at agad sinuotan ng seatbelt. “Stay still or else....” “Or what?” malaki ang matang usal nito. “I'll kiss you.” Banta ko. Agad naman itong tumahimik kaya't napa-ngisi ako. Takot palang mahalikan eh. Hindi na siya nag reklamo at tahimik lang na umupo, “Saan ang daan patungo sa inyo?” pagtatanong ko ng makalas ng gate. Hindi ito umimik pero tinuro ang daan patungong dulo, so iisang street lang pala sila ni Rhoda. Ilang bahay ang nadaanan namin at hinihintay ko lang ang kanyang sinyas. “Stop, dito na ako.” wika nito ay tinanggal ang seatbelt. Napakunot-noo naman ako ng kakahuyan ang nakikita ko, “Kakahuyan ito, saan ang sa inyo?” kuryuso kong saad. Bumaling ito sa’kin habang lumalim ang gitna ng noo nito, “Bakit andami mong tanong? Sinabi ko bang ihatid mo ‘ko?” inis na wika nito. Mahina nalang akong natawa, “Bakit ka ‘ba galit sa’kin? Dapat nga magpapasalamat ka dahil inalok kitang ihatid.” “Bakit sinabi ko bang magpahatid ako?....Ikaw 'tong basta bata nalang nagbubuhat eh.” may halong galit na wika nito. Itinaas ko nalang ang dalawang kamay ko para sumurender, wala akong laban sa kanya. Ang talas talaga ng dila eh. “Okay, okay, mag-ingat ka nalang sa daan patungo sa inyo.” Agad itong umalis ni hindi manlang nag pasalamat sa’kin. Napapailing nalang ako dahil sa kanyang inasal. She's weird, right? Nang hindi ko na makita si Vienna ay umalis na ako sa lugar na iyon at binaybay ang daan patungo sa transportasyon shipment para sa kotse ko at meron ng taxi ang naghihintay doon sa’kin. Lahat naka plano para walang aberya na mangyayari. Habang nasa kalagitnaan ako ng byahe ay biglang tumunog ang selpon ko na nakakunikta sa kotse ko na touchscreen, kaya kailangan mo lang siyang e, slide para masagot ang tawag. “Ma.” “Hijo, kailan ang balik mo? I miss you.” si Mama. I smiled, even though I was just their adopted child, they never lacked in providing for me. They gave me what I needed and loved me as if I were their own son. They fulfilled the role of being parents better than my biological parents. “Bukas ang flight ko pabalik ng Maynila Ma, pero hindi muna ako dederetso sa mansyon dahil kailangan kong dumalo sa importanteng meeting bukas.” Rinig ko naman ang buntong hininga nitong dismayado, “Ganon ba? Sayang naman meron pa naman akong bisita bukas at gusto ko sanang ipakilala ka.” Alam ko kung ano ang ibig-sabihin nito, "Ma, malaki na ako hindi muna kailangan pang maghanap ng babaeng para sa'kin kaya ko po ang sarili ko pagdating sa babae.” “Alam ko naman anak, pero hindi ko naman maiwasang mag-alala lalo na pataas ng pataas ang edad mo.” Ngumiti naman ako, “Ma, hindi muna po kailangan pang gumawa ng ganyan. Promise mamimili ako ng babaeng pasok sa panlasa mo.” "Kailan pa, Hijo? Yong Naka wheelchair na ako?” may himig na pagtatampong wika ni Mama. Hindi na nga ako nakapag pigil pa at napahalakhak nalang dahil sa sinabi ni Mama. “Ma hindi naman siguro aabot sa ganyang sitwasyon ang paghihintay mo. Malapit na Ma.” “Tse! Tsaka na ako maniniwala sayo kung meron ka ng maipakita sakin....Oh siya, mag-ingat ka sa byahe. I love you Nak.” “Love you too, Ma. Sent my regards to Papa.” “I will.” Matapos ang tawag ay tsaka ko lang binilisan ang pagmamaneho upang makarating na ako dahil nakaramdam na ako ng antok. Ilang minuto nga ang lumipas ng papasok na ako sa Transportasyon shipment. Pagkaparada ko ay agad akong nilapitan ng isang trabahador, “Boss, ikaw po 'ba si Mr.Schumacher?” tanong nito. Tumango naman agad ako, "Yes, ako nga.... Isasakay niyo na ba ang kotse?” I asked. Tumingin ito sa isang barko na busy ang mga tao sa pagpasok sa ibang kargamento. “Oo boss, malapit na kasing mapuno.” Napatango naman ako, “Kailan kayo makakarating sa Maynila?” “Limang araw ang lawig namin boss, tatawagan ka namin kapag dudunggo na kami sa Maynila.” wika nito habang tinanggal ang suot na gloves. “Good, see you there.” Ibinigay ko ang susi at kinuha ko muna ang importante kong gamit sa loob ng kotse bago dumeretso sa parking area kung saan ang taxi na naghihintay sa’kin. “Manong.” tawag pansin ko sa isang matandang lalaki na naninigarilyo sa hindi kalayuan. “Sir, ikaw po ‘ba si Mr.Schumacher?” nakakunot noo nitong tanong. Marahan naman akong tumango, “Yes manong, tara na ‘po.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD