"Miguel, hijo." bati ng isang babae, sa tantya niya ay nasa mahigit singkwenta na siguro ang edad nito ngunit maganda pa rin, naka-suot ito ng isang simpleng dress na kung hindi siya nagkakamali ay mula iyon sa isang signature brand. Halos ganun din kasi ang tipo ng damit ng kanyang ina. Naka-ngiti ito kay Clyde. "Ma." bati rin ni Clyde bago tumayo humalik sa pisngi ng Ina. "You look skinnier than the last time I saw you. Masyado ka yatang stressed sa trabaho? And what is that on your eyebrow? Bakit ka nagka-sugat?" natatawang lumayo si Clyde sa ina dahil sa dire-diretso nitong tanong sa binata. "I'm fine 'Ma. Nag sparring lang kami ni Kurt kahapon." anito habang bahagyang hinaplos ang kilay. Nakita naman niyang nabaling sakanya ang atensyon ng ginang kaya mabilis siyang tumayo at bahag