"Ma'am, for signature po." ani ni Gwen habang binibigay sa kanya ang isang folder kaya kaagad niyang binasa ang mga nakasulat sa naturang papel bago kinuha ang ballpen saka pinirmahan ang mga ito. Halos dalawang linggo na rin siya sa kumpanya kaya kahit papano ay alam na niya ang mga dapat gawin at nasasanay na rin siya sa trabaho niya. "What's my schedule for tomorrow, Gwen?" tanong niya habang binibigay pabalik ang folder Kinuha naman ni Gwen ang planner nito at tiningnan ang schedule niya bukas, "You have a meeting with the Accounting team at 10 in the morning, may scheduled meeting na rin po kayo with our Engineers para sa project ni Mr. Asuncion, 12 noon po iyon and I already reserved a conference room in an Italian Restaurant kagaya po ng sabi niyo. At 2 pm, meeting naman po with M