DAPHNE'S POV Napamulat ako nang marinig ko ang boses ni Dad sa labas ng kwarto ko. “Daph?” tawag n’ya ulit. Hindi ko alam kung gaano na s’ya katagal na nagtatawag sa akin dahil nakaidlip yata ako. “Y-yes, Dad?” sagot ko na nakahiga pa rin. Pagdating ko kasi kanina ay bukod sa masama na ang loob ko dahil sa nangyari ay sumakit pa ang ulo ko. I can’t believe what just happened to me. And I decided not to tell my parents what happened. Ayaw kong pati sila ay mag-alala at may posibilidad na mapahamak pa dahil sa kapabayaan ko. I'm overthinking things again. Iniisip ko kung bakit nangyari iyon. Ganun na ba ka desperado si Gio sa kin at nagawa na n’ya akong idaan sa dahas? Napailing ako. Hindi ko talaga maintindihan ang bilis ng mga pangyayari kaya itinulog ko na lang ‘yon kesa mag-isip